[Rhaniel's POV] "Rhaniel gabi na pero hindi pa din natin mahanap si Tasha." rinig kong sabi ni Niel. Halos naikot na namin ang buong kampo pero wala pa din bakas ni Tasha ang makita namin. Nasaan ka ba Tasha? Nakarinig naman ako ng mga yapak ng paa na tila ba tumatakbo. "A-ano yun?" rinig kong tanong ni Kisha. Inaaninag ko naman kung ano yun pero wala na din ako makita dahil sa dilim na rin ng paligid. Isinukbit ko naman yung baril ko sa pantalon ko at nilabas ang kutsilyo. "Mabuti pang huwag muna tayong gumamit ng baril dahil nakakadagdag pansin lang tayo sa mga zombie sa paligid." sabi ko. Tumango naman sila. Lumalakas ang yapak ng paa ang naririnig ko. Palapit ito ng palapit sa direksiyon namin. Nagulat ako ng may sumugod sa akin na zombie. "Agh!!" Pinipigilan kong makagat ako

