[Ranz's POV] Naglakad naman na kami patungong parking lot. Nakita ko naman yung dalawang motor na nakaparada. pero wala ang susi nito. Mukhang napansin din ito ni Marc. Nilibot ko ng paningin ko sa buong paligid at may nakita akong isang maliit na estraktura na malapit sa gate. Mukhang dito nilalagay yung mga susi. "Marc tandaan mo yung plaka ng isa." sabi ko dito at tinandaan ko naman yung plaka ng isa. Nagtungo na kami sa security house kung tawagin malapit sa gate. Napansin kong walang tao sa loob nito kaya naman pumasok na ako sa loob at sumunod din si Marc sa likod ko. Pinuntahan ko kaagad yung stante kung saan nakalagay ang mga susi. "Hanapin mo na yung plaka na pinatandaan ko sayo." sabi ko at tumango naman ito. Hinanap ko na din yung sa akin at nang makita na namin pareho l

