Chapter 39 - No More Pain

2078 Words

TITIG na titig si Jak kay Lyla na mahimbing ang tulog habang siya naman ay nakaupo sa tabi ng kama. Hindi namalayan ng asawa niya na mag-isa na lang ito sa higaan at wala na ang anak na katabi nito. Anong oras kaya babalik ang mag-lola? Sinipat ni Jak ang suot na relo. Alas-otso pa lang ng umaga. Maaga pa sa ilan ang oras na iyon. Pero sa katulad niyang nagtatrabaho, simula na iyon ng maghapong pagpapakapagod niya. Kung wala siguro siya dito ngayon, baka nasa opisina na siya sa ganitong oras kahit Sabado pa ngayon. Magmula kasi nang ikasal silang mag-asawa, pati Sabado ay ginawa na rin niyang araw ng trabaho para lang makaiwas kay Lyla. Ngayon, heto siya walang pakialam kung may iniwan siyang trabaho sa opisina. Wala siyang pakialam kung pagbalik niya sa opisina ay tambak na ang pipirm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD