NAGISING si Jak na parang may mabigat na nakadagan sa kanya. Nang magmulat siya ay madilim pa sa labas. Sinulyapan niya ang hinigaan ni Lyla. Wala na ito sa kama. Ganoon din si Lemuel. Babangon na sana siya ngunit hindi siya makagalaw. Saka niya napansin na nakapatong pala sa dibdib niya ang kanyang anak. Ginawa nitong unan ang kanyang dibdib. Maingat niyang inilipat ang katawan ni Lemuel sa kama. Bahagyang umiyak ang anak niya habang nakapikit kaya hinagod niya ang ulo nito hanggang kusa itong kumalma. Naramdaman niyang naiihissiya kaya bumangon siya ng kama. Maingat siyang lumabas ng kuwarto. Nakabukas ang ilaw sa kusina kaya hindi siya nahirapan na maglakad. Nang makarating siya sa kusina ay naabutan niya roon si Lyla na nakaupo pero ang ulo ay nakapatong sa mesa. “Huh? Miss Beauti

