CHAPTER 10

1658 Words
SOMEONE'S POV Andito ako ngayon sa sa isang village na kung saan sinundan ko ang batang babae. Sobrang ganda niya at kamukhang kamukha ko siya. Ang lakas niyang na kuha at galing sa pakikipaglaban ay namana niya sa akin. Halos lahat ng laban niya ay pinanonood ko nakikita ko ang sarili ko sa kanya. " Sorry anak"- sambit ko sa sarili ko. At umalis na ako dahil na silayan ko na siya. Pagbalik ko sa aming bahay ay agad bumungad sa akin ang aking asawa. "Pinuntahan muna nanaman siya"- sabi nito sa akin at hindi ko na siya pinansin. "Mas mahal mo pa ata yang batang yan kaysa sa anak nating dalawa"- sabi nito sa akin. " Hinding hindi siya babalik sayo kahit kilan may sarili na siyang kinikilalang pamilya"- sabi nito sa akin. Umupo na lang ako sa bangko at umiyak ng umiyak. "Bakit nga ba hindi kita pinaglaban noon, sorry anak kung naging mahina ako pag dating sa pag - ibig at kung pinairal ko ang pagiging malakas ko edi sana kasama kita ngayon"- sabi ko na lang sa sarili ko. DREXILLE'S POV Pagkauwi ko galing school ay agad akong nag bihis upang maghanap ng impormasyon sa Mafia Queen. Kapag hindi pa ako kumilos ng maaga ay ako na ang tatapusin ni Boss. Nag suot na lang ako ng leather jacket at kulay black na pants at dumiretso na akong sumakay sa motor. Kaya pinaandar ko na ito ng mabilis hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang paghahanap ko sa kanya. Nasisira ang mga transakyon ng droga namin sa ibat ibang bansa kaya kilangan na namin itong mapaslang. Habang nag bibiyahe ako nakita ko si Ayeka sa labas ng mall hinihintay niya ang sasakyan niya ngunit hindi pa ito dumadating kasama niya ang mga body guards niya upang proteksyonan siya sa mga tao. Pinarada ko muna yung motor sa gilid ko bumaba ako at lumapit sa kanya ngunit hinarang agad ako ng mga body guards niya. "Sorry Sir bawal kang lumapit sa kanya "- sabi nila sa akin. "Kilala naman niya ako atska close niya rin ako"- sabi ko sa kanila. At biglang nag salita si Ayeka. "Hoyyy close bagang kahit kilan hindi tayo naging mag close feelingero ka rin eh nu"- sabi nito sabay irap. Kakairata na talaga itong babaeng ito. " Atska nga pla bakit andito ka huh inistalk mko nu"- sabi nito sa akin. Masungit na nga ang kapal pa ng mukha. "Ang kapal rin ng mukha mo no MISS AYEKA , na padaan lang ako dito "- sabi ko dito. Aalis na lang ako kaysa makipag usap pa dito. Aalis na sana ako ngunit agad akong tinatawag nito. "Ah Drex"- sabi nito sa akin. Hindi ko siya pinansin ngunit sumunod ito sa akin. "Magpapakipot muna ako sayo Ayeka"- sabi ko sarili ko. "Drex "- tawag nito sa akin. "Hoyy Drex"- sabi ulit nito ngunit hindi ko siya pinapansin habang naglalakad ako papunta sa motor ko. "Sorry "- sabi nito sa akin. Ngayon ko lang narinig na nag sorry siya. "Ahmmm oky fine tinatanggap ko yun sorry mo pero hindi yang ugali mo"- sabi ko sa kanya. At sumakay na ako sa motor ko at umalis na ako upang ipagpatuloy ang paghahanap . AYEKA'S POV Nandito ako ngayon sa mall upang bumili ng mga bag at damit ko buti na lang at wala rin akong mga assignments. Pumasok ako sa GUCCI store ang gaganda ng mga bag nila dito ngunit hindi ko sila mga type. Pumasok na lang ako sa bilihan ng mamahaling mga damit pumili lang ako ng pumili ng mga na gugustuhan ko. Pagkatapos kung mamili ay lumabas na ako. Ngunit maya maya ay hindi pa dumadating ang sundo ko kaya ikinontak ko na ito. Nakapatay ang phone niya. Buti na lang ay andito ang body guards ko upang proteksyonan ako sa mga fans ko dito. Maya maya ay lumapit sa amin si Drex. " Sir bawal ka pong lumapit sa kany"- sabi ng isa sa mga body guards ko. Habang ako tinutuloy ko lang contactkin si Manong driver nakapaty pa rin ng cellphone nito. "Haysstt"- sabi ko sa sarili ko. " Kilala niya naman ako atska mag close kami"- sabi nito sa isang body guard namin. Kaya sumagot na ako kahit kilan hinfi ko siya naging close no ka una unahan ko siyang hates sa mga lalaki. " Hoy close bang kahit kilan hindi tayo naging mag kaclose fellingero ka rin no" - sabi ko dito. "Atska nga pla bakit andito ka huh inistalk mko nu"- dagdag kong sabi dito. "Ang kapal rin ng mukha mo no MISS AYEKA , na padaan lang ako dito"- sabi nito habang may diin sa pangalan ko. Naalala ko ang nga sinabi niyang kahaoon at ineteresado ako sa kausap niya at pagkatao niya. Paalis na ito at tinawag ko siya. " Ah drex"- sabi ko dito ngunit hindi na ako pinansin na animong wala siyang naririnig na tumatawag sa kanya. "Hoy drex "- sabi ko ulit dito habang sinusundan ko siya. "Sorry"- kusang lumabas sa bibig ko ang katagang yan kahit hindi ako nag sosorry kilangan ko rin yang salitang yan upang lumapit ang loob niya sa akin. Ngunit hindi niya ako pinansin at sumakay na siya sa motor niya at unalis na ito. " Sa school kita susuyuin"- sabi ko sa sarili ko. Ilang minuto ba bago dumating ang sasakyan ko at may nahagip ng mata ko ang isang babae na kasing edad ni Mommy tumingin lang siya sa akin at pareho kami ng mata ngunut hindi ko na siya pinansin at sumakay na ako sa sasakyan. Habang nasa biyahe kami papuntang bahay ay hinding hindi ko malimutan ang nga titig ng babae. Kitang kita kong paano siya sabik na sabik akong yakapin nito. "Ngunit sino siya?"- sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na siya inisip ng marating na ako sa bahay dumiretso lang ako sa kwarto ko at nagbihis bumaba rin ako ng ilang minuto upang kumain. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko. Na isip kong lumabas muna upang magpahingin kaya nga bihis na ako ng damit ko. Pagkatapos kong mag bihis ay pinuntahan ko ang motor ko at nilabas ito. "Tulog na naman sila kaya hindi na nila maririnig "- sabi ko sa sarili ko. Pagkalabas ng pagkalabas ng motor ko pinatakbo ko ito ng matulin. Dumaan muna ako sa tournament upang makita ko ang nag lalaban "Manonood muna ako ng ilang minuto"- sabi ko sa sarili ko. Magkaiba ang tayo ng pinag nonoodan ng mga MAFIA andito kami sa taas na may salamin at kitang kita kami rito. Iba ang daan papunta dito at iba ang daan ng mga ganster sa kabila sila dumadaan at kapag pakikipaglaban rin kami ay doon din kami dumadaan. Naramdaman kong may matang nakamasid sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy lang akong nanood. Pagkatapos ng laban ay agad akong lumabas sa paglabas ko ay may nakasunod sa akin binilisan ko ang lakad papunta sa motor ko. Lumiko ako sa isang poste uoang magtago roon at sisipaan ko ito. Maya maya ay malapit na siya sa puwesto ko ay sinipa ko sa mukha niya. Hindi ko siya mamukhaan dahil naka mask rin ito. Sumugod siya sa akin tudo iwas lang ako sa ginagawa niya halos hindi niya ako matamaan sa bagal niyang kumilos. Kaya sinuntok ko siya sa mukha niya Tumalsik siya sa sobrang lakas nito. Sumugod ulit siya natamaan niya ako sa tagiliran ko. Naglabas siya ng armas baril ang hawak niya ngayon at ako tanging kutsilyo lamang. Hindi ako nagpatalo sa kanya. Pagputok ng baril niya ay agad ko na hawakan ang bala ng baril niya. Gulat siyang nakatingin sa akin. At ako naman ang sumugod sa kanya. Tudo putok lang siya ng baril habang papalit ako sa kanya. At ng mahuli ko siya ay hiniwa ko ang mukha niya. "Ahhhh"- sabi niya ramdam na ramdam kong na sasaktan siya. Hindi ko na na ituloy ang pag hiwa ng sa mukha marami ang dumating at nawala ang atensyon ko sa kanya. Babalatan ko sana siya ng buhay kong walang dumating. At nakita ko ang Demonyong tao. Ano na naman ang kilangan niya sa akin. Demonyo pa sa demonyo itong taong ito . Palapit ito ng palapit at wala blanko ang mukha ko . " Long time no see Queen A. "- sabi nito sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. " Ang ganda at ang sexy mo pa rin hanggang ngayin"- sabi nito sa akin. " Nga pla na balitaan ko ang tungkol sa organisasyon "- sabi nito sa akin. Ang organisasyon na sinasabi niya ay si Daddy ang may hawak noon at siya ang namumuno dito. Kaya palagi siyang busy ay dahil dito. " Pakialam ko"- sabi ko dito. " Hahahahaha mag ama talaga kayo"- sabi nito sa akin. " Hindi naman kami mag ina kaya mag ama kami commin sense naman"- sabi ko sa kanya. Nawala ang tamis ng tawa niya at ako ngayon ang nakangisi sa kanya. "Nang dahil sayo , nasisira ang negosyo ko"- sabi nito sa akin. " Sisirain ko ng sisirain ang lahat ng pag mamay ari mo"- sabi ko dito. " Akala mo ba natatakot ako sayo porket ikaw ang MAFIA QUEEN"- sabi nito sa akin. " Hahahha kahit kilan hindi ko hindi ko ginagamit ang pagiging MAFIA ko dahil sa isang katulad mo isa ka lang asong ulo"- sabi ko dito. " Ngayon pa lang ay matakot ka na"- sabi ko dito. At sinenyasan niya ang mga tauhan niya na sugudin ako. Saksak doon saksak dito ang ginagawa ko. Binato ko sa noo ang isa. "Sapol"- sabi ko dito at hinugut ko dito ang kutsilyo ko. Tuloy tuloy lang ang laban Ilang segundo ay napa tumba ko na ang lahat sa 50 ng katao ay agad ko silang pina tumba. "Magaling magaling magaling"- sabi nito sa akin. "Magaling ako dahil wala akong sakit"- sabi ko dito. Pagtingin ko sa lalaking kanina kong hiniwaan ay agad itong nawala . Isusunod ko sana siya ngunit nawala agad ito ng hindi ko namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD