AYEKA'S POV
Pumasok na ako ngayon sa school at kasabay ko ang bestfriend ko.
"Alam mo ba bessy si Kuya mo lalong gumagwapo "- sabi nito sa akin habang kinikilig ngunit ang isip ko ay lumilipad kay Drexille.
"Bessy ang gwapo ng new classmate ninyo galing Japan alam mo bang gusto ito ni Celestaine "- sabi nito sa akin.
" Wala akong pakialam kung gwapo siya at kung gusto ito ni Celestaine"- sabi ko dito.
"Sabagay loyal ako sa kuya mo at siya lang ang gusto ko"- sabi nito sa akin habang kinikilig.
Maya maya ay nakarating na kami sa classroom ko at nag paalam na ako dito kay bessy.
"Bye see you later bessy "- sabi ko dito.
Pagpasok ko ay agad hinanap ng mata ko si Drexille ngunit hindi pa ito dumarating.
Naka ilang subject na ang dumaan ay miski anino ni Drexille ay hindi ko nakita.
"Wari ko busy siya sa photoshoot niya"- sabi ko na lang sa isip ko.
Nakinig na lang ako sa professor ko upang hindi na maglayag pa ang utak ko.
Maya maya ay nag text si Daddy.
Binuksan ko ito.
May ipapagawa ako sayo mamaya .
- Daddy
Pagkabasa ko ay agad ko itong binaba at pinagpatuloy ang pakikinig ko.
Kami ang nag mamay ari ng pinakamalaking organisasyon dito sa aming bansa ngunit hindi ito alam ng nakakarami dahil palaging ibang tao ang nag aasikaso nito at ito ay ang pinakamatalik na kaibigan ni Daddy.
Kaya malakas ito kaysa sa mga ibang organisasyon na kalaban namin.
Uwian na namin ngayon at gusto kong pumunta ng mall at isama si bessy upang makapag relax naman siya ng utak niya.
Naisipan ko rin ng bilhan ito ng magagandang damit at mga branded galing ibang bansa.
" Bessy tara sa mall mamimili tayo ng damit ko"- sabi ko sa kanya ngunit hindi siya umimik.
"Oh bakit ang tahimik tahimik mo dyan"- sabi ko habang naglalakad kami palabas.
"Ah eh Bessy hindi kita kayang sabayan wala akong pera pambili ng damit atsaka ang mamahal ng mga damit doon hindi ko afford ang presyo"- sabi nito sa akin.
Tumigil muna kami saglit at hinarap ko siya sa akin.
"Ano ka ba bessy Hello! Kami ang nag mamay ari nun kahit anong gusto mo bibigay ko "- sabi ko dito.
Ngunit hindi pa rin siya umiimik.
" Libre ko naman eh"- sabi ko dito
At bigla itong nag salita.
"Talaga bessy libre mo? Ge sama ako kapag libre mo"- sabi nito sa akin.
" Kapag libre eh nu ang bilis mo"- tawang sabi ko.
"Syempre libre na eh papakipot pa ba ako "- sabi nito sa akin.
Kaya nagpatuloy na kaming lumabas at agad dumating ang sasakyan namin.
Pagdating namin sa mall ay maraming tao.
Kaya nakaantabay agad ang mga body guards namin.
Buti na lang at palagi silang andyan para protektahan ako sa mga tao.
" Uyy si Miss Ayeka ohhh "- sabi ng isang babae na habang tuwang tuwa ng nakita ako .
"Missss Ayeekkaa!!"- sigaw naman ng ibang fans ko habang tuwang tuwa ng makita ako.
Kinuwayan ko lang sila
"Hi"- sabi ko sa kanila.
"Omg nag hi siya" sabi nung isang babae.
Dire - diretso lang ang lakad namin papunta sa loob.
Pagdating namin sa bibilhan ng damit ay agad kong pinapili si Bessy.
" Pumili ka na kung anong gusto mo"- sabi ko dito.
"Hindi ba't nakakahiya kanina ang kapal kapal ng mukha ko ngayon naman sobrang nahihiya ako"- sabi nito sa akin.
" Wag ka ng mahiya sa akin bessy kapatid na ang turing ko sayo at gusto ko kung anong meron ako gusto ko meron ka din"- sabi ko dito.
Nagbulungan naman ang mga staff dito sa loob ng bilihan ng mga damit.
"Ang bait niya nu"- sabi ng isang babae.
Bulungan na naririnig rin naman.
"Oo nga eh sobrang bait niya sana katulad niya yung mga kasamahan niya sa model "- sabi nito sa kausap niya
Ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga sinabi nila at may nakita akong damit na babagay kay bessy.
"Bessy ito oh "- sabi ko dito.
Dress na kulay red na fitted sa katawan kumikinang ito at backless ang likod.
Pinasukat ko ito sa kanya.
At paglabas niya ay bagay na bagay sa kanya sobrang ganda niya.
"Wow your look so good"- sabi ko dito.
"Hindi ba pangit tingnan bessy"- sabi nito sa akin.
"Pumipili ba ako ng pangit"- sabi ko dito
Sobrang ganda niya nakababa ang buhok niyang na alon alon at kanyang hikaw na katamtaman lang ang laki at kulay gold ito.
Tumingin ito sa salamin at hindi siya makapaniwala sa mukha niya.
"Ako ba ito"- sabi nito sa sarili niya.
"Hindi Christelle Anne nanaginip ka lang"- sabi nito ulit sa sarili niya.
Natawa lang ako sa ginagawa niya.
Sumagi sa isipan ko kung paano kapag nalaman niyang pumatay ako ng tao .
"Lalayo kaya siya sa akin"- na sambit ko ng mahina at nagulat ako ng magsalita siya.
"Anong lalayo Ayeka , sino ang lalayo?"- sabi nito sa akin ng seryoso .
"Ah wala yun bessy wag mo ng problemahin pa"- sabi ko dito.
"Tara doon tayo papamili kita ng gusto mong heels"- yaya ko sa kanya at sumama naman ito.
"Bessy maganda ba ito"- sabi niya sa akin.
Red ito at pointed heels ito 6 inches ang taas nito ngunit baka matapilok siya sa taas nito at hindi siya marunong magdala ng ganito kataas.
"Oo maganda pero nag susuot ka ba niyan"- sabi ko dito.
"Hindi yun lang"- sabi niya sa akin.
Halatang gustong gusto niya yung heels na yun dahil maya't maya ang tingin niya dito.
At paglabas namin ay wala na kaming ibang pinuntahan sinenyasan ko ang isang body guard ko na kunin na yung pinabili ko kanina.
"Ah bessy bago matapos ang araw na ito may gusto akong ibigay sayo"- sabi ko dito habang papalabas na kami ng mall.
" Wow huh may pa ganun pang nalalaman si Bessy"- sabi nito sa akin.
Inabot ko ang isang paper bag na ang laman ay heels, kanina pinauna ko siyang lumabas sa store na yun mabili ko ito at binayaran ko kaagad ito.
Kahit na pagmamay- ari namin ito kilangan bayaran pa namin ito upang hindi rin kami malugi.
"Here"- sabi ko dito.
Pagbuklat niya ay agad namilog ang nguso niya.
"Wow thank you so much bessy"- sabi nito sa akin sabay yakap sa akin.
" Pag practicehan mo yan para matuto ka sa mga heels "- sabi ko dito.
"Opo madam"- sabi nito sa akin
Yumakap ulit ito sa akin at nag salita siya.
"Sobrang thankful ako na naging kaibigan kita bait ka na at matulungin ka pa"- sabi nito sa akin.
"Tara na nga at nag ddrama ka na"- pag yaya ko sa kanya.
Pero na appreciate ko ang pagpapasalamat niya mula sa puso niya yun kaya natutuwang isipin na may kaibigan rin akong tulad niya ngunit paano kung malaman niya talaga na ang isang kaibigan niya ay angel ang mukha pero demonyo ang panloob.
Sumakay na kami ng kotse at nag text ulit si daddy.
May isang truck na punong puno ng droga mamaya daw ito dadalhin sa pier at sa Visayas ang punta nito ikaw na bahala kung ano ang gagawin mo
- Daddy
Pagbasa ko ng mensahe ay binaba ko na ito upang hindi na rin mabasa ni Bessy delete ko muna ito sa mga messages ko ang lahat ng nag tetext sa akin upang walang makabasa ang lahat ng mga impormasyong nakukuha namin sa kalaban namin.
"Sino yun bessy"- sabi nito sa akin
"Ah si daddy nag text na saan na daw ako"- pag dadahilan ko dito upang hindi na magtatanong ng kung ano ano pa.
"Hahatid ka namin muna sa inyo saka diretso na kami sa mansyon"- sabi ko kay Bessy.
"Ah wag na Bessy maglalakad na lang ako total malapit lang naman yun sa kalsada tapos lalakad lang ako papasok sa isang maliit na iskinita "- sabi niya sakin.
"Oky bessy ikaw bahala "- sabi ko dito.
Tumingin na lang ako sa bintana at biglang sumagi sa isipan ko si Drexille .
"Bakit nga ba siya absent"- sabi ko sa sarili.
"Wala kang pakialam kung absent siya Ayeka"- sabi ulit ng isip ko.
Kaya na paisip ako ng plano kung paano mapalapit kay Drexille at gusto kong mapalapit sa kanya upang makilala ko ang tunay na pagkatao niya.