Kalahating milyon at mahigit. Iyan ang nagastos ni Ismael Oh Deogracias sa munting batang si Reighn, na hindi maawat-awat sa pagshopping at pagbili nang kung ano-ano. Mabuti nga noong inihatid niya ito pauwi ay wala pa si Reina, at ang kanilang mga pinanamili? Nakaimbak sa doll house s***h mini mansion ni Reighn na regalo at pinagawa naman ng kaibigan niyang si Llyod. “Kamusta naman ang date niyo ng anak ko?” Tanong ni Jax. Inabutan nito si Ismael ng isang kopitang may lamang alak na siyang mabilis naman nitong tinanggap. “Siguro naman hindi umabot ng isang milyon ang gastos niyo?” Tumaas pa ang isang kilay nito. Umiling naman si Ismael at sumimsim ng alak sa kopita. “Ayos naman. As usual, maligalig at bibo ang inaanak ko. At hindi naman umabot ng isang milyon ang gastos ko, hindi k

