Napamewang at napasintido na lamang si Ismael ng makitang halos ubosin ng kaniyang inaanak na si Reighn ang display na mga manika sa toy store. Hindi dahil sa wala siyang pambayad. Kung pera lang ang pag-uusapan, marami siya no'n. It's just that, mayayari siya sa nanay nitong si Reina na mahigpit ng ipinagbabawal na i-ispoil si Reighn. Dahan-dahang nilapitan ni Ismael ang nakapamewang na si Reighn, kalauna'y lumuhod siay sa harapan nito upang magkapantay ang kanilang mga mukha. "Malalaro mo ba lahat 'yan baby girl?" Pagtukoy niya sa nag-uumapaw na mga manika sa stroller. Makailang ulit namang tumango ang pilya niyang inaanak at kinindatan pa siya, na siyang kaniya namang kinailing. "Opo ninong!" Magiliw nitong tugon. "How about the rest?" Panandaliang ninakawan ni Ismael muli ng ting

