Muling naasiwa at naalibadbaran si Ismael ng bumalik na ang kaniyang sekretaryang si Bett La Fea—ay mali, Celestine nga pala. Mabuti na lang at tapos na siyang kumain, dahil kung hindi, lalo siyang mawawalan ng gana sa itsura nito. Bukod sa makapal at patong-patong na suot nitong damit, ay mayroon din u***g makapal na bangs at frame ng salamin sa mata. “S-Sir nandito na po ako,” Anunsyo nito, bahagya pang nakayuko. “Nakikita ko,” Mahinang wika ni Ismael, sinigurado niyang hindi iyon makakaabot sa tainga ng kaniyang sekretarya. “Po?” “Wala,” Ani Ismael, umiling pa. “Magsimula ka na. Kagaya ng sinabi ko kay Reina, dobleng sahod ang matatanggap mo dahil sumipot ka.” Imporma niya pa rito, ni hindi niya ito matingnan sa mata. “Sir maraming salamat po!” Tili nito na siyang kinasapo ni Isma

