Nang kumalma na ang lahat ay muling naglakas loob si Ismael na magtanong. Malakas naman talaga ang loob niya, makapal pa nga ang mukha. "May tanong pala ako Boy Singkit," Bumalikwas si Ismael mula sa pagkakahiga, naupo siya sa gilid ng kama at tiningnan ito. "Ano na naman?" Tila suko ng tanong nito. "Siguradohin mo lang na may kabulohan iyang tanong mo," May bahid pa ng pagbabanta ang boses nito. "Si Warden ba 'yong pinapapak mo sa ibabaw ng mesa kani-kanina lang?" Tanong ni Ismael, kuryoso at nang-uusyoso. Samantalang si Llyod naman ay tahimik lang na naghihintay ng sagot ni Sylven, may munting gitla ang noo. "Oo," Baliwalang tugon ni Sylven at naupo sa sofa. "Bago 'yon. Pansin niyo naman, halos marami ang bagong mukha rito." Dagdag pa nito na siyang sinang-ayunan naman nila Ismael

