Chapter 7

1781 Words
Labing limang minuto. Iyan ang itinagal ng paghihintay at pagbabantay nila Ismael at Llyod sa labas ng opisinang ginagawan ng kababalaghan ni Boy Singkit. Daig pa nila ang may binabantayang very important person sa sobrang higpit, makailang ulit na ring bumalik ang isang pulis rito at may pakay raw sa warden. Ang sagot nila? 'May importanteng meeting sa loob na bawal istorbohin'. Mabuti na lang talaga at naniwala ang pulis, dahil kung hindi, damay-damay na kung nagkataon. Sabay na napabaling ang tingin nila Ismael at Llyod sa pintuan ng opisina ng iyon ay bumukas. Doon, iniluwa ang kanilang kaibigang singkit na nakangisi. Magulo ang buhok nito at may bahid pa ng lipstick ang pisngi, nakasuot ito ng kulay orange na damit na may nakasuoat na 'PDL' o mas kilala sa tawag na, person deprived with liberty. "Tangina," Bulalas ni Ismael, may iling pang kasama. "Saan ka nakakita ng bilanggong inaararo ang warden?" "Ngayon," Baliwalang tugon ni Sylven, ang pangalan ni Boy Singkit. Nakipagfist bump ito kay Ismael gayon din kay Llyod na kanina pa panay bunting hininga. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong pa nito. "Dinadalaw ang hari mg selda," Tugon ni Ismael at inakbayan si Sylven. "Tangina mo pasalamat ka kami ang nakakita sa kababalaghan mo, kung hindi, dagdag na naman 'yan sa sentinsiya mo." Dagdag niya pa, pero ang gago niyang kaibigan ay tinawanan lang siya. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Wala naman ‘di ba? Baliw ang pota. Dapat pala sa mental institution pinadala ang isang ‘to e, hindi dito. “Masyado ka naman yatang natuwa rito,” Saad naman ni Llyod. “Ginawa mo ng bahay bakasyonan ang presinto. Hindi ba’t halos kakalaya mo lang five months ago?” “Oo,” Tugon ni Sylven, sinamahan pa ng pagtango. “Wala e, nasabit na naman sa gulo.” “Tigil-tigilan mo na kasi ‘yang mga kalokohan mo,” Sermon dito ni Llyod, konsumeng-konsume na sa kanila. “Daig mo pa si Kellan.” “Teka nga sandali,” “Ano?” Sabay na tanong nila Llyod at Sylven, mga mata’y seryoso sa kaniyang nakatingin. “Baka gusto niyong lumioat ng puwesto? Nakaharang tayo rito oh. Buti sana kung maliliit tayong tao,” Wika ni Ismael na siyang totoo. “Oh, you’re right.” Palatak ni Sylven, mukha ay seryoso. “Gusto niyo bang pumasok sa loob?” Tinuro pa nito ang opisina. “Makayaya akala mo kaniya,” Ingos ni Llyod. “Sa iba tayo, baka mamaya makakita na naman kami ng live show. Ayaw ko ng makita ‘yang pwet mo ‘no,” Dugtong pa nito na hinagawa naman ni Ismael. “Okay,” Tugon ni Sylven at nagsimula ng maglakad, na siyang sinundan naman nila agad. Tingnan mo ang kaibigan nilang ‘to, makalakad akala mo hindi bilanggo. Mind you, nasa presinto sila pero nagmistulan itong isang tourist spot sa kadahilanang bawat silid, opisina, at seldang kanilang nadaraanan ay ipinapaliwanag nito. Kung hindi ba naman siraulo, kaya nakukulong e. “Person deprived with liberty ka, pero kung maka-asta akala mo turista.” Saad ni Llyod ng marating na nila ang selda ni Sylven. “Tanginang selda ‘to may aircon,” “‘Di ka pa nasanay,” Wika naman ni Ismael at bunuksan ang flat screen television na naroroon. Sosyalin hindi ba? Hinouse arrest na lang sana nila ang isang ‘to kung VIP treatment rin naman pala ang lagay nito sa presinto. May aircon, telebisyon, mini ref, mini kitchen, appliances, sofa, banyo, at kumportableng kama lang naman ang selda ni Sylven. Ang sarap ng buhay ni gago. “So, ano ang ipinunta niyo rito?” Tanong muli ni Sylven, nagbukas pa ng canned beer. “Wala,” Sagot ni Ismael. “Bored at wala lang magawa ang isang ‘yan kaya ka namin pinuntahan,” Saad naman ni Llyod na abalang magtimpla ng kape. “Bakit hindi kayo pumunta sa bahay ni Jaxel? Bakit dito? Bakit ako?” Sunod-sunod na tanong ni Sylven. “Tangina nito,” Palatak ni Ismael. “Ikaw na nga ang binisita parang masama pa ang loob mo,” “Masama talaga loob niyan, hindi naka-round two e.” Pang-aasar naman ni Llyod. “Nanggaling kami ro’n kahapon. Binitbit ako ng kupal na ‘yan na para bang wala akong pinapatakbong kompanya at hotel,” Itinuro pa ni Llyod si Ismael. “‘Wag mo kasing patakbohin ang kompanya mo. Paano kung mapagod? Tumigil? Edi malulugi ka,” Pamimilosopo pa ni Ismael, gago talaga. “Tangina mo talaga!” Binato ni Llyod si Ismael ng nakalukot na tissue paper na walang kahirap-hirap naman nitong nasalo. “Tatanda ako sa ‘yo ng maaga,” “Ayaw mo no’n? Sugar daddy ka na ng crush mo,” Kantyaw naman ni Sylven na halos ikagulong na ni Ismael sa sahig, sa lakas ng tawa nito. “Ah talaga ba? Sino kaya sa atin ang nagkagusto sa madre? Tapos pinatattoo pa ‘yong pangalan in latin, na para bang girlfriend niya na ‘yon?” Puno ng sarkasimong wika ni Llyod, na siyang dahilan para mapatutop si Ismael ng bibig. “Ah gano’n?” Igting pangang turan ni Sylven. “Sino kaya ‘yong nagpanggap na special guest sa event ng school, masulyapan lang ‘yong crush niyang teacher?” Napapasinghap na lamang si Ismael nang dahil sa mga rebilasyong naririnig, thou alam niya na naman ang mga ‘yon. “At least ako hindi nakakulong,” Wika ni Llyod na siyang muling kinatawa ni Ismael ng malakas. “Tangina personalan!” Palatak ni Ismael na sinabayan ng halakhak, na siyang halos ikasakit ng kaniyang tiyan. “Tangina mo,” Tugon ni Sylven at nag middle finger pa, na siyang sinuklian naman ni Llyod na ngayon ay nakangisi na. Nagtagal pa ng ilang minuto ang pang-iinsulto nila Sylven at Llyod sa isa’t isa, samantalang si Ismael ay walang ibang ginawa kundi ang tumawa. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang makita ang mga kaibigan niya, masaya. Para silang bumabalik sa pagkabata tuwing kasama ang isa’t isa, pero syempre alam naman nila kung kailan magseseryoso at isa pa, kaya nga siya nagtungo rito para mang-istorbo. “Pero balita ko wala ka na naman sekretarya ah?” Bumaling kay Ismael ang singkit na mga mata ni Sylven. “Oo,” Tumatangong tugon niya rito. “Wala e, alam mo naman…makamandag ako,” Kinindatan niya pa ito. Umakto namang naduduwal si Sylven at sinabing, “Ano ka ahas? Sabagay, napaghiwalay mo nga pala ang long time loveteam sa showbiz nang dahil diyaan sa kamandag mo.” Nagkibit balikat pa ito. Isang proud na ngisi ang gumuhit sa labi ni Ismael nang dahil doon. Tama. May nasira nga siyang loveteam, kasalanan niya ba? Halata namang nilalandi siya ng babae, pinatulan niya lang kasi ng gentleman siya. Ganito ‘yan. One year ago, naghahanap ng artista ang Deogracias Global Holdings para maging endorser—to promote their business and such. Tapos, dahil may budget naman sila at hindi nagtitipid si Ismael sa mga ganitong bagay at usapan ay kinuha niya ang loveteam na pinaka-sikat sa bansa. At first, okay naman—very professional ang dalawa, hanggang sa nagpakita na ng signs of kalandian ang babae towards him an siyang pinatos niya na. Okay na naman sana, ang kaso nahuli sila noong lalaking artista kaya nasira ang lahat ng plano ni Ismael. Thou, hindi naman malugi ang kompanya niya. In the end, walang endorsement na nangyari. Nasira ang loveteam ng dalawang celebrity at may pagsasampa pa laban sa kaniya na nangyari, but there’s no evidence—kung meron man, it’s not enough. Tsaka, nanatiling walang kibo ang ababeng artista sa issue kaya aagd din iyong namatay. “Alam niyo…” Saad ni Llyod, na nagpabalik sa naglalakbay na diwa ni Ismael. “Ano?” Sabay na tanong nila Sylven at Ismael. “Dapat sa inyong dalawa nasa mental e, parehas kayong baliw.” Malutong na saad ni Llyod, at talagang idinuro pa sila Ismael at Sylven gamit ang gitnang daliri. “Tatawagan ko si Evric para ipa-admit kayo,” “Wow ah!” Singhal ni Ismael, offended. “Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo. Ikaw ang pinakabaliw sa ating tatlo ‘no. At isa pa, huwag mong tatawagan si Evric dahil maniningil lang ‘yon.” “Tama si Ismael,” Pagsang-ayon naman ni Sylven. “Hindi pa ako bayad sa utang ko ro’n, baka maalala pa.” “Hanggang ngayon hindi pa rin kayo bayad?” Hindi makapaniwalang tanong ni Llyod, mga mata ay bahagya pangnanlalaki. “Tangina? Dalawang taon na ang nakakaraan ah?” “Bakit ba?” Sikmat ni Ismael at nahiga sa kama. “Wala akong pera. Madami akong gastos ngayon sa kompanya,” “Same,” Wika naman ni Sylven, nakatayo at nakapamulsa. “Bilanggo ako, talagang wala akong pera.” “Magkano ba utang niyo kay Evric?” Kunot noo at takang tanong ni Llyod. “One hundred,” Tugon ni Sylven. “Twenty,”. Wika naman ni Ismael. “One hundred at twenty ano? Thousand? Hundred thousand? O million?” Mas lumalim ang gitla sa noo ni Llyod. Magsasabi na lang kasi, hindi pa binuo. Ano siya manghuhula? Ang mga kaibigan niyang talaga ‘to, oo. “Pesos,” Sabay na tugon nina Ismael at Sylven, na kinamaang naman ni Llyod. “Tangina? Pesos lang hindi niyo ba nabayaran?! And it was two years ago!” Sigaw ni Llyod sa gulat at hinarap si Ismael. “May pangbayad sa hotel room, sa utang na bente wala?” Hinarap naman ni si Sylven. “At ikaw? Anong bilanggo ka at walang pera? Ulol. Sinong niloko mo? Magbayad na kayong dalawa, kayo pala ang dahilan kung bakit hindi ako makautang!” Nasamid sa iniinom na beer si Sylven nang dahil sa naging rebilasyon ni Llyod. “Tangina mo ka talaga!” Palayak nito at malakas na tumawa. See? Tatlo pa lang sila, pero nakaka-bobo at nakaka-potangina na. Paano pa kaya kung kumpleto ang buing barkada? Hindi na makaoaghintay pa si Ismael na mangyari ang bagay na ‘yon, pero sa ngayon kailangan niya munang humanap ng bagong sekretarya bago pa siya mabaliw sa magulong schedule at paper works niya. Puwede namang si Reina na lang ang sekretarya niya e, mas maganda pa dahil kilala nila ang isa’t isa. Pero ayaw naman ng kaibigan niyang si Jaxel, na siyang nirerespeto niya. Actually, Ismael is expecting na makakahanap agad si Reina ng bago niyang sekretarya. Pero mukhang naghigpit na rin ito sa kadahilanang hanggang ngayon ay wala pa rin itong ipinapakilala sa kaniya. Lahat na lang ba talaga may pagnanasa sa kaniya? Iba talaga kapag magandang lalaki, s**t na malagkit! Habulin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD