
"KISS the fourth man, na papasok sa pintong 'yan, Trixie!" tila kinikilig na wika ni Lia.
"No way!" pag tutol ko.
Halikan? No! Never!
"Then treat me, shopping time!" sigaw ni Lia.
Ayoko namang mamulubi, Kilala ko si Lia pag dating sa shopping time 'kuno n'ya. Wala s'yang sina-santo.
"Oo na! Peste!" tila walang magawa kong saad.
"One... Two... Three—" rinig kong pag bibilang ni Lia, nag sa-sign pa ito sa daliri n'ya. Kasalukuyang nakatayo ako sa gilid ng b****a ng library.
"Four!" sigaw n'ya kaya sinaway s'ya ng librarian. Walang ano-anuman ay agad kong hinila ang kwelyo ng lalaki saka idinampi ang labi ko sakanya. Dumaan kami sa kabilang pinto ng library.
Huminto kami sa quadrangle ng school.
"Kyah!" impit ng tili ni Lia at hinawakan pa ang may kabilang balikat ko saka ako inalog-alog.
"Ano ba! Nakakahiya! Paano pag may nakakita sa ginawa ko?! Paano pag ma expelled ako? Graduating na ako Lia!" kinakabahan kong sambit.
"Walang nakakita ako lang! Kyah!" kinikilig n'ya pang wika ay pinapaypayan pa ang sarili n'ya.
Nakatanggap s'ya saakin ng batok, "Ano ba! Para kang bulateng binuhusan ng asin!" saway ko sakanya.
"Walanghiya ka! Kinikilig ako! Bakit si Juhan pa?" halos mangisay na tanong ni Lia.
Juhan?
"Juhan? Sino 'yon? Kilala mo kung sino 'yong hinalikan ko?!" saad ko.
"You just f*cking kissed the Governor's Son! Juhan Arcades!" mahina ngunit may diing sambit n'ya.
I'm doomed.
