Chapter 4.1

4522 Words
2:11 P.M. Kasama ko ngayon si Rowan sa park. Sinadya ko talagang pumunta dito pagkatapos ng work ko, hindi na nga ako tumambay doon sa coffee shop ni auntie mavit at hindi rin ako nakiwifi kaya ngayong araw na'to hindi manlang ako nakapagfacebook. Dumiretso ako dito sa park dahil nagbakasakali ako kung nandito sa si rowan ng ganitong oras at hindi naman ako nabigo dahil 1:40P.M. palang no'n ay nakita ko siyang nakaupo sa bench na pinagkaupuan namin noong nag-usap kami ng matagal. Mahigit 30 minutes na nga kaming magkasama ngayon at natutuwa ako do'n, para kasi kaming nagdidate dahil ngayon naglalakad lakad kami. Hindi man magkahawak kamay pero sana soon magawa namin 'to. Iyong magkahawak kamay kaming dalawa at masayang nag-uusap. Sa ngayon, ay friendly date na muna para sa akin. Binibigyan ko na ito ng malisya at ako lang ang nakakaalam no'n, dahil sa nakikita ko sa kanya parang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin na para bang sinasabi o pinapahiwatig ng kilos niya na hanggang kaibigan lang talaga. Ayokong isipin ang ganon dahil pakiramdam ko na parang buong paminta 'tong puso ko na unti-unting dinudurog kaya kung ano mang mga negative thoughts ko tungkol kay rowan ay isinasawalang bahala ko nalang iyon. Mga what if's lang naman iyon, pwede pang mabago iyon, sana kahit katiting nachance magkamayroon akong puwang sa puso niya. Habang patuloy kami sa paglalakad ay bigla naman akong napahinto dahil naramdaman ko't narinig ang pagkulo ng tiyan ko. Unti-unti akong tumingin sa kanya at nakita kong tumawa siya. Nakakahiya! Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako, hindi naman ako nakapagreklamo, nagulat din kasi ako sa ginawa niya. Bakit ba kasi kumulo pa 'tong tiyan ko, aaminin kong gutom ako ngayon dahil hindi ako nagtanghalihan dahil nag-extend ako sa trabaho ko kanina hanggang 1:00 P.M. dahil nagchat kanina si auntie mavit kay carissa na kung pwede hanggang 1o'clock na muna daw kami dahil 1:10PM pa daw dadating si ate jean at iyong ibang kasamahan namin dito dahil nagpasama si auntie sa kanila sa isang seminar kaya kami lang ni carissa ang bantay do'n sa coffee shop kanina at ngayon tapos lumabas pa si carissa no'n para bumili ng napkin, bigla kasing tinagusan at hindi man lang naghanda ng napkin. Hindi man lang naging aware na baka dalawin na siya ng monthly period niya. Mabuti na nga lang dahil nakaalis kaagad ako kanina no'ng dumating sila auntie, inaya pa nga akong kumain sa dinala niya pero tinanggihan ko nalang iyon dahil gusto kong magpunta sa park at makita si rowan, 'yon nga lang natagalan ako sa pagpunta doon dahil naglakad lang ako't may tinulungan ko pang isang matanda na nabutasan ng supot at nagkalat sa kalye iyong mga prutas niyang dala. Kahit gano'n man ang mga pangyayari kanina ay masaya parin ako, masaya ako dahil nandoon naman si rowan na kahit sa umaga ko lang makita (at minsan kung may pagkakataon ay nakakapag-usap kami sa coffee shop katulad kanina) ay nagkakaroon parin kami ng pagkakataon na magkamayroong moment katulad ngayon kung hindi ako nagpunta dito baka natapos lang iyong araw ko na hanggang kanina lang 'yong pagkikita't pag-uusap namin. Hihi! Natigil na ulit ako sa pagrerecap sa mga pangyayari kaninang tanghali. At nakita't naramdaman ko naman ngayon na nasa tapat na pala kami ng isang mamahaling restaurant dito sa city. Honestly, hindi pa ako nakakapasok sa restaurant na 'to, hanggang karenderya lang at mga food spot lang ako nagpupunta. Nadadaanan ko naman 'to pero never akong pumasok. Wala akong budget para sa mamahalin at sosyal nilang mga pagkain. Okay narin naman sa akin iyong nakakakain lang ako, nagkakaroon ng laman ang tiyan ko. "B-bakit tayo nandito?" Tinignan ko siya pagkatapos ay pinagmasdan ulit ang kalakihan ng restaurant na ito. "Dito tayo kakain." Binuksan ng guard iyong glass door at papasok na sana siya habang nakahawak sa wrist ko nang bigla ko siyang pigilan. "What's wrong?" Tanong niya. "W-wala akong pera." Pabulong kong sagot sa kanya. Nakatingin kasi sa amin iyong guard at nakakunot noo pa na parang sinasabi sa isip niya na kung may balak ba kaming pumasok o wala. Tumawa naman siya ng mahina. "Don't worry, treat ko naman." Sabi niya pero nakapigil parin ako sa kanya. "Ayoko! Umalis na tayo." Sabi ko sa kanya at hinila hila siya. "But you're hungry...." Sabi pa niya. "Aaminin kong gutom ako pero huwag tayong kumain d'yan, ang mamahal ng pagkain nila d'yan at madadagdagan na naman ang utang ko sa'yo." Again, nang sabihin ko iyong ay napakamot ulo siya habang natatawa. "Wala ka namang utang sa akin ah." Turan niya. "Para sa'yo, wala pero para sa akin meron. Kaya halika na!" Sabi ko at pilit ko parin siyang hinihila kahit ang bigat niya at hindi ko siya mahila talaga. "Hindi mo naman ako kailangang bayaran, as long as sinasamahan mo ako. Okay na!" Bigla na naman tumibok ang puso ko nang matapos niyang sabihin iyon ay kinindatan niya ako. Totoo ba 'to? Sana hindi 'to panaginip. Kasi kung panaginip man 'to, ayoko ng magising. Ansarap sa pakiramdam ng ganito. "Tara na!" Hindi na naman kami natuloy sa pagpasok dahil pinipigilan ko talaga siya. "Huwag na tayong kumain dito." Sabi ko at napakunot noo namam siya. "May alam akong kainan na masarap ang mga putahe nila." Nakangiti kong tugon sa kanya at hinila na siya palayo doon sa restaurant na iyon, hindi naman siya nakapagreklamo at nagpahila nalang. ~~** "Bakla! Bakla!" Sigaw ko nang makarating kami sa karenderya nila minerva, i mean menard pala. Bading kasi kaya nasanay din akong tawagin siyang minerva. Lumabas naman siya mula sa karenderya nila at nagfefeeling mahaba ang buhok niya dahil napapaflip hair pa, e boy cut parin naman iyong buhok niya at nakabunny headband pa siya't rumarampa rampa pa. "Ano na naman bang kailangan mo at nambubulabog k----uy! Fafa!" Natulala siya nang makita niya si rowan, natawa naman ako do'n. Ang lakas niyang makagirl, dahil nakasando siya ng fit at nakashort pa. Nakalipstick pa't nakaeye liner. "Why are we here?!" Bulong niya sa akin. "Dito tayo kakain." Nakangiti kong sagot sa kanya. Natatawa ako dahil mukha siyang bata ngayon na parang ayaw kumain dito. "Hoy girl, sino ba 'yang fafa na dinala mo? Jowa mo atey?" Natawa naman ako sa tanong niya. "Hindi 'no! Kaibigan ko." Sagot ko at umupo na, dito kami kakain sa labas ng karenderya. Mas nasanay kasi akong sa labas kumakain kapag pumupunta ako dito sa karenderya nina minerva. Noong kasing nag-aaral ako ay tuwing tanghali ako pumupunta dito kapag nakakagawa ako ng palusot sa guard para makalabas minsan naman kapag hindi ako pinapayagan ay hapon nalang ako pumupunta dito at kumakain. "Telege! Reto me nemen seye se eken gerl." Pabulong niyang sabi sa akin, mukha siyang naging alien sa sinabi niya pero naintindihan ko naman 'yon. "Sira! Hindi kayo compatible." Lumayo naman siya ng kaunti sa akin at napahawak sa bandang puso niya. "Aray ko girl! Parang hindi tayo magkaibigan ah tagos sa puso." Sabi niya kaya tumawa nalang ako at umupo na. Si Minerva-este Menard De la espeda pala ay kababata ko, mas matanda nga lang siya sa akin ng isang taon. Magkatapat lang kami ng bahay noon kaso pinalayas sila sa inuupahan nila no'n kaya dito na sila nakatira kung saan maganda naman ang pamumuhay nila dahil tinulungan sila ng ate niyang nagtatrabaho sa abroad para makapagpatayo ng karenderya, katuwang siya ng mama niya at tungkol sa papa niya ay hindi ko na alam ang storya basta ang sabi lang sa akin ni minerva noon na hiwalay na ang mga magulang niya bata pala siya, dahilan ng paghihiwalay daw neto ay may kabit daw ang papa niya mas pinili daw nitong sumama sa kabit. Masaklap man ang gano'ng pangyayari sa buhay ni minerva ay nagagawa niya paring tumawa't magpatawa. Tunay talaga siyang matapang. Matagal narin naman 'yon, elementary palang kami no'n at highschool ako no'ng malaman ko lang dahil simula nong palayasin sila ay hindi na ako updated sa kanya. "Bakla, dalawang kanin nga at dalawang kaldereta narin, isang pritong manok tapos isang humba at dalawang coke na mismo. Dali na ginugutom ako!" Sabi ko sa kanya. "Ipakilala mo muna ako kay fafa." Umiling-iling naman ako. "Mamaya na kapag nakuha ko na ang order ko." Natatawa kong sagot kaya naman sumimangot siya't padabog na pumasok sa loob. Tumingin naman ako kay rowan na ngayo'y nakatayo parin. "Maupo kana, baka mangalay ka d'yan. Sige ka!" Sabi ko sa kanya. Umupo naman siya at pinagmamasdan ang paligid, pansin kong may ilang babaeng nakatambay at nagpakashort na malagkit na nakatingin sa kanya, may ilang kumakain din dito sa labas na napapasulyap sulyap sa kanya. Natawa ako sa itsura niya dahil ang cute niyang tignan, mukhang hindi siya sanay o hindi nga nagpupunta dito sa karenderya para kumain. "Okay kalang?" Natatawa kong tanong sa kanya. Tumango-tango naman siya kaya hindi na ako nagsalita pa. Pagkatapos no'n ay nakita kong papalapit na sa amin si minerva. Kahit hindi gabi ay tinatawag ko siyang minerva. Haha! "Here's your order, Two cup of rice, two caldereta, one humba, one piece of chicken and two coke mismo.." Sinasabi niya iyon habang isa isang inilalapag ang order ko sa lamesa. Natawa naman ako dahil pasosyal 'tong si bakla, paingles ingles pa porket nandito si rowan. Naku! Naku! Naku! "Thank you!" Si rowan na mismo ang nagsabi no'n, napatingin naman si bakla sa kanya at parang mahihimatay siya ng ngitian siya ni rowan. "You're always welcome, fa---este sir." Malapad ang ngiti niya habang sinasabi iyon. Akala ko aalis na siya pero hinila niya 'yong isang upuan at tumabi saakin. "Hoy! Bumalik kana nga sa trabaho mo bakla." Sabi ko sa kanya. "Enebe! Porket nakakuha ka ng isang hot fafable ay gaganyanin mo na ako?" Pagdadrama niya. "Sira! Kaibigan ko nga kasi si rowan." Sabi ko sa kanya. "Ipakilala mo nga kasi ako sa kanya girl." Bulong pa niya habang kinukurot kurot ako sa tagiliran, napapaiwas naman ako dahil ang sheket kasi. "Osige sige! Basta pagkatapos neto ay umalis kana ha?" Lumapad naman ang ngiti niya't tumango tango, umayos ng upo at inayos niya rin iyong headband niya. "Rowan, Si Minerva-este Menard nga pala." Pinalo naman niya ako sa braso at aaminin kong masakit iyon, lalaki parin siya at masakit parin manghampas. "Enebe! Okay na 'yong minerva e." Pagmamaktol niya, binatukan ko naman siya. "Heh! Tumigil ka, pasalamat nga pinapakilala pa kita." Sabi ko. "Fine!" Nakasimangot niyang sabi tapos ay tumingin ulit ako kay rowan na ngayo'y natatawa na. "Nice to meet you menard." Napaubo ubo ako nang sambitin ni rowan ang totoong pangalan ni bakla. Nawala naman ang ngiti ni bakla, natawa nalang tuloy ako. "Rowan, pwede bang minerva nalang? Nakakalalaki naman kapag menard. Hehe!" Pabebeng sabi nito at nang tinignan ako ni bakla ay sinamaan ako ng tingi. "Ano girl, happy na? Happy ha?!" Sabi niya sa akin at naka 'okay/like' gesture pa siya. Binelatan ko lang siya at narinig na naman namin ang mahinang pagtawa ni rowan. "Anyways, nice to meet you too, rowan." Sabi ni bakla at sabay na nilahad ang kamay kaya tinanggap naman iyon ni rowan at nagshakehands sila. Pinalo ko naman iyong kamay ni bakla dahil sa pag-eenjoy sa paghawak sa kamay ni rowan. "Oh tama na 'yan!" Saway ko sa kanya. "Ano ka ba, walang malisya 'to." Bigla siyang nagboses lalaki na kinatawa ni rowan. "Baliw! Feel na feel mo naman." Sabi ko. Inirapan niya naman ako tapos ay binaling ang tingin kay rowan. "Ipakilala mo nalang ako sa kapatid mong si Rotwo ha?" Tapos na silang magshakehands no'n kaya tumayo na si bakla dahil tinawag siya ni aling precila. Patakbo siyang bumalik sa loob at kitang kita ko iyong pag-aamoy amoy niya sa kamay niya. Umiling-iling nalang ako at tumingin ako kay rowan na ngayo'y nakatingin din sa akin. "Pagpasensyahan mo na kami ah, gano'n lang talaga kami mag-usap." Sabi ko sa kanya. "It's okay! Ang saya niyo ngang tignan e." Nakangiti niyang sagot. Tumango nalang ako at kinuha ang kutsara't tinidor. "Tara! Kain na tayo." Sabi ko sa kanya. Hindi man lang siya nagresponse sa akin at maiging tinitignan iyong mga pagkain nakalatag sa lamesa. "'Wag kang mag-alala, si aling precila ang nagluto neto at masarap 'to promise, walang lason, nakakabusog!" Wika ko, parang may pagdududa kasi siya sa pagkain. Alam kong hindi siya sanay sa ganito dahil anak mayaman siya, naiintindihan ko naman iyon pero 'yong mga katulad niya, kailangan ding masanay sa mga ganito dahil nawawala din ang kayamanan kaya kung magkataon na mawala lahat ng yaman nila, maaaring mahirapan siya sa pag-aadjust kaya dapat masanay siyang kumain sa mga ganitong putahe. Hindi parin siya kumikibo at nakatuon parin ang pansin sa mga pagkain. "Hoy!" Nabigla naman siya kaya napailing-iling siya't tumingin sa akin. Mukhang hindi niya yata narinig iyong sinabi ko kanina. "Kumain na tayo." Ngumiti naman siya't umiling. "I'm not yet hungry." Sagot niya. "Pwede namang sabihin mong ayaw mo lang kumain neto. Maarte ka ba?!" Tumingin siya sa akin at umiling. "No!" Matipid niyang sagot. "E, bakit ayaw mong kumain? Wala namang lason 'to. Sa tinagal tagal ko ng kumakain dito at kilala ko ang may-ari ng karenderyang 'to kaya kumain na tayo, promise hindi ka magsisisi, masasarap ang kaluto nito." Sabi ko sa kanya, tumango naman siya at kinuha na iyong kutsara't tinidor. Kumain na ako, nakakailang subo na ako ngayon samantalang siya kumukuha palang ng ulam? Nilapag ko ang kutsara't ko at binuksan ko iyong coke mismo saka uminom pagkatapos ay tinignan ko siya, dinaig pa niya iyong ibang babae. "Rowan, suggest ko lang ah. Hindi ka naman yata maarte siguro ang tamang term na para sayo ay 'hindi sanay'. Tama hindi ka sanay kumain sa mga karenderya, marami kayong pera at afford niyong kumain sa magagarang restaurant at pangmayamang recipes. Masasarap ang mga kinakain niyo, pero masasarap din naman ang mga kinakain naming mahihirap..." Sabi ko at dahil sa nakikinig lang siya kaya nagspeech ulit ako. "Alam mo, hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro pangmayamang pagkain nalang ang kakainin niyo, I better suggest na sanayin mo rin ang sarili mong kumain ng mga ganitong pagkain, iyong galing lang sa karenderya. Ingredients lang naman ang pinagkaiba no'n, sa mamahaling restaurant kasi marami silang ingredients na hinahalo sa pagkain kumpara sa normal na kainan lang." Dugtong ko. Hindi naman siya nakapagsalita kaagad. "Trust me, masarap ang mga 'to!" Nakangiti kong sabi pa sa kanya. "Okay, then" Sabi niya at sumubo na ng kanin ang ulam. Sa una ay seryoso siyang ngumunguya nguya kaya nakaramdam ako ng kaba dahil akala ko hindi niya magugustuhan pero nang tanungin ko siya ng masarap ba, hindi muna siya nagsalita kaagad at maiging nilalasahan iyong pagkain pero hindi naman nagtagal ay ngumiti siya ng malapad at naghand gesture ng 'okay' . Natuwa naman ako at pinagpatuloy ulit ang pagkain. "You're, right! Masarap pala ang mga ulam nila dito." Mas lalo akong natuwa nang sabihin niya iyon. Maganda parin ang pagkakangiti niya habang may pagkain sa loob ng bibig niya. ~~** Nandito na ulit kami sa park at kasalukuyan kaming nakaupo sa bench. Sa ibang bench kami umupo dahil may isang pamilyang nakaupo doon, hindi naman amin 'yong bench para maiwasin iyong pamilya lalo na't ang saya saya nga nilang kumakain do'n. Habang nakaupo kami ay hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan at mapangiti dahil ang lakas niyang kumain kanina, no'ng maubos kasi niya iyong pagkain niya ay nagrequest pa siya kay baklang minerva na isang kanin pa daw at kaldereta, mas nasarapan daw siya sa kaldereta at natuwa naman ako do'n. Tama nga iyong sinabi ko sa kanyang term, hindi lang siya sanay no'n na makakapag-isip ka talaga na maarte siya pero ang totoo do'n ay hindi. Sa kalagayan na 'yon parang hindi halatang mas matanda siya sa akin ng tatlong taon, para ngang magkaedad lang kami. Hihi! Habang iniisip ko ang mga 'yon ay biglang sumagi sa isipan ko ang isang tanong at para naman mabasag ang katahimikan kaya tinanong ko nalang iyon. "Ikaw ba 'yong tipo ng taong always busy?" Tanong ko sa kanya. "Sometimes!" Sagot niya. Akala ko ay hanggang do'n lang ang sagot niya pero may dinugtong pa siya. "Pansin mo, tuwing umaga lang akong pumunta sa MCaféLand?" Tumango-tango naman ako do'n. "Dumadaan lang naman ako do'n para magbreakfast. I mean, capuccino and cookies serves as my second breakfast. Kahit tapos na akong kumain sa bahay nagpupunta parin ako dito para bumili ng capuccino and cookies, minsan nga hindi ko na magawang magbreakfast sa bahay. Pagkatapos naman no'n ay pumupunta na ako sa resort namin para asikasuhin iyong ibang guess and VIP's at ibang taong kasama sa meeting." Napapatango tango ako sa kwento niya. "Minsan naman kung wala akong magawa, pupunta ako dito sa park para pagmasdan iyong masasayang pamilya." Bigla siyang sumeryoso habang sinasabi niya iyon. "I grew up with a complete family yet, hindi ako lumaki na palaging nasa akin ang atensyon nila. They're always busy in their business. Kahit gano'n naintindihan ko 'yon, there are times naman na nagkakaroon kami ng pagkakataong magbonding kasama ang little sister ko, noon 'yon pero ngayon madalang nalang dahil wala dito si rheihanah, nasa states, kasama niya do'n sila momma, my grandma. As of now, nag-aaral siya do'n. She was just 11 years old back then, when she separated to us. Isang taon na rin siyang nandoon. But this coming september, babalik siya!" Nakangiti niyang turan. Hindi man kami naging mayaman, ramdam ko naman ang pagmamahal sa akin ng pamilya ko at pagbibigay nila ng atensyon sa akin. They always fulfill their duties as my parents na kahit marami na kaming pagsubok na nadaanan. Siguro ako ang kabaliktaran ni rowan. Mayaman siya, mahirap lang ako. "Narealize ko nga na hindi naman sukatan ang pera o yaman para maging masaya kayong magkakapamilya, money is just a money, it maybe fulfill our wants, just wants! Money can't buy love and attentions." Sabi niya sabay tingin doon sa pamilyang masayang nagpipicnic. "Indeed!" Pagsasang-ayon ko. Tama naman kasi ang sinabi niya, kahit kailan hindi mababayaran o mabibili ng pera ang atensyon na gusto natin sa ating pamilya o 'di kaya'y ang pagmamahal. Hindi nga nasusuklian ang pagmamahal, ang bilhin pa kaya o bayaran? Haha! Ngumiti lang naman siya, nanatili kami sa ganoong pwesto at posisyon, ilang minuto lang ay biglang nagvribate iyong cellphone ko kaya agad ko itong kinuha, napansin ko namang may nahulog naman na papel mula sa bulsa ko pero hindi ko na iyon pinansin. Niopen ko ang isang text message at kinabahan ako nang magtext sa akin si mama. From mamangs : Mayang, umuwi kana muna dito. Nag-iskandalo si aling osing. Napatayo naman ako at pansin kong nakita iyon ni rowan kaya tinanong niya ako. "What's wrong?!" - Siya. "Kailangan ko ng umalis." Sagot ko at tuluyan na akong umalis. Hindi ko na narinig ang sinabi niya. Kinakailangan kong makauwi kaagad sa bahay. Ano ba naman kasi ang problema ni aling osing at nag-iskandalo daw sa bahay? Ang kinakatakutan ko lang ngayon ay baka magpakampi si aling osing sa asawa niyang pulis, may b***l 'yon at baka kung ano pa ang gawin sa pamilya ko, hindi ko yata kakayananin kapag masaktan ang mga magulang ko. Ayoko ng away lalo na't ayokong mapunta sa baranggay ang pamilya ko. Kaya kung maaari ako na muna ang mag-aayos kung ano man ang gusot na mayroon sa pagitan nila. Sumakay na ako ng tricycle, mahirap kapag magjeep pa ako ngayon, baka mas lalo lang akong natagalan papunta sa bahay dahil pahinto hinto pa ang jeep kaya tricycle na ang sinakyan ko bahala na kung ilan ang singiling bayad sa akin ni manong driver. Nasa iskina na kami kaya kinapa ko na ang bulsa ko, 10 pesos lang ang meron ako. Kaya pumara na ako't kaagad na nagbayad. Tinawag pa ako ng tricycle driver kaso mabilis akong tumakbo. Kadadaan ko lang ngayon sa baranggay hall at nagawa ko pang tumingin doon dahil baka nandoon sila mama at papa pero wala naman akong narinig na ingay sa baranggay hall, narinig kong may tumawag pa sa palayaw ko. Kahit hindi ako lumingon alam kong si davidson lang iyon. Hingal naman akong nakarating sa bahay ngayon, at nakita ko sila aling osing, mama at papa. Sinasaway ni papa si aling osing at rinig ko ang sinasabi ni papa na huwag siyang masyadong sumigaw dahil baka magising iyong batang natutulog sa kabilang bahay. "Wala akong paki! Matagal ko na kayong binigyan ng palugit, mag-iisang buwan na pero hindi niyo parin nababayaran ang utang niyo. Mga bwesit kayo!" Sigaw ni aling osing at nakita kong tinignan niya si mama at dinuro duro pa. "Ikaw marya, sabi mo sa aking babayaran mo ako ngayon, pero asan na? Letse ka! Ang lakas mong mangako pero hindi ka tumutupad sa usapan." Sigaw niya kay mama hindi naman magawang sumagot ni mama. "Aling osing, babayaran naman namin kayo kaagad kapag makaluwag luwag na kami." Mahinahong sagot ni papa. "Aba't kailan pa? Ni pambayad nga sa hospital bill mo at gamot ay nagawa niyo pang mangutang ulit? Bayaran niyo ako ngayon na." Pasigaw na sabi nito. Pinagtinginan na tuloy sila ng mga kapitbahay. "Aba't aling osing, huwag naman po kayong magsalita ng ganyan." Sabi ni papa. "Wala akong paki! Bayaran niyo na ako ngayon din kung ayaw niyong isumbong ko kayo kay danny." Kinabahan ako sa pagbabanta ni aling osing. Malaki ang pangangatawan ni manong danny at baka gamitin nito ang kapangyarihan bilang pulis at ayokong mangyari iyon. Ayokong api-apihin lang nila ang pamilya ko. Tumakbo naman ako palapit sa kanila kaya ngayon sa akin na nakatingin si aling osing. "Hoy! Maya, pagsabihan mo 'yang nanay't tatay mo na magbayad na sa utang nila kung ayaw mong idemanda ko sila." Pagbabanta ni aling osing. "Aling osing, magkano po ba ang utang sa inyo ng magulang ko?" Mahinahon kong tanong sa kanya. "Five thousand, bayaran niyo na ako ngayon din." Sagot niya at tumingin ulit kina mama't papa habang nakapameywang pa. Payb tawsan? Paano naman nakautang si mama ng ganoong kalaking pera kay aling osing, saan ba niya pinambayad? Paano namin 'to mababayaran? Ni wala ng trabaho ang mga magulang ko't mag-isa nalang akong kumakayod. Minsan kung walang magawa si mama nagiging labandera siya at kulang parin ang perang binibigay, 'yong perang nakukuha ni mama ay sapat lang sa pang-araw araw naming pagkain. May utang pa nga ako kay rowan at iyong isang buwan kong sweldo ay kulang parin iyon sa babayarin naming utang kay aling osing. "A-ah! A-aling osing, pwede ba't bigyan niyo ulit kami ng palugit? Pangako po kapag maibigay sa akin iyong sweldo ko ay babayaran ko kaagad kayo. Sa ngayon ay wala pa po kaming sapat na pera." Paliwanag ko sa kanya. "Aba't! Kailan pa 'yan maya ha? Ayoko ng maghintay ng matagal. Bayaran niyo na ako kung ayaw niyong isumbong ko kayo kay danny." Pagkasabi niya no'n ay maglalakad na sana siya nang bigla ko siyang pigilan. "Aling osing, wala naman pong ganyanan. Kahit one week lang na palugit, promise mababayaran ko kaagad kayo." Tinaasan niya lang ako ng kilay. "At saan ka naman kukuha ng pera ha? Ni wala pa ngang isang buwan. Naku, maya huwag na huwag mo akong pinaglololoko. Mana ka talaga sa nanay mong walang kwenta." Pinilit kong maging mahinahon kahit gano'n at nakakasakit na ang mga pinagbababato niyang salita sa mamang ko. Kung pwede ko nga lang siyang sigawan, gagawin ko pero ayoko namang masabihan ako ng walang respeto at pagsabihan na naman niya si mama ng masama. Ayoko lang na minamaliit ang pamilya ko porket nakakataas sila sa amin, porket nakakakain sila ng mga masasarap na pagkain, may kotse, may magarang bahay at magagandang palamuti sa loob ng bahay nila, pero hindi ibig sabihin no'n na kailangan na nilang pagsalitaan ng mga masasakit na salita ang pamilya ko't maliitin lang kami. Hindi naman namin ginusto 'to, hindi namin ginusto na mabaon kami sa mga utang. Kung may pera lang sa daan baka nabayaran ko na siya kaagad pero hindi e, kailangan ko pang makipagsapalaran at maghirap sa trabaho bago makakuha ng pera. Bakit kaya gano'n? Kung ano pa ang ilegal at masasamang trabaho ay iyon pa'ng malakas kumita ng malaking pera? Katulad nalang sa pagbebenta ng katawan. "Aling osing, nakikiusap po ako, kaunting panahon lang naman ang hinihingi ko, babayaran ko naman kaagad kayo." Pagpapakiusap ko sa kanya inirapan niya lang ako't naglakad na. Sinigaw sigaw pa niya ang pangalan ni manong danny. Tinapik ako sa balikat ni papa at sinabing okay lang 'yon, naawa ako bigla kay mama nang makita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Lumapit ako sa kanya't niyakap siya. Ilang minuto lang ay may narinig kaming boses ng lalaki at ni aling osing, kinabahan ulit ako dahil si manong danny ay nandito na. "Ang drama naman yata ng pamilyang arellano ngayon." Nakacross-arms na sabi ni aling osing. "Hoy! Ano 'tong sinasabi ng asawa ko na hindi pa kayo nakakapagbayad ng utang niyo? Mahigit isang buwan na, magbayad na kayo!" Eksena ni manong danny. "Manong danny, babayaran naman agad namin kayo kapag makasweldo ako." Sagot ko sa kanya. "Kinakailangan ng asawa ko ngayon ang pera kaya bayaran niyo kami kung ayaw niyong..." Mas lalo pa akong kinabahan nang makita ko ang b***l niyang nakaipit sa bulsa niya at hinahawak niya ito ngayon. Pumagitna naman sa amin si papa at ako nama'y hiwakan ni mama. "D-danny, pwede naman natin 'to pag-usap ng mahinahon." Ani papa. "Para saan pa roberto kung hindi naman kayo nagbabayad ngayon ha?" Nakangising turan nito. "Manong danny, wala pa nga po kaming pera." Sagot ko ulit sa kanya. Tuluyan naman niyang nilabas ang b***l niya at pati mga kapitbahay naming nanunuod ay nagulat din nang ilabas ni manong danny ang b***l niya. Hindi naman tama 'to, porket pulis siya't may b***l ay mangbabanta na siya at gagamitin niya ang kapangyarihan niya? Hindi 'to makatarungan! Napapangisi ngisi naman ngayon si aling osing. Gusto niya ba talaga ng ganitong g**o? Gusto niya ba talagang makapatay ang asawa niya? Paano kung biglang pumutok 'yong b***l at tumama sa kung saan? Alam ko namang hindi bomba iyon na basta nalang puputok, ang ibig kong sabihin kung paano hindi niya sadyang mapindot? "Danny, wala namang ganyanan. Huwag mo namang gamitin ang b----" Pinutol ni manong danny ang sinabi ni papa. "Tumahimik ka! Bayaran niyo na kami ngayon din kung ayaw niyong sumabog isa isa 'yang ulo niyo." Pagbabanta ulit niya, nanginginig na kami ni mama sa takot pero hindi ko iyon pinahalata, mas lalo lang nila kaming tatakutin kapag gano'n. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawi ko, wala pa nga kaming pera, paano naman namin mababayaran 'to ngayon? Wala ba silang mga utak na hindi man lang kami maintindihan? "Ano! May plano pa ba kayong bayaran ang asawa ko?" Sigaw ni manong danny. Nakita ko kung paano mapapikit si mama sa takot at gano'n din naman ako, si papa naman ay halatang may takot narin pero nasa pagitan namin siya. "Oo!" Unti-unti kong minulat ang mga mata ko dahil sa biglang may umeksena't sinagot ang tanong ni manong danny. "Davidson?!" To be continue.._______hchapter kaya pagpapasensiyahan niyo na po. Salamat :*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD