Chapter 4

3205 Words
Kalalabas ko lang ngayon ng coffee shop. Hindi na ako naghintay pa doon dahil sa tingin ko hindi na dadating si rowan, baka nga busy siya o ayaw na niyang pumunta doon sa coffee shop ni auntie mavit. Masyado naman yata akong apektado nito. Hays! "Maya!" Napatalon ako dahil sa gulat at nakita kong nasa harapan ko na pala si davidson. "Gusto mo bang patayin ako sa gulat?" Bulyaw ko sa kanya. Tumawa naman siya't umiling-iling. "Sorry naman! Akala ko kasi matutuwa ka." Sabi pa niya. "Sige nga, sinong tao ang matutuwa sa ginawa mong panggugulat. Tsk!" Sabi ko at naglakad na palayo sa kanya pero naramdaman ko naman ang pagsunod sa kanya, hindi ko na muna iyon pinansin kahit ang daldal niya baka sakali kasing mapagod siya at umalis nalang pero nakarating na kami sa park at nakabuntot parin siya sa akin ngayon, kung ano-ano rin ang pinagsasasabi niya sa akin na hindi ko naman maintindihan. "Maya, gusto mong magpicnic tayo dito?" Nakangiti niyang tanong sa akin. "Kung ikaw lang rin naman ang kasama ko, huwag na!" Sabi ko at naglakad na ulit. Nakita ko iyong pagkamot ulo niya at pagsunod na naman sa akin. "Mayang naman, bakit ba ang sama ng loob mo sa akin? Inano ba kita?!" Nakasimangot niyang tanong, huminto ako't humarap sa kanya. "Trip ko!" Masungit ang pagkakasabi ko no'n at inirapan siya. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa kanya, siguro't ayaw ko lang yata sa kakulitan niya. May pagkaisip bata rin siya, madaldal, sunod ng sunod, pasaway din minsan. Nakakarindi! Tinawag pa niya ako at binilisan ko naman ang paglakad hanggang sa may mabangga akong tao. Dahil sa lakas ng pagkakauntog ko sa dibdib niya ay napaupo ako. "Miss, are you o----mayang?!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko. "Rowan?!" Sambit ko sa pangalan niya, hindi ko iton inaasahan. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayong araw na 'to. Ewan ko ba't nakaramdam na naman ako ng saya. Parang biglang nabuo na ang araw ko pagkakita ko lang sa kanya. "Mayang!" Nakarinig ako ng isang sigaw at alam kong si davidson iyon. Tinulungan ako ni Rowan tumayo at napansin kong nasa harapan narin namin si davidson, pabaling baling ang tingin niya sa aming dalawa ni rowan. "Mayang, sino siya?!" Seryosong tanong sa akin ni davidson. Kung makatanong siya akala niya't magjowa kami. Huwag siyang assumero, walang kami. Hindi ako sumagot at tinignan lang si davidson. Mataimtim naman siyang tumingin kay rowan. "Sino ka?! Ano mo 'tong si maya?" Ano bang nangyayari sa lalaking 'to at parang magsasalubong ang mga kilay niya? "We're just friends!" Napatingin ako sa sinagot ni rowan. Friends? Friends na pala kami? Kelan pa?! Ngayon lang yata. "Mabuti naman kong gano'n!" Seryoso niyang sabi at hindi man lang inilihis ang tingin sa kanya. "Is maya is your girlfriend?!" Nanlaki ang mga mata ko't sa tanong niya kay davidson. Bago pa makasagot si davidson ay mabilis akong nagresponse at sinabing hindi. Sinabi kong walang kami. Pinagdiinan ko pa talaga 'yon. Nagsasabi lang ako ng totoo, siya at ako pero walang kami. "Maya naman, pagkakataon ko na 'yon bakit ba binasag mo?" Napapakamot ulo niyang tanong sa akin. "Manahimik ka! Walang tayo, okay? Mabuti pa't umalis kana!" Sabi ko sa kanya at pinagtabuyan siya. Ayaw niya sanang umalis sa park pero pinagtabuyan ko siya, napasimangot siya at bago siya umalis ay binilinan niya si rowan. "Huwag mo siya ng buo ha? Kapag may mangyaring masama kay mayang. Bugbog sarado ka saakin." Tinawanan't tinanguan nalang iyon ni rowan kaya umalis na si davidson, nagpaalam narin siya sa akin pero irap lang ang natanggap niya. Pagkaalis niya ay hinarap ko naman si rowan. "Pagpasensyahan mo na talaga iyong lalaking 'yon." Sabi ni sa kanya. "It's okay! He's being over protected." Tugon niya't umupo sa bench na nasa gilid lang namin. "You can sit here!" Sabi pa niya, nakakahiya man pero umupo nalang din ako, ayokong mangalay sa kakatayo. May ilang pulgada naman ang distansya naming dalawa. Hindi kami gaanong close kaya nakakahiya kapag pinagdikit ko pa ang katawan namin baka sabihin niyang lalandiin ko siya. Tahimik lang kaming dalawa, hindi ko maiwasang hindi siya sulyapan, masaya siyang nakatingin sa mga batang naglalaro kasama iyong mga magulang nila. Gusto kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin kaya humila muna ako ng lakas ng loob pagkatapos ay nagtanong na ako sa kanya. "A-ahm! B-bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin pagkatapos ay binalik ang tingin sa mga batang naglalaro. "Nothing!" Sagot niya kaya tumango nalang ako pero nagsalita ulit siya kaagad. "Actually, dumaan lang naman ako dito at papunta sana ako ngayon sa MCaféLand kung saan ka nagtatrabaho para singilin iyong isang libo, kaso nandito kana rin naman kaya hindi na ako pupunta do'n." Hindi niya parin iniiwas ang tingin niya sa mga bata at nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang sisingilin daw niya ako? Like wtf? Hindi pa nga ako nagsweldo e. "P-pwede bang next month ko nalang babayaran iyong utang ko?" Request ko sa kanya, mukha siyang bombay ngayon na nagpautang at maniningil na. Huhu! Naku po kung pwede nga lang magrequest kay auntie sa paadvance na salary kahit One thousand lang pero nakakahiya dahil baka sabihin no'n na wala pa nga ako sa kalahati ng buwan sa pagtatrabaho at magpapaadvance salary na'ko? Napakunot noo ako dahil tumatawa na siya ngayon, sa kaloob looban ko ay natutuwa ako dahil ang ganda talaga ng ngiti niya at mas lalo lang siyang gumagwapo pero sa panlabas ko ay nakakunot noo lang ako at nagtataka kung bakit bigla siyang tumawa. Tinignan niya ako't tinapik sa balikat, saglit lang iyon! "I'm kidding! Huwag mo ng bayaran 'yon." Sagot niya. May sense of humor rin pala siya 'no? "Hindi! Babayaran kita. Ayokong magkautang kaya next month kapag magkita tayo, promise ko sayo na babayaran kita." Sabi ko sa kanya. "I didn't say that you have to pay me, binigay ko lang iyon sa'yo kaya hindi mo ako kailangang bayaran, mayang." Tumango nalang ako at ilang sandali lang ay tumingin ako sa kanya. "P-paano kung wala kana palang pera?" I heard him chuckled. Ambobo ko yata, ang ganda nga ng pamorma at halatang maraming pera. Bakit nga ba iyon ang naitanong ko. "Kung pera lang naman ang pinag-uusapan, meron ako! We have a resort and company here in the philippines. In fact, ako ngayon ang humahawak sa resort namin." Kuwento niya. Napahuwaw naman ako do'n, mabuti pa siya't mayaman. No'ng banggitin niya 'yong word na resort ay biglang sumagi sa isipan ko iyong Fundevilla's Resort so sila ang mag-ari no'n? Ngayon ko lang din nalaman, no'ng magpunta kasi kami don last year kasama si mama upang magbenta ng chitcharon ay hindi ko pa naman siya kilala. May sideline pa si mama no'n, minsan kung wala siyang magawa ay nagluluto siya ng chitcharon na ibenebenta naman niya at tumutulong ako sa kanya, minsan nga nagbebenta pa ako sa eskwelahan namin no'n. Natigil lang sa paggawa ni mama no'n dahil wala na siyang puhunan. Noong panahon 'yon ay baon din kami sa utang, hindi naman kami makautang kay auntie mavit ng pera dahil katatapos lang umutang ni mama no'n sa katunayan nga'y nahihiya na siya. Si papa naman tricycle driver lang no'n pero ng mabaon kami sa utang ay benenta niya ang tricycle niya para mabayaran iyong inutang ni mama kay aling marites na 10,000. Nakonsensya rin ako dahil para sa akin pala iyong ginawa ni mamang pang-uutang. Last year kasi nagtransfer ako sa isang private university dahil maganda ang mga opportunities doon, nagtake ako ng scholarship no'n kaso hindi ako natanggap. Ewan ko ba! Enrolled na ako kaya pinanindigan nalang namin na doon na muna pumasok. Mahal iyong tuition fee doon kaya nabaon kami sa utang. Sunod-sunod namang bad luck ang nangyari sa amin dahil kamakailan nga lang ay naisugod si papa sa hospitan no'n dahil sa kanyang sakit. Ang hirap sa maging buhay mahirap, sana nga nasa punto na ako ngayon na nakapagtapos na at nang makatulong naman ako sa pamilya ko, gusto kong maging worth it lahat ng pagsasakrispisyo't paghihirap nila sa akin lalo na't kaisa isang anak lang nila ako. "Mayaman ka pala!" Mahina kong sabi pero alam kong narinig niya iyon. "Kung ano man ang meron kami ngayon, sipag at tiyaga ang naging puhunan no'n." Nakangiti parin siya habang sinasabi iyon. Tumango nalang ako dahil maganda ngayon ang kalagayan niya, hindi sila baon sa utang kumpara sa nangyari sa amin ng pamilya ko noon. "Mind if I asked?" Tanong niya tumango naman ako. "Why are you currently working in MCaféLand? Ano bang kursong natapos mo?" He asked! "H-hindi pa ako nakapagtapos. Natigil ako sa pag-aaral, dapat nga 4th year na ako ngayon, pero napunta lahat ng savings ko sa gamot at hospital bill na para sana pag-aaral ko. Nagkasakit siya sa baga kaya gano'n, pero nag-iipon naman ako ng pera ngayon para next school year ay babalik na ako sa pag-aaral." Masyado mang seryoso ang usapan pero nagawa ko paring ngumiti sa dulo ng aking pagkwekwento. Hindi naman sa puro nalang simangot, kahit mahirap ang buhay, kailangan parin nating ngumiti't sumabay sa daloy. Ika nga ni rowan, sipag at tiyaga lang, makakamtam ko rin ang minimithi ko. "You are an inspiration, mayang!" Nakangiti siya at tinatapik tapik niya ngayon ang balikat ko. "Keep on dreaming, work hard, have patient and someday all your sacrifices will be worth it and you'll become a successful person." Namotivate naman ako sa sinabi niya. Para siyang isang profesor ko na ini-encourage ako na gusto niyang hindi ako mawalan ng pag-asa dahil lahat ng paghihirap ko ay magiging worth it lahat. "I will!" I said. Tumango nalang siya kaya nagkaroon naman ng saglitang katahimikan. Ako na mismo ang bumasag dahil nacurious lang ulit ako. "P'wede bang mag-interview?" Tanong ko, interview talaga ang ginamit kong term dahil sunod sunod 'tong tanong ko, kapag sumagot siya sa tanong ko ay magpoproceed ako sa next question ko. "Sure!" Nakangiti niyang sagot. Kaya sinimulan ko ng magtanong. "Ilan na ba edad mo?" Una kong tanong sa kanya. "I'm just 15 years. Old, ambata pa 'no? Dejk lang! I'm 20 years of age turning 21 this coming september 10." Sagot niya. "That day, will be your special day, then" Tumango tango naman siya, special talaga 'yon at bongga ang handaan no'n dahil debut niya. "And you're invited... next question, please!" Natameme naman ako sa sinabi niya. Invited kaagad? Seryoso?! Gusto ko sanang magtanong tungkol do'n kaso sinabi naman niyang next question na kaya nagtanong nalang ulit ako. "Single or taken?" Parang fast talk 'to. "Single!" Sagot niya. "Have you ever date someone?" Tanong ko. "Yes, noong nag-aaral pa ako no'n. It was just a fling, walang seryoso. I never commit to any relationships." Sagot niya. "So you're a heartbreaker?" Tanong ko. "Sort of!" Natawa naman ako sa sort of niya. Hindi naman halata, ang bait kaya niyang tignan. Haha! "Ilan na ba ex's mo?" Napakibit balikat lang siya habang natatawa, wala naman akong kaideideya kung nagsasabi ba siya ng totoo ngayon o hindi. Hindi naman sa nagtataka ako kung hindi na mabilang kung ilan ba ang naging ex niya o kafling, first impression ko kasi sa kanya mukhang hindi siya interesado sa mga babae, walang may pinagkakaabalahan siya na wala sa isip niya ang makipagfling. "Don't worry it was just my elementary, high school and college days. So far, hindi na ako nagkaroon ng interest sa mga gano'n, I'm matured enough at natatawa na nga lang ako ngayon sa mga kalokohan ko noon." Halata ngang natatawa siya dahil in-express niya 'yon ngayon. Natutuwa ako sa kanya,natutuwa ako dahil ang sarap naman pala niyang kausap kahit minsan nagkakaroon ng saglitang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Natutuwa ako dahil nagkaroon na naman kami nag pagkakataon na makapag-usap ng mas mahaba at may sense na conversations. Sana ganito nalang palagi, iyong makakasama ko siya araw-araw. Kahit nalaman kong 3 years ang gap naming dalawa (magbibirthday siya sa september) ay hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Nandoon parin ang bilis ng pagtibok ng puso ko, wala namang masama kung matanda siya sa akin, mas mabuti nga 'yon e. Naalala ko tuloy iyong sinabi sa akin no'ng kaklase ko noon na mas mabuti daw pumasok sa isang relationship kapag 3 years ang gap niyong dalawa. "Hindi halata!" Sabi ko at pareho naman kaming natawa. Itinigil ko narin ang magtatanong ko, sapat na sa akin na may nalaman akong kwento mula sa kanya o impormasyon sa buhay niya. Kahit papaano ay nakilala ko siya. Itinuon niya ulit ang pansin sa mga bata at ako naman ay pinagmasdan lang siya. Mahirap umasa sa isang bagay na parang imposible, gusto kong sabihing meant to be na makilala naming ang isa't-isa pero hanggang do'n na muna ang pag-aassume ko, hindi ko kayang ipredict kung hanggang saan ba kami tutungo. Sa ngayon, ay masaya ako, masaya ako dahil nakatabi't nakausap ko siya ngayon. Mahirap man ako at mayaman siya yet I'm hoping that we were meant to be to each other. ** Maya's POV Ilang araw narin ang lumipas simula no'ng magkausap kami ni rowan sa park. Naging mabuti't masaya ang pagkakaibigan naming dalawa, habang tumatagal nga mas lalo ko siyang nagugustuhan. Nagugustuhan ko rin ang pagkatao't ugali niyang maganda. Masarap siyang kasama, masarap din siyang kausap. Kung sino mang babae ang mamahalin niya, sigurado akong napakaswerte ng babaeng 'yon. Minsan nga hinahangad ko na sana pagdating ng panahon ako nalang ang babaeng pinapangarap niya. Out of 100 percent, sa tingin ko 50 percent lang ang chance ko sa kanya, kalahati lang! Magkaibigan man kami ngunit parang kalahati lang ang chance sa aming dalawa. Mayaman siya, mahirap naman ako. Parang langit lupa lang, siya ang langit at lupa ako. Mas mataas siya kumpara sa kinalalagyan ko. Simple pamilya, simple pamumuhay. "Mayang!" Katatapos ko lang magserve sa costumer nang biglang may tumawag sa akin. Kay aga - aga may mambubulabog sa akin, ano bang problema niya? Nasa tabi ko na siya ngayon at nakabuntot na naman sa akin, nakarating narin ako sa pwesto nila carissa, at pati ba naman dito sumunod siya? Kung hindi lang siya kilala ng mga tao dito at ni auntie, siguro napagkamalan na 'tong may sayad o takas sa mental. Masyadong makulit! "Mayang, pansinin mo naman ako oh." Hinarap ko siya nang ngitian ako ni carissa at nagpaabot ng mensahe gamit ang mga mata niya na nagsasabing pansinin ko na si davidson. "Ano na naman ba'ng kailangan mo?" Walang gana kong tanong sa kanya. "Labas tayo! Sige na mayang, libre ko." Wika niya. "Nagpapatawa ka ba? Kita mong may duty ako tapos ang lakas lakas mo pang mang-aya na libre mo? Ayoko!" Sagot ko't umupo na muna para punasan iyong mga baso. "Hindi ko naman sinabing ngayon na, p'wede namang mamayang tanghali, maglunch tayo or mamayang hapon, picnic sa park." Napapataas taas pa ang dalawa niyang kilay habang sinasabi iyon. "Ayoko!" Sagot ko't hindi na lumingon pa sa kanya. Lumapit naman sa amin si carissa at tinapik ako sa balikat. "Mayang, pumayag ka na kasi, palagi mo nalang nirereject 'tong si dave." Wika niya. "Ayoko!" Pagmamatigas ko. "Mayang, kahit ngayong araw lang, please!" Sabi niya, umiling-iling lang ako. "Naku! Mukhang ayaw talaga ni maya, dave. Ako nalang samahan kita sa labas basta libre mo 'ko ng isaw ha?" Masayang sabi ni carissa. Tinignan ko naman siya ng masama. "So, iiwanan mo ako dito ha? May trabaho tayo!" Sabi ko sa kanya at tinapik na naman niya ako sa balikat. "Mamayang hapon pa naman, ikaw talaga mayang. Nagseselos ka yata eh!" Natatawang turan ni carissa. "Nagseselos ka mayang?! Ayiiee! Lab mo na ba ako?" Wika ni davidson. "Tse! Manahimik ka! Asa pa." Sumimangot siya't pagkatapos ay nagpaalam na sa amin dahil may gagawin na pa daw siya doon sa bakery ng nanay niya. Naiwan naman kami dito ni carissa at bumalik na kami sa pagtatrabaho. Abala ako sa paggawa ng espresso nang bigla akong may marinig na pamilyar na boses. "One capuccino and cookies, please!" Napangiti ako't lumingon sa kanya. "Okay sir!" Nakangiti kong saad at ginawa ang order niya. "Uy mayang, aminin mo nga sa'akin, kayo na ba ni sir. Rowan?" Sinundot pa niya ang tagiliran ko habang tinatanong iyon, kamuntikan na tuloy matapon 'tong capuccino ni rowan. "Hindi ah! Magkaibigan lang kami." Turan ko. Magkaibigan lang talaga kung pwede nga lang maging kami agad agad, why not 'diba? Kaso ako lang yata ang nagmamahal sa kanya. Halos araw-araw na kaming mag-usap ni rowan simula no'ng magkakilala kami't magkalapit sa isa't-isa. "Kaibigan lang talaga? Baka bukas, makalawa or sa susunod malaman ko nalang na magka-ibigan na pala kayong dalawa." Sabi pa niya, hindi ko nalang iyon pinansin at nakangiting pumunta kung saan nakaupo si rowan. "Here's your order, sir!" Wika ko't tinignan niya ako. "Seems like you don't know me ha?" Natatawa niyang turan. Tumawa nalang ako't umupo sa tapat niya. Masyado na talaga akong feeling close sa kanya, may pagkailang pa pero hindi na masyado gaya noong una naming pagkikita na malaki ang hiya ko sa kanya. Haha! "Gano'n talaga, on duty eh." Tinawanan niya naman ako. Kaya natawa nalang din ako, ang ganda talaga ng ngiti niya mas lalo talaga akong nahuhulog sa kanya kapag ginaganito niya ako sa pangiti ngiti niya, naku! Sana naman hanggang sa makapagtapos ako ay kilala parin namin ang isa't-isa at wala pa siyang jowa. Hihi! Habang iniinom niya ngayon ang capuccino niya ay hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Naku po naman! Bakit nga ba ako nagkakaganito? Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. "Why are you looking at me?" Natauha naman ako ng itanong niya iyon. "Is there something wrong with my face? May dumi ba ako?!" Tanong na naman niya. Umiling-iling ako't umiwas ng tingin. Sakto namang tumunog iyong cellphone ko kaya kinuha ko ito at may nareceive akong message mula kay carissa. From Carissa: Hoy! Mayang, may plano ka pa bang tulungan ako sa trabaho o gusto mong mabawasan 'yong sweldo mo? Tumingin ako sa direksiyon ni carissa at mag-isa lang siyang nagtatrabaho do'n, nagtama naman ang mga mata namin kaya pinandilatan niya ako ng mata ang nagpaabot ng mensahe na tulungan ko siya. Sumenyas naman ako sa kanya na 'sandali lang'. Binalik ko ulit ang cellphone ko sa bulsa at tinignan si rowan na ngayo'y nakatingin sa akin habang nakangiti. Gusto ko ulit umiwas ng tingin dahil sa naramdaman kong pag-iinit ng pisngi ko pero kailangan ko munang magpaalam ngayon sa kanya dahil babalik na ako sa trabaho. "A-ah, balik na muna ako sa trabaho ko." Naiilang kong paalam sa kanya. "Sure!" Sabi niya ng hindi tinatanggal ang ngiti sa labi, tumayo na ako't nagpunta kay carissa. Sinalubong niya naman ako't kinurot sa tagiliran. Aray! Masakit iyon ha! Tss. "Naku talagang babae ka, masyado kanang inlove kay sir rowan to the point na parang mas gugustuhing mong matanggal sa trabaho o 'di kaya'y mawalan ng sweldo." Wika niya. "Nakipag-usap lang naman 'yong tao." Nakasimangot kong sabi habang gumagawa ng panibagong café. "At mukhang masaya ka naman do'n ha?" Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko habang napapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD