***
Sa iskina lang ako pinara ng tricycle driver. Hindi na kasi siya aabot sa bahay namin kasi naubusan ng gasolina ang tricycle at mabuti na nga lang dahil umabot pa kami sa iskina pero ilang iskina parin ang dadaanan bago ako makarating sa bahay. Hay!
Pagkatapos kong magbayad ng pasahe ay naglakad na ako. Mabilis akong lumakad dahil baka pagalitan na ako ngayon ni mama dahil hindi pa umaabot sa kanya iyong isdang pinabili niya. Nandito na ako ngayon sa baranggay hall at may naaninag akong isang lalaking nakatambay sa labas ng baranggay hall. Hindi naman 'to si kapitan o baranggay tanod. Pamilyar siya sa akin, nang makadaan ako sa tapat niya ay naaninag ko na kung sino siya. Binilisan ko naman ang paglakad pero wala eh, naabutan niya parin ako't nagpunta siya sa harapan ko.
"Maya, ano 'yan?" Nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa supot na dala ko.
"Bomba! Gusto mo pasabugan ko 'yang mukha mo? Tabi nga d'yan at dadaan ako." Sagot ko, hindi naman siya tumabi.
"Ang sungit mo naman maya. Ano ba kasi 'yan?" No'ng una ay napasimangot siya pero ngayon ay nakangiti na naman siya.
"P'wede ba kung wala kang magawa, matulog kana lang?!" Umiling naman siya sa sinabi ko.
"Masyado pang maaga maya, ihahatid nalang kita, gusto mo?!" Sabi pa niya.
"Kaya ko!" Sabi ko't dumaan sa gilid, mabuti nalang at nakalusot ako.
"Maya!" Pagtatawag niya sa pangalan ko. Huminto ako't hinarap siya.
"Subukan mong sumunod!" Mapagbanta kong sabi sa kanya. Ngumiti nalang siya't sinabing mag-ingat ako, hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko namang nakaupo si papa sa balcon at mabut naman dahil dyaryo lang ang hawak niya, hindi sigarilyo.
"Pang, wala pa ba si mayang?" Pasigaw ang pagkakasabi no'n ni mama kaya kahit hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay rinig ko na iyon. Tumingin si papa sa direksyon ko.
"Nandito na mang!" Sagot niya at pagkalapit ko sa kanya ay nagmano naman ako. Pagkapasok ko sa loob ay siya naman kalalabas ni mama sa kusina. Lumapit ako sa kanya't nagmano.
"Nakung bata ka, bakit ngayon ka lang? Hindi ba't kanina pa kita tinawagan para bumili ng isda't mantika?" Turan niya.
"Ma, m-matraffic po kasi." Palusot ko sa kanya.
"Aba't kailan pa nagkaroon ng EDSA sa bayan natin ha?" Nakapameywang pa siya niyan habang tinatanong iyon.
"Ma naman, hindi lang naman sa EDSA ang palaging traffic." Sagot ko sa kanya.
"Saan pa ha? Saan!?" Hindi naman ako nakasagot sa tanong niya kung saan. Ayan tuloy, nahalata ako ni mama na nagsisinungaling.
"Teka, bakit madumi 'yang damit mo? May balak ka bang ipaliwanag sa'akin ang nangyari anak?" Yumuko muna ako saglit at tumingin ulit sa kanya.
"A-ano kasi ma, may nangyaring g**o sa palengke kanina." Sagot ko.
"g**o? Ano namang g**o 'yan?" Tanong niya.
"Papauwi na kasi ako no'n ma bigla namang may umeksenang snatcher at..." Natigil ako sa pagpapaliwanag nang bigla siyanf umeksena.
"Snatcher!? Naisnatch ka ba maya? Pang! Pang! 'Yong anak natin naisnatch!" Sigaw ni mama at mabilis namang lumapit sa amin si papa.
"Ano!? Anong nakuha sa'yo maya? Kilala mo ba kung sino iyong snatcher ha?" Natatarantang tanong sa akin ni papa. Napasapo naman ako sa noo dahil ang O.A nilang tignan ngayon.
"Kalma po kayo okay?! Ma, pa, hindi ako iyong naisnatch. 'Yong matabang babae po sa palengke." Tila nabunutan naman sila ng tinik sa sinabi ko. Balak pa sanang magsalita ni mama pero sinabi kong patapusin muna kasi niya ang paliwanag ko.
"Nasagi po kasi ako ng snatcher kaya ayon 'yong plastik bag na hawak ko ay nabitwan ko't tumilapon kay rowan." Natigil naman ako nang banggitin ko ang pangalan ni rowan. Naku! Hahaba na naman 'tong usapan namin. Kumunot ang noo nila kaya pinagpatuloy ko nalang ulit ang pagpapaliwanag.
"Ayon nga po, natumba ako at tinulungan po ako ni rowan." Nagkatinginan sila mama at papa.
"Rowan!? Sino naman 'yang rowan na 'yan?" Tanong ni mama.
"Iyong tumulong nga ho sa'akin. Siya rin po ang nagpautang sa akin ng pera para bumili ulit ng bagong isda't mantika. Mahirap naman kapag kunin ko pa 'yong isdang natapon." Paliwanag ko na naman sa kanila. Sinadya kong sabihin na pinautang ako ni rowan kahit wala naman siyang sinabi kanina na utang ko lang iyon. Pero sinabi ko kasi sa kanya na kapag makaluwag luwag ako't makuha ang sweldo ko ay babayaran ko siya. May natira pa nga sa binigay niyang pera dahil wala pa sa kalahati iyong nagastos ko at kung pwede nga lang ibalik ko bukas iyong sukli ay gagawin ko kaso mas gusto kong buong isang libo ang ibalik ko sa kanya kasi kung ano ang binigay niya, iyon din ang ibabalik ko. Buong isang libo, para isang papel lang.
"Kailan pa kayo nagkakilala anak?" Tanong sa akin ni papa.
"Nitong sunday lang pa! Customer kasi siya doon sa coffee shop ni auntie mavit na pinagtatrabahuan ko." Sagot ko sa kanya. Unang araw ko palang no'n at kilala ko na siya sa mukha niya pero monday ko nalaman kung ano ang pangalan niya dahil sa tulong ni carissa. Kung hindi siya umeksena, baka hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya. Kilala narin pala niya ako dahil nga sinabi niya kanina na ako daw ang palaging nagsiserve sa kanya at may platename naman sa damit ko't kaya hindi iyon mahirap sa kanya na alamin ang pangalan ko. Ayoko namang mag-assume na interesado siya akin, mahirap na!
"Ba't hindi mo siya dalhin dito anak at nang makapagpasalamat din kami ng papa mo sa kanya." Sabi ni mama.
"Ma, nakakahiya hindi niya ako gaanong kilala kaya huwag na." Sabi ko sa kanya.
"O'siya sige, akin nalang iyang isda at nang makapagluto na ako." Binigay ko naman sa kanya iyong supot na hawak ko, bumalik narin si papa sa balcon, si mama nama'y nagpunta na sa kusina para magluto at ako naman ay nagpunta na muna sa aking kwarto. Humiga na muna ako at inalala ang mga pangyayaring naganap kanina.
Napangiti ako dahil kahit nabahiran ng mantsa iyon damit niya ay nakangiti parin siya at hindi man lang nagawang magalit sa akin. Kung ibang tao pa 'yon baka pagbayarin pa ako sa nagawa ko kahit hindi naman iyon sinasadya. Kung pwede nga lang na ako na ang maglaba ng damit niyang namantsahan ay gagawin ko kaso nahihiya naman akong i-approach siya ng gano'n. Hihi!
Pumikit nalang muna ako at hindi ko parin maiwasang ang hindi mapangiti ngayon. Masaya lang talaga ako ngayon. Sana dumating iyong panahon na magiging magkaibigan kami, kaibigan na mapupunta sa magka-ibigan. Mayaman man siya at mahirap lang ako, sana meant to be kaming dalawa.
***
Maya's POV
Tanghali na't wala man lang akong nakitang rowan jon fundevilla na pumasok sa MCaféLand, hindi kaya't may ginagawa siya? O ayaw na niyang pumunta dito sa coffee shop dahil, baka isipin niyang sumpa ako sa kanya dahil simula no'ng magkita kaming dalawa ay minsan siyang mapahamak. Kagaya noong pagkakatama ko ng tray sa ulo niya at pagkakamantsa ng polo niya sa isdang tumilapon sa kanya.
Masyado akong nag-ooverthink ngayon, pero nakakapagtaka nga lang kasi dahil tuwing umaga nagpupunta siya dito sa coffee shop para um-order ng capuccino't cookies. Tanghali na ngayon pero hindi manlang siya nagpunta dito? Bakit nga ba alalang-alala ako sa kanya? Oo! Gusto ko siya pero wala namang namamagita sa aming dalawa. Ako lang ay may gusto sa tuwing, tuwing free time ko ay in-stalk ko siya sa f*******:, umaga't gabi. Bago nga ako magpunta dito sa coffee shop ay nag-online na muna ako, free data lang iyon dahil wala akong load. Wala akong eksaktong pera, hindi ko naman magastos gastos iyong natirang pera sa binigay sa akin ni rowan no'n.
Ayoko lang kasi, mas mabuti kasi kong ipunin ko nalang iyon, masyado akong matipid ngayon dahil kailangan ko siyang bayaran. Hinihintay ko nalang na matapos ang isang buwan at nang maibigay na sa'akin ni auntie ang sahod ko.
Katatapos lang naming maglunch ngayon nina ate jean at carissa. Tapos na ang trabaho namin ngayon, pang-umaga lang naman kami kaya gano'n.
"Maya, free ka ba ngayon?!" Tanong ni carissa. Tumango nalang ako sabay kuha sa cellphone ko.
"Samahan mo 'kong bumili ng sapatos, please?!" Tumingin ako sa kanya't napailing-iling.
"A-ah! M-may gagawin pala ako." Sagot ko.
"Sabi mo free ka? Ba't bigla namang nagbago ang isip mo? Ano ba'ng gagawin mo?" Nagtataka niyang tanong. Hindi naman ako nakapagsalita kaagad at tumingin tingin sa paligid at glass door kung nandoon na ba si rowan pero wala akong makita. Nakapuwesto kami dito sa gilid kung saan may folding table pero hindi kami masyadong pansin kumpara sa magarang table at upuan ng mga costumer ngayon. Nagtatrabaho lang kami dito at mahirap naman kung kumain kami doon sa costumers table, baka mas pilin ni auntie na doon nalang kami sa opisina niya kesa doon na imbes uupuan ng mga costumer.
"Alam ko na, hinihintay mo si rowan 'no? Maya naman, pansin mo tuwing umaga lang siya nagpupunta dito, tanghali na at malamang hindi na dadating 'yon." Napasimangot ako dahil pati ba naman siya dinadown ako at parang pinapahiwatig niya na huwag na akong umasa na dadating pa siya ngayon, baka naman kasi busy lang siya sa trabaho niya o pag-aaral (kung nag-aaral pa pero sa tingin ko nakapagtapos na siya) at baka naman mamayang hapon ay pupunta siya dito kapag sumama ako kay carissa, baka hindi ko siya makita o maabutan man lang kaya hindi nalang ako sasama kahit wala naman akong gagawin.
"Kahit na, hihintayin ko parin siya! Wala naman sigurong masaya kung umasa ako 'diba?" Sabi ko sa kanya naikinabuntong hininga niya.
"Yeah! Hindi masamang umasa, huwag ka nga lang sumobra, ikaw rin ang masasaktan! Sige ka." Tugon niya sa akin.
"Alam ko! Kaya hindi kita sasamahan." Sumimangot naman siya sa sinabi ko.
"Ansama mo! Sinusuportahan na nga kita, hindi mo parin ako sasamahan?" Pangongonsensya niya. Hindi naman ako nakonsensya dahil hindi ko alam kung sinusuportahan ba niya ako o mas lalong dinadown. 'To talagang babaeng 'to masyadong kaloka!
"Asan ang pagsupport do'n? Dinadown mo nga lang yata ako e." Turan ko sa kanya.
"Tama na 'yan! Ako nalang ang sasama sa'yo cariss tutal wala naman akong gagawin ngayon e." Sabi ni ate jean sa kanya, tuwang tuwa naman 'tong si carissa to the point na binelatan pa niya ako. Minsan talaga napakaisip bata ng babaeng 'to. Nilagay ko nalang ulit ang cellphone ko't sabay sabay naming niligpit iyong pinagkainan namin. Um-order lang kami sa jollibee kaya naman wala kaming hugasan ngayon, diretso tapon ang lalagyan. Hihi!
Matapos naming tinapon iyong lalagyan ng pinagkainan namin ay dumiretso kaagad ako sa may glass wall, napansin kong mag-isang nakaupo iyong estudyanteng babae. Hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil nakayuko siya't natatakpan ng ilang hibla ng buhok ang mukha niya. Pamilyar 'tong uniform niya. Alam kong panghighschool uniform at marami namang estudyanteng pumupunta dito na ganito ang suot. Ang main point ko kasi ay pamilyar siya sa'akin kahit hindi ko makita ang mukha niya, pansin kong nilalaro laro niya ngayon ang isang cafe latte gamit ang kutsara.
Wala namang nakaupo sa tapat niya kaya tinanong ko siya. "Excuse me! May nakaupo ba dito?" Tanong ko, naninigurado lang naman ako dahil baka may hinihintay siya at hindi siya sinipot kaya ganyan ang istura niya ngayon. Para siyang si sadako, dahil nakalugay ang buhok niya. Mabuti nalang at hindi mahaba 'tong buhok ko, hanggang balikat lang ang haba nito at nakalugay din ako ngayon. Nakita ko ang pag-iling iling niya at gano'n parin ang ayos niya, nilalaro parin niya ang latte niya. Umupo naman ako habang hawak hawak ko ang cellphone ko.
Hindi ko na muna siya pinansin at nakiconnect na muna ng wifi dito sa coffee shop. Alam ko ang password kahit everyday nagpapalit ng password, syempre dito ako nagtatrabaho at minsan din ako ang tanungin ng ibang costumer dito kung ano ang wifi password ng coffee shop na 'to. Fast connection kaya karamihan sa nagpupunta dito tuwing tanghali't hapon ay mga estudyante. Minsan nga may magtotropang nagpupunta dito at maingay na naglalaro ng mobile legends at COC, may ilan din nagbabanggit at gustong makipaglaro ng ROS, rules of survival yata 'yon, ewan ko ba kung sa cellphone ba nilalaro iyon o sa computer lang. May ilan kasing games na hindi compatible sa android phone at pangcomputer games lang talaga.
Nang makita kong connected na 'tong phone ko sa wifi ay umappear naman kaagad ang iilang chat heads. Hindi ko napansin kung sino 'to o ano 'to dahil napatungan ng panibagong chat head ng unknown accounts. Nag-open na muna ako't sa f*******: lite at may 5 notifications, 10 new friend request at 5 messages. Sino naman kaya ang magmemessage sa'akin? Message ba talaga 'to o baka naman 'you are now connected on messenger' na naman? Pero wala naman akong naaalalang nagsent ako ng friend request sa iba maliban kay rowan na in-accept na ako, hindi naman ako mahilig magsend ng friend request. Kaya kaninong messages naman galing 'to? Dalawa lang naman ang group chats ko at iyon ay gc no'ng mga kaklase ko noong previous year at gc ng coffee shop. Si auntie ang gumawa ng gc na iyon noon at kakaadd lang sa akin noong monday, hindi ko naman napansin iyon dahil hindi naman umappear sa message box ko, nakita ko lang iyon nong magsend siya ng heart emoji sa group chat. Natawa pa nga ako dahil feeling millenial 'din pala si auntie.
Kung ano'ng name ng coffee shop na 'to ay gano'n din ang name ng group chat. Hayaan na! Minsan naman siyang maseen sa gc haha. Nong nagbackread ako ay nakita ko ang ginawa niyang pang bablackmail na kapag hindi daw siya replyan ay wala silang matatanggap na sweldo sa isang buwan. Joke niya lang naman 'yon! Ayaw din yata niya sa mga seener. Iyong message na 'yon ay matagal na, hindi pa ako nagtatrabaho no'n sa coffee shop niya at natatawa nalang ako sa pagbabackread ko no'n dahil wala yatang magawa si auntie, wala na siyang asawa, pumanaw na dahil sa sakit sa puso pero may isa siyang anak na pinag-aaral niya ngayon, si Jerson, pinsan ko, hindi naman kami close ng anak niya na pinsan ko dahil hindi naman iyon pumupunta dito, kahit nga tumambay lang hindi magawa, nakita ko na 'yon no'ng magpunta sila ni auntie sa hospital no'ng may sakit si papa para mag-abot ng kaunting tulong, nerd tignan si jerson kahit lalaki, wala mang salamin pero palaging may hawak na libro at minsan lang kumibo.
One time nga noong nandon kami sa hospital at mag-isa lang siyang nakaupo doon sa labas kaya tumabi ako sa kanya at tinanong ko kung ilan na ba ang edad niya, napakunot-noo ako no'n nung ituro niya ang pahina ng librong binabasa niya at may numero sampu ang nakasulat do'n, no'ng una hindi ko gets, nagloading na muna ako bago malaman kung ano ang pinapahiwatig no'n. 10, dahil 10 years old palang siya.
Nagtanong rin ako no'n kung nasaan ang lola niya, sa side ng papa niya. Hindi naman ako updated no'n kaya no'ng sabihin niyang nasa tabi namin ay kinilabutan ako dahil kami lang namang dalawa ang nandoon sa labas no'n. Tumindig ang ilang balahibo ko sa kamay't paa sa sinabi niya. Napasin niya iyon at tinignan niya ako noon saglit at itinuon ang tingin sa libro.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya, "don't worry, nanay is not a ghost, she's my guardian angel and she will be in my side and heart forever.."
Naaalala ko pa 'yong sinabi niyang iyon, napaisip nga rin ako na kung ano ba ang pinaglihi ni auntie sa anak niyang si jerson at sino bang nagturo sa kanya na sa ganong edad ay fluent na sa english. Kinabog pa ako!
Tumigil na ako sa kakaflashbacks sa isipan ko at una ko munang tinignan ang notifications ko. Apat na likes mula sa sss friend ko at isang mentioned galing kay davidson. Ano na naman 'tong kalokohan niya? In-open ko ito at nimentioned na naman niya ako sa isang page.
____________________________________Advicer
You are my one and only love <3
(Like)(heart)(Haha) 235 . Like . React . Comment . Share
Comments:
Davidson Campo : @Maya Arellano harthart!
____________________________________
Napasinghal naman ako sa ginagawa niyang pagmemention sa akin. Tsk! Niback ko nalang ulit ito't binuksan ang messages. Napakunot noo ako dahil hindi ko naman kilala 'tong ibang 'to.
Binuksan ko iyong dalawang account na parehong nagsent sa akin ng link. Hindi ko alam kung anong link ba 'to, hindi na ako nag-abalang buksan dahil baka virus. Kaya agad ko itong dinelete at sa dalawang group chats naman ako tumingin, walang name ang gc at pagkaopen ko dito ay maraming naiinis at nagtatanong kung sino ang nag-add sa kanila sa group chat na iyon, marami ring nagleave kaya nagleave narin ako, gano'n rin sa isa pang group chat nagleave na ako, baka pati ito virus din? Hindi ko naman makita kung sino iyong nag-add sa akin.
Pinabayaan ko na iyon dahil nakapagleave na ako at nawala narin naman kaya sunod ko ng tinignan ang messages ni davidson. Hindi ko pa nabubuksan, tinignan ko muna kung active ba siya o hindi.
Davidson 5m
3+ Maya?!
Binuksan ko naman ang messages niya at binasa iton.
<------ Davidson Campo :
Yesterday at 3:05 P.M.
Uy! Maya, ba't nag-out ka bigla?
Today at 12:50 P.M.
Maya, replyan mo naman ako.
Sige ka, pupuntahan kita diyan.
1:03 P.M.
The Sun is for the light, The moon is for the night, and you is for the rest of my life.
1:31 P.M.
Maya?!
~
Lahat ng 'yon ay sineen ko lang. Nagandahan ako sa quotes na sa tingin ko ay copy paste lang niya pero hindi ibig sabihin no'n na bet ko siya. Tss! Nilog out ko nalamg tuloy ang f*******: ko, hindi ko na tinignan kung sino iyong mga nagfriend request sa akin, hindi naman ako mahilig mangconfirm sa hindi ko kilala.
Ididisconnet ko na sana iyong sa wifi nang biglang nagpop in iyong chat head ni davidson. Ano ba naman 'tong lalaking 'to, walang magawa sa buhay, tsk!
<--- Davidson
-Finally, online kana ngayon, balak ko pa naman sanang puntahan ka diyan sa coffee shop. Hehe!
Seen
-Ano ba'ng ginagawa mo?
Seen
-'Diba tapos na work mo?
Seen
-Asan ka ngayon?
Seen
-Miss, suneer (sungit at seener) T__T
Seen
-Labas tayo!
Seen
-Mayang, labas tayo libre ko!
Seen
~
Napasinghal ako sa sunod sunod niyang chat sa akin. Hindi ba siya napapagod kakatype? Puro lang naman seen ang napapala niya sa akin. Para hindi ako magmukhang masama na ay nagtype ako't sinend sa kanya
<--- Davidson
Typed: We're not close
Sent
Seen
Mabilis siyang nagseen at reply sa akin.
Davidson: We're open, then
Seen
Nilikezone ko naman siya at nagpop in pa iyong sinabi niyang "likezone T__T" kaya hindi ko na iyon sineen at in-exit na iyong chat head niya pagkatapos ay tuluyan ko ng dinisconnect iyong wifi.
Niclose ko na iyong cellphone ko at kasabay no'n ang pagkarinig ko ng mahinang paghikbi. Nawala ang atensyon ko sa cellphone ko at tumingin sa katapat kong estudyante. Matagal akong nakatuon sa cellphone ko kanina pero ngayon, wala paring nagbago sa ayos at kaupo niya. Ganon parin siya pero nakakarinig na ako ng mahinang paghikbi niya.
"A-ah! Miss, okay kalang?" Nag-aalangan kong tanong baka mamaya bulyawan niya ako o 'di kaya sabunutan sa pangingialam ko. Sorry! Masyado yata akong overthinker! Umiling-iling naman siya.
"M-may problema ka ba" Tanong ko sa kanya na ikinatango tango niya.
"May maitutulong ba ako?" Tanong ko ulit. Tumingin naman siya sa akin at kahit natatabunan ng ilang hibla ng buhok ang mukha niya ay nakilala ko siya sa mukha niya. Ito 'yong babaeng, nagpunta nitong nakaraang araw na may kasamang isang lalaking cold tignan.
"B-bakit po gano'n? Pinaparamdam ko naman po ang pagmamahal ko sa kanya, nag-eeffort ako't nagpapapansin, hinahabol habol ko rin siya na parang aso, pero hindi niya parin maramdaman at makita ang pagmamahal ko sa kanya. Huhuhu! Mas naaappreciate pa po niya iyong iba." Umiiyak na naman siya ngayon, magulo na ang buhok niya at kinusot kusot pa niya ang mata niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko pa naman naeexperience iyong kalagayan niya na nagpapapansin, nag-effort at naghahabol. Marami na akong nagustuhan, ilang beses narin akong nareject noong elementary at high school days ko. Dahil sa tuwing nag-aabot ako ng letters no'n, tinatanggap naman nila pero may diretsahang nagsabi sa akin no'n na hindi niya ako gusto kaya simula non ay tumigil na ako, elementary days 'yon, para sa akin may effort naman iyong letter na ginawa ko noon pero kung babalikan ko ngayon ang nakaraan parang masasabihi ko ng wala, simple letter lang iyon na pinunit mula sa isang notebook at ang gamit ko no'n ay isang ballpen na hindi masyadong gumagana at nagagawa ko pa tuloy i-CPR iyong ballpen para naman umisod iyong tenta. Hihi!
Noong high school naman ako ay hanggang tingin lang ako sa mga nagugustuhan ko. Hindi ko nagawang magpapansin, mag-effort at maghabol. Handa naman ako sa rejection, mature na ng kaunti iyon pag-iisip ko pero mas pinili kong magfocus nalang sa studies at iyong about sa crush. Hanggang tingin lang talaga ako no'n.
Elementary at High school ako, naexperience kong may mag-amin sa akin na gusto nila ako kaso ang problema do'n ay hindi ko sila gusto. Hindi ko naman sila masabihan ng diretso no'n na hindi ko sila gusto dahil alam ko ang feeling na nirereject kaya ang ginagawa ko, iniiwasan ko nalang sila.
Pero noong magcollege ako, nagawa ko ng magreject ng diretsahan, may gusto kasing manligaw sa akin no'n kaso hindi pa nga niya nasisimulan ay pinatigil ko na siya. Mahirap talaga kapag one-sided love. Iyong tipong ikaw lang ang nagkakagusto sa kanya, samantalang siya may gusto naman sa iba.
"Ano po ba ang dapat kong gawin?" Nabalik ako sa realidad sa tanong niya.
"H-hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin sayo, hindi naman ako magaling sa pag-aadvice pero ang tanging masasuggest ko lang sa'yo ay iyong magpamiss ka sa kanya." Sabi ko sa kanya.
"A-ano po ba'ng ibig niyong sabihin?" Tanong niya.
"Magpamiss, iyong titigilan mo na muna iyong paghahabol, pag-effort at pagpapapansin sa kanya, baka matauhan siya't mamiss ka at pahalagahan ka na niya. Ganyan naman 'diba, people see your worth, if you're gone. Umiwas kana muna!" Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung effective ba iyong sinabi ko sa kanya o baka naman mas lalo lang siyang masaktan kapag may makita siyang kasamang iba no'ng lalaking nakasama lang niya dito noong nakaraang araw.
"Subukan mo lang, kahit isang araw lang!" Tumango tango naman siya't ngumiti na. Cute naman siya at ang childish niyang tignan.
"Thank you, ate maya." Ngumiti nalang ako at pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya sa akin. Hindi man lang nagalaw iyong cupcakes at latte niya. Hindi narin ako nagtaka kung bakit alam niya ang pangalan ko, magtatrabaho ako dito at syempre kita iyong pangalan ko na nakadikit sa damit ko kapag nasa duty ako.