Maya's POV
Tuesday, 8:30A.M.
Maagang nagbubukas ang MCaféLand, 6:30 A.M. palang ay bukas na ito at open narin ang wifi at karamihan sa nagpupunta dito ng maaga ay mga estudyante, mapahighschool level man o college, minsan nga may elementary pa.
"Maya, pakiabot nga sa'akin 'yong isang cup." Tumango tango ako't kaagad na kinuha ang isang cup at binigay ito kay ate jean. Dalawa lang kaming nandito ni ate jean, um-absent na muna si carissa sa trabaho dahil aasikasuhin pa raw niya ang NSO ng kapatid niya, kinakailangan na niyang makuha iyon dahil isa rin sa mga requirement sa eskwelahan ang NSO o 'di kaya livebirth.
Para hindi na kami mahirapang dalawa ni ate jean, ako nalang ang naging taga serve at siya rin naman ang bihasa sa paggawa ng coffee, marunong naman ako pero ipapaubaya ko na muna sa kanya kahit nag-eenjoy ako. Hihi!
"Maya, pakibigay mo 'to do'n sa dalawang estudyante." Tumango tango ako't kinuha ang isang tray. Naglakad ako palapit sa dalawang estudyanteng babae at lalaki. Naku naku! Magjowa siguro 'to.
"Here's your order ma'am/sir." Masaya kong sabi at inilapag ang mga order nila.
"Thank you miss." Nakangiting pagpapasalamat sa'akin ng babae samantalang 'yong lalaki ay nanatili lang na seryoso at nakatuon ang tingin sa libro.
"Hey! Nandito na ang order natin." Nakangiting turan nong babae, hindi naman siya pinansin ng lalaki. Bumalik nalang tuloy ako, pagkalapit ko kay ate jean at may narinig naman akong pamilyar na boses at awtomatiko akong napatingin.
Owemjii
Si Rowan, nandito na naman siya. Waaahhh! Bakit ba ganito nalang tumibok ang puso ko, hindi naman ako naniniwala sa love at first sight pero no'ng una ko siyang makita ay parang nagbago ang ihip ng hangin na parang bigla akong nagkagusto sa kanya. Gusto kong magwala sa tuwa pero hindi ko magawa, kaunti palang naman ang nandito pero ayoko nakakahiya kapag makita niya akong parang baliw na lumulundag lundag sa tuwa.
Nakayakap naman ako sa tray habang papalapit kay ate jean. Sakto namang katatapos lang niya gawin ang order ni rowan. As usual, favorite yata niya ang capuccino na partner sa cookies.
"Maya." Tawag palang ni ate jean sa pangalan ko ay awtomatiko ko ng kinuha ang order ni rowan at ilang minuto lang ay napansin kong nasa gilid na niya ako. Nilapag ko at order niya, nagpasalamat siya habang ino-open ang laptop niyang dala. Nanatili na muna ako ng ilang minuto do'n dahil hindi pa naman ako tinatawag ni ate jean, at wala naman dito si carissa na i-bubulgar ako.
Bawat pindot niya sa keypad ng laptop niya ay kita ko at nakita ko ring in-open niya ang isang microsoft powerpoint. Ay! Akala ko pa naman magpifacebook siya. Mahina akong napabuntong-hininga habang nakayakap sa tray. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya at ilang minuto lang din ay nagpunta siya sa google chrome. Naexcite naman ako dahil posibleng dito siya mag open ng f*******: account niya. Hihi!
"Mayang!!" Napatalon naman ako sa gulat at nahagis 'yong tray sa ulo niya. Naku po! Malaking kaguluhan. Narinig ko ang pag-ouch niya, nilingon ko muna si auntie at natatarantang humingi ng paumanhin kay rowan. Masakit din kasi 'yon!
"S-sorry! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya. Pasensiya na!" Todo hingi ko ng patawad habang kinukuha 'yong tray na tumama sa ulo niya. Mabuti na nga lang dahil hindi 'yong capuccino at laptop niya ang natamaan ng tray kasi kung nagkataon na gano'n ang nangyari baka nabasag pa 'yong cup at masira laptop niya. Hindi ko namang masasabi na mabuti narin na sa ulo niya tumama 'yong tray dahil baka ulo niya naman ang masira. Ay! Joke lang. Hihi!
Nakatayo na siya ngayon at hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit ba kasi sumigaw 'tong si auntie mavit? Nagulat tuloy ako at ngayon pinagtitinginan na kami ng ilang mga taong nandito. Nakakahiya dahil kami ang naging center of attraction.
"Sorry talaga." Hinging paumanhin ko. Hindi ko naman inaasahan ang gagawin niya, nginitian niya ako.
"Okay lang!" Seryoso siya? Akala ko magagalit siya? Tatanggapin ko naman 'yon kung nagkataon dahil kasalanan ko rin, p-pero nabigla lang naman ako. Hays!
"Naku sir, pagpasens'yahan niyo na po 'tong pamangkin ko." Eksena ni auntie napatingin naman ako sa kanan ko, nasa tabi ko na pala siya at ngayo'y siya na ang humihingi ng paumanhin kay rowan. Nakayuko lang naman ako dahil sa hiya.
"Okay lang!" Sabi ulit niya.
"Pasensya na po talaga sir." Hinging paumanhin ulit ni auntie at kinurot ako sa tagiliran. Aray ko naman!
"Ano ba namang katangahan 'to mayang?" Pabulong niyang tanong pero alam kong narinig iyon ni rowan dahil nakatingin siya sa amin ngayon at nakangiti parin na animo'y walang nangyari. Okay lang ba talaga sa kanya?
"Auntie naman, ginulat niyo kasi ako. Ba't ba kayo nagsisisigaw?" Tanong ko naman sa'kanya.
"Naku talagang bata ka! Bumalik ka na nga muna do'n." Tumango nalang ako at bago ako bumalik ay tinignan ko muna si rowan at nagsorry ulit. Huhuhu!
Pagkapunta ko kay ate jean ay tinanong ko kaagad siya kung ano ang problema saakin ni auntie at bakit sinigaw niya ang pangalan ko. Napakibit balikat lang siya dahil hindi rin niya alam kung bakit iyon ginawa ni auntie. Inilapag ko nalang muna ang tray na hawak hawak ko at tiningnan si rowan na ngayo'y nakatuon na naman ang atensyon sa laptop niya. Hinanda ko naman ang sarili ko dahil baka pagalitan ako ngayon ni auntie. Naku po!
"Mayang." Seryoso niyang tawag sa pangalan ko.
"Po?" Sabi ko.
"Mag-usap tayo ngayon." Sabi niya at nagtungo sa pinakaopisina niya. Sumunod naman ako sa kanya pagkarating namin dito ay hinarap niya ako.
"Ano ba'ng kalokohang pinaggagagawa mo kapahon mayang ha?" Tanong kaagad niya sa akin habang nakapameywang pa.
"Ha? Ano'ng ibig sabihin niyo auntie? Wala naman po akong kalokohang ginagawa." Sagot ko.
"May nagreklamo sa akin na hindi mo man lang daw pinakinggan ang in-order niya? Ano bang pinaggagagawa mo kahapon mayang at nagbingi bingihan ka?" Napakamot ulo naman ako sa sinabi ni auntie. Alam ko na, tungkol ito sa nangyari kahapon na hindi ko nakuha ang order ng ibang costumers at bigla nalang umalis.
"A-ano kasi auntie, n-nabusy lang naman po ako. Hihi!" Nauutal kong sagot.
"Nabusy? Nabusy saan ha?" Tanong niya. Paktay! Ano bang dapat na irason ko?
"S-sa pakikinig ng music. P-pasensya na auntie. Promise! Hindi na po talaga mauulit 'yon." Pagsisinungaling ko ng rason, eh sa hindi naman kasi pwedeng sabihin sa kanya ang totoo, nakakahiya at baka palayasin pa ako sa coffee shop niya't sabihing nagtatrabaho ako dito hindi naghahanap ng mga guwapo't manlandi. Naku! Hindi ko yata matatanggap kapag iyan ang isumbat saakin ni auntie. Nadala lang naman ako ng kuryusidad kapahon at sa interes ko kay rowan. Naging iresponsable ako, huhuhu! Babawi naman ako eh.
"O'siya sige, bumalik kana sa pagtatrabaho." Sabi niya kaya niyakap ko siya.
"Ayie! Thank you talaga auntie, ang ganda mo talaga." Natutuwa kong sabi sa kanya at sabay na kumalas sa yakap.
"Nakung bata ka, binola mo na naman ako. Bumalik kana do'n!" Natawa nalang ako at masayang nagtungo kung nasaan si ate jean.
~~~***
Katatapos lang ng work ko ngayon, hindi na muna ako lumabas ng coffee shop dahil makikiwifi pa ako dito. Masyado pang maaga at malayo pang maggabi, tuwing hapon lang naman ang free time ko kaya susulitin ko narin 'to.
Hindi naman sa sinasayang ko ang oras ko sa kakainternet at kakatambay dito. Hindi ko naman gusto na ganito ang buhay ko pero nagsusumikap naman ako kaya nga may trabaho na ako ngayon dahil gusto kong makapag-ipon at nang makabalik ako sa pag-aaral ko. Kung may job hiring lang sana na mas malaki ang sahod, papasok kaagad ako pero naglibot-libot narin ako dito sa city at 'yong iba naghahanap ng saleslady, 18 above. Gusto ko sanang pasukin ang buhay saleslady, nasa wastong taong gulang narin naman ako. 18 years of age. O 'diba ang bata ko pang nakapagkolehiyo? Hindi kasi ako naabutan ng senior high school. Hihi! Mabalik tayo, hindi ako natuloy dahil nga 200 pesos kada araw lang, kung ikukumpara ko naman ito doon sa pagbabantay at pagseserve sa MCaféLand, mas mabuti pa doon kay auntie dahil umaga lang ang trabaho ko at may 150 pesos na ako sa isang araw. Doon kasi sa isang hardware na gusto kong pasukan ay full time at 200 pesos lang sa isang araw.
May bakeshop din akong nakitang naghahire ng baker at saleslady ulit. Gusto ko sanang mag-apply bilang baker dahil may alam naman ako sa pagbibake at sinabi nilang pwede naman daw ako magtraining doon, kaso no'ng tinanong ko kung ilan ang sahod kada araw. Nakakapanlumo dahil 80 pesos a day lang. Para sa part time lang 'yon, kaya hindi narin ako natuloy.
Noong isang linggo din may nakita akong nakapost sa poste na naghahanap ng yaya, 4000 a month. May number na nakalagay doon kaya tinawagan ko't nagtanong ako kung naghahanap pa ba sila ng kasambahay, sinigurado ko lang dahil baka may nahanap na sila at baka matagal narin 'yong papel na nakadikit doon. Nang sabihin nilang 'oo' ay nakaramdam ako ng tuwa. Kahit ayokong maging kasambahay lang pero kung kinakailangan para sa pangtustos sa gamot ni papa noon at sa pag-aaral ko narin ay gagawin ko at makikipagsapalaran ako.
Tinanong nga ako no'ng babaeng nakausap ko sa telepono kung mag-aapply daw ba ako, sinabi ko namang 'oo' pero tumigil nalang ako dahil ang kailangan daw nilang kasambahay ay iyong permanente at kung maaari lang daw sana ay wala ng day off, day off pa dahil busy sa trabaho ang mag-asawa. Kaya hindi ko na itinuloy ang pag-aapply ko, dahil pang-isang taon lang ang kaya baka nga ilang months lang ang masabi ko dahil maghahanda pa ako para sa darating na pasukan next school year.
Ang hirap talaga makapaghanap ng trabaho ngayon 'no? Lalo na't kung hindi pa nakakapagtapos. Maraming requirements, kailangan mo pang kumuha ng baranggay/police clearance, gumawa ng bio data, 1×1 pictures at may interview pa. Ang hirap din makapasok sa isang kumpanya kapag wala pa sa college level o hindi pa tapos sa pag-aaral. Ang hirap din kumuha ng isang trabaho kapag walang skills. Ang hirap ng buhay, kinakailangan mong makipagsapalaran at sakripisyo para makamit kung ano man ang gusto mong makamtan.
Kasalukuyan akong nakaupo malapit sa glass wall, mas piniling maupo dito para naman walang istorbo. Hinintay ko munang maging connected ako sa wifi.
"Ayan, connected na." Mahina kong sabi at nagpunta ako sa f*******: lite app at in-open ko ang account ko.
Pagkaopen ko sa account ko ay may nakita kaagad akong one message at 32 notifications. Nakaramdam naman ako ng kaba ngayon, wala naman akong ideya kung sino ang magmemessage sa akin pero ini-expect ko na sana si rowan 'to. Kakasend ko lang ng friend request sa kanya kahapon at baka naman, in-accept na niya at nimessage ako. Waahh! Pinakalma ko muna ang sarili ko't nagbuga pa ako ng hininga. Para akong tanga at nag-aassume na parang mananalo sa loto.
Pumikit pa ako nito at pinindot ang message box at unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Bumagsak naman ang balikat ko sa nakita ko.
Rowan Jon F.
You are now connected on messenger
Masyado akong nag-expect. Tama! Si Rowan nga 'to pero wala naman pala akong natanggap na message na sa'kanya. Napabuntong hininga nalang ako't pinindot ang home. Hindi ko na muna binuksan iyong message kuno ni rowan na you are now connected on messenger lang pala. Naloko naman ako nito. Hay!
Napansin kong parami ng parami ang notifications ko. Kung kanina ay 32 ngayon ay 43 na? Dahil sa kuryusidad narin ay tinignan ko ang notifications ko.
-Davidson Campo, carissa dominggo and 7 other people reacted to a photo you shared.
-Davidson Campo reacted to your photo.
-Davidson Campo reacted to your photo
-Davidson Campo reacted to your photo
-Davidson Campo reacted to your photo
-Davidson Campo reacted to your photo
-Davidson Campo likes your photo
-Davidson Campo likes a photo you are tagged in : HAHAHAHA :)
-Davidson Campo reacted to your post : "Family is a gift that lasts forever..."
-Davidson Campo likes a post you shared : Indeed :)
-Davidson Campo reacted to your answer : My feelings
-Rowan Jon F. accepted your friend request
-Davidson Campo mentioned you in a comment.
Hindi ko na pinatuloy ang pag-iscroll down dahil halos lahat na nasa notifications ko ngayon ay kay Davidson Campo. Ano bang pumasok sa utak ng lalaking 'yon at nagawa akong i-floodlikes at heart react? Hindi kaya't hihingi din ng favor na i-floodlikes and react ko din siya? Asa siya! Hindi ko naman sinabing pusuan niya ang profile pictures ko.
Hindi na muna ako nag-out at ini-open ko ang isang answer ko sa 'Did you know' na ni-react ni davidson ng "sad". Ano bang problema niya? Kung makapagsad react, close kami ha? Close kami? Kagigil siya.
If I could choose to control fire or water. I'd rather control....
"My feelings </3 :)"
Natawa nalang ako nang mabasa ko 'tong sagot ko. Haha! Ewan ko ba't bakit 'yan ang naisip kong isagot. Binack ko na 'to at nagpunta ulit sa notifications ko para tignan kung saang post ba ako nimentioned ng lalaking 'yon. Hindi naman talaga ako interesado masyado lang akong curious dahil baka mamaya sa masamang post na pala niya ako nimention.
____________________________________
Advicer
Tag/Mention mo si "M" na maganda.
___________________________________
Comments:
Davidson Campo : Maya Arellano, maganda ka daw oh.
___________________________________
Hindi ko naman ni-replyan ang pagmemention niya sa akin. Nagpapansin lang talaga 'tong lalaking 'to. Sa dinami-dami na pwedeng hingan niya ng atensyon at magpapansin, bakit sa'akin pa? Akala niya yata mapagtitripan niya ako. Kung wala siyang magawa sa sarili, mabuti pa't matulog nalang siya. Magkakamuta pa siya! O 'di kaya magtrabaho nalang. Hindi sa puro papansin lang ang ginagawa niya.
Tinignan ko nalang ang news feeds ko, iba't-ibang post ang nakikita ko ngayon, um-appear din sa news feed ko ang display photo ni Rowan at ang famous pala niya sa f*******: dahil nasa 500 ang likes ng profile niya, marami ring nagcomment. Hindi naman siya poser sa kalagayang 'to dahil nakikita ko nga siya sa personal, dito sa coffee shop ni auntie mavit. Gusto ko sanang pusuan kaso, nahihiya ako kaya ni-like ko nalang hihi.
Nagscroll-down pa ako at kung ano-ano lang ang nakikita ko, 'yong ibang um-appear dito ay mga post ng iba't-ibang pages kaya kapag bet ko ang isang quote ay nilalike ko ito. May ibang pages din akong nilike at follow na puro confessions. Minsan kasi kapag wala akong magawa ay nagbabasa basa nalang ako ng mga confession na nakakaiyak, nakakakilig, nakakatakot, nakakainis at nakakatawa.
Hindi ko narin naman binubuksan ang group chat namin noong previous year. Buhay pa 'yon at hindi pa na idedelete, masyadong maingay ang group chat na iyon dahil kung gaano kaingay ng mga kaklase ko noong previous year ay mas maingay pa sila sa group chat at kung ano-anong kalokohan ang pinaggagagawa, may iba ngang nagkakasagutan pa, 'yong iba naman nagdadrama tapos maglileave at minsan imi-message ako at sasabihing i-add ulit sa group chat.
Nakakatawa rin 'to noong nalaman namin na may isa kaming kaklaseng nagleave sa group chat pagkatapos ay nakita naming in-add niya ang sarili niya sa group chat gamit ang second account niya. Nasabihan tuloy siya ng iba kong kaklase na, ang lakas lakas daw magleave tapos i-aadd lang din naman ang sarili. Haha! Natawa ako no'ng mga panahong nangsiseen pa ako sa group chat. Minsan lang ako magmessage do'n kapag may itatanong sila.
Sa katunayan, ay ni-mute ko na ang group chat namin dahil ang lakas makalag ng cellphone kapag puro stickers ang sinesend nila at 'yong iba nagpafloodlikes sa group chat na nasisimulan sa pag-aaway away at walang nagpapatalo. Mga mapride kasi 'yong iba!
Balak ko sanang puntahan ang isang page na madalas kong bisitahin para magbasa ng mga confession kaso biglang nagpop-in ang isang chat head sa cellphone ko. Tinagal muna ng ilang segundo bago um-appear iyong profile picture.
Davidson is waving at you!
Tap to wave back
Tinignan ko lang ito at hindi ko tinap ang wave back. Tinanggal ko na ang chat head na nagpop sa cellphone ko, hindi pa nga ako nakakapagbasa ng confession ay biglang nagpop na naman ang chat head ni davidson.
Davidson: Hi mayang!
Napasinghal naman ako nang mabasa ko ang nickname ko na binanggit niya.
Me: Don't call me in my nickname, we're not close!
Pagkasend ko palang no'n ay sineen niya kaagad ako.
Davidson: Edi close na tayo ngayon mayang. Haha!
Niseen ko nalang siya sa message niya ngayon. Baka humaba lang ang convo namin kapag magreply pa ako at baka mas lalo lang matuwa 'tong lalaking 'to. Tinanggal ko ulit ang chat head niya pero ilang sandali lang ay nagpop na naman ito.
Davidson: Ang seener mo naman mayang. :'(
Nagseen lang ulit ako at hindi ko na pinagpatuloy ang pagbabasa, hindi ko pa nga nasisimulan eh. Naglog out nalang ako dahil baka mas lalo lang akong kulitin ng lalaking 'to kapag makita niya sa chatlist niya na online pa ako. Tinignan ko kung anong oras na pagkatapos ay binulsa ko na ang cellphone ko't tumayo na. Hindi na ako nagpaalam ulit kina auntie at sa ibang nagtatrabaho dito dahil busy sila kaya kay manong felix nalang ako nagpaalam, guard dito sa coffee shop.
~~**
3:20P.M.
Hindi kaagad ako nakauwi sa bahay dahil pagkaalis ko sa MCaféLand ay tinawagan ako ni mama at inutusan akong dumaan muna sa palengke para bumili ng isda. Ako nalang daw muna ang mamalengke ngayon dahil nagpapasaway na naman daw si papa, kahit bawal na sa kanya ang manigarilyo, go parin siya! Gusto niya ba talagang maging second home na niya ang hospital? Mabuti sana kung walang bayad ang pagstay do'n pero nakng! Ang sakit sa bulsa kapag hahawak at titignan ko na ang hospital bill. Mabuti sana kung may mga tinago akong gold sa lupa at nang makapaghukay ako't iyon nalang ang ipambayad kaso wala e. Mahirap lang kami tapos iyon pa ang gagawin ni papa? Hays!
Katatapos ko lang bumili ng isda at ngayon mantika naman ang bibilhin ko.
"Ano po sa'yo ma'am?" Tanong sa'akin ng tindera.
"Ate, kalahating bote nga po ng mantika." Sabi ko, nilagay naman niya sa isang plastik celophane ang mantika at pinalagay ko nalang ito sa hawak hawak kong plastik na may lamang isda. Para iisang dalahan lang. Pagkaabot ko sa kanya ng singkwenta pesos ay agad niya akong sinuklaan at nagpasalamat, tumango nalang ako't naglakad na.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa isang paradahan ng sasakyan, medyo malayo ito doon sa bilihan ng mga isda kumpara sa isang paradahan ng sasakyan na malapit lang sa isdaan at gulayan. Hindi ako sumakay doon dahil hindi pamilyar sa'akin ang mga driver do'n at baka singilin ako ng singkwenta pesos patungo sa bahay. Gano'n kasi iyong iba, tinataasan ang pasahe kahit hindi naman malayo ang bahay o direksyon na pupuntahan.
Papalapit na ako sa paradahan nang biglang matanaw ng mga mata ko si...Rowan! Huminto naman ako't pinagmasdan ang sarili ko kung pangpalengke lang ba 'tong itsura ko o pwede ipangmall ang ayos. Simplehan lang kasi ang suot ko ngayon, dahil kung ano ang suot ko kaninang nasa work ako ay gano'n parin ang suot ko ngayon. Hindi naman ako nakapagpalit dahil wala akong dalang damit at papauwi narin naman sana ako no'n kaso nagkataong ako ang pinapunta ni mama sa palengke.
Mag-isa lang siya at pansin kong papalapit na siya sa direksyon ko. Mamamalengke rin kaya siya? Pero iyong suot niya ay hindi naman pangpalengke lang. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? May dadaanan lang ba siya? O mamamalengke talaga?
"Magnanakaw!"
"Yong wallet ko!"
"Habulin niyo 'yong magnanakaw." Mas lalong naging maingay ang paligid sa sigaw ng isang babae at titingin na sana ako sa likod ko nang bigla akong masagi ng isang lalaki. Mabilis ang pagkakatakbo niya at ang lakas talaga ng pagkakasagi niya sa'akin, parang nagslow motion yata 'yong paligid, sumigaw ako't nabitawan ang hawak kong plastik. Nanlaki ang mga mata ko't nakita ko ang pagtilapon ng plastik na hawak ko kamakailan lang na may lamang isda at mantika, tumilapon ito sa damit ni Rowan at kasabay no'n ang pagbagsak ko sa sahig.
Para akong nadapa lang sa kalagayan kong 'to. Aray ko po! Ba't ba nadamay pa ako dito? Sa dinami dami ng p'wedeng sagian ng snatcher, bakit ako pa? Bakit sa direksyon ko pa dumaan.
"Magnanakaw ka! Walang hiya ka! Ipapakulong kitang hinayupak ka!" Nakadapa parin ako ngayon pero tanaw ko sa 'di kalayuan 'yong snatcher at 'yong isang matabang babae. Marami mang nagkukumpulang tao pero may space parin upang makita ko kung ano na ang nangyayari, tatlong lalaki ngayon ang nakahawak sa isang snatcher at sinisigurado nilang hindi ito makakawala habang iyong matabang babae naman ay pinagpapalo niya 'yong snatcher gamit ang wallet at bayong niyang dala. Panay ilang naman 'yong snatcher sa ginagawa ng matabang babae.
Unti-unti naman akong tumayo at nang nasa pwesto ako ng upo ay may napansin akong paa na nasa harapan ko, tumingala ako't tinignan siya at laking gulat ko naman ng makita ko si rowan na basa at may bahid ng dugo ng isda ang kulay sky blue niyang polo.
Napayuko ako dahil sa hiya. Kasalanan ko na naman ngayon kung bakit ganyan na ang itsura ng damit niya. Tatayo na sana ako nang bigla kong makita ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko, nakakahiya man pero tinanggap ko parin ito para ako'y makatayo.
Nang makatayo ako ay pinagpagan ko naman ang damit ko na ngayo'y madumi na. Hays!
"Sorry! Sorry talaga. H-hindi ko naman sinasadyang mabitawan 'yong plastik kong hawak hawak na tumilapon sa'yo." Hinging paumanhin ko ulit sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
"I know kaya okay lang." Tumingin ulit ako sa kanya no'ng sabihin niya iyon.
"H-hindi ka galit?" Tanong ko na ikinailing lang niya.
"Salamat! M-maraming sala-----Naku! 'Yong isda ko!" Sabi ko at agad na tumakbo patungo doon sa isdang binili ko. Napaupo pa ako't hinawakan ang supot at iyong isda. Lahat natapon at walang isang natira sa loob ng supot.
"Paano na 'to? Wala na akong eksaktong pera dito." Bagsak balikat kong sabi sa sarili ko.
"Here! Take this." Napatingin naman ako sa isang libong nakalahad sa harapan ko ngayon, tumingala ulit ako't nakita ang nakangiting mukha ni rowan. Tumayo naman ako't umiling-iling.
"Naku! Pasensya na, pero hindi ko iyan matatanggap." Sabi ko sa kanya habang napapailing-iling.
"Kailangan mo 'to, you said earlier that you don't have exact money, siguro naman makakatulong ako para mabayaran iyang natapon mong isda?" Sagot naman niya.
"P-pero hindi mo naman kasalanan kung bakit tumilapon iyong isda. Ako nga siguro ang magbayad sayo sa mga atrasong nagawa ko." Nakayuko kong sabi sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
"Wala kang dapat na bayaran, wala kang kasalanan. Tanggapin mo na 'tong pera, alam kong kinakailangan mo 'yan para bumili ng bagong isda at mantika." Tugon niya. Iiling pa sana ako nang bigla niyang banggitin ang palayaw ko na nagpabilis naman ng t***k ng puso ko.
"Mayang, tanggapin mo na 'to." Nakangiti parin siya ngayon at parang malulusaw ako sa tingin niya.
"K-kilala mo ako?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
"Ofcourse! Nakikita kita sa coffee shop na pinupuntahan ko at ikaw 'yong palaging nagseserve sa'akin. May name plate kaya nalaman ko kaagad ang pangalan mo't palayaw dahil kaninang umagaw, tinawag ka ng may-ari ng coffee shop." Natatawa niyang paliwanag. Alam niya ring si auntie mavit ang may-ari ng MCaféLand? Paano niya iyon nalaman? Hindi na iyon importante basta masaya ako ngayon dahil nagkaroon kami ng ganitong usapan ni rowan kahit hindi masyadong mahabang usapan. Atleast, hindi ito 'yong ganong routine na kapag ilalapag ko ang order niya ay ngingiti lang siya at magpapasalamat.
Nahiya naman ako dahil akala ko't balewala lang sa kanya iyong sinigaw ni auntie ang palayaw ko, pero memorize niya pala 'yong pangyayari kanina? Haha! Wala akong masabi kaya napayuko nalang ulit ako at nakaramdam ako ng mga paru-parong nagliparan sa tiyan ko nang hinawakan niya ang kamay ko't binigay saakin ang isang libo.
"Take this!" Sabi niya at pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat at naglakad na siya palayo. Ilang minuto muna akong nanatili sa kinatatayuan ko at nang matauhan ako ay malakas kong sinambit ang katagang "salamat". Malayo na siya kaya hindi niya yata iyon narinig dahil hindi man lang siya tumingin sa akin. Napangiti nalang ako't bumalik ulit sa isdaan para bumili ng panibagong isda't mantika. Isang bote nalang ng mantika ang bibilhin ko para naman magkaroon kami ng stock ng mantika sa bahay at hindi na pupunta sa tindahan si mama para bumili ng tig dalawang pisong mantika.
Habang bumibili ako ay hindi ko maiwasang mapangiti ng sekreto, may masama mang nangyari ngayon ay dumating rin namang mabuti. Dumating si Rowan at hindi niya pinabayaan na umuwi ako sa bahay ng wala ng dalang supot na may lamang isda, kahig hindi niya kasalanan ang pagkatapon ng isda ay binigyan niya parin ako ng pera para palitan iyong isdang natapon. Hindi naman sa masaya ako dahil sa binigay niyang pera, masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon para makausap siya. 'Yong tungkol sa pera? Huwag siyang mag-alala dahil kapag maibigay ni auntie ang sweldo ko ay babayaran ko agad siya, not now but soon. Marami pang araw/panahon para magkita kaming dalawa at mabayaran ko siya.