Chapter 1

4360 Words
Unang pasok ko ngayon sa pinagtatrabahuan kong coffee shop. Hindi ako nahirapang humanap ng panandaliang trabaho dahil si auntie Mavit naman ang may-ari nito, kapatid ni mama, wala ng asawa, pero may anak. Sa ngayon, dito na muna ako nagtatrabaho. Tumigil na muna kasi ako sa pag-aaral dahil wala ng pangtustos si mamang sa tuition fee ko. Kapos na rin kami sa pera dahil nagkaroon ng sakit si papa sa baga sa kasisigarilyo niya kaya lahat ng pera ni mama ay napunta sa pagbabayad sa hospital, pati nga rin ang savings ko na pandagdag sana sa baon at tuition fee ko ay napunta rin sa mga gamot ni papa kaya kahit labag sa kalooban nila ay napagdesisyunan ko lang munang huminto ng pag-aaral. Isang taon lang naman 'to at kapag makapag-ipon ipon na ako ng pera ay ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. Nasa 4th year college na sana ako at makakapagtapos na sana pero importante sa akin ang pamilya ko kaya pati pangtuition at pangtustos ko sa pag-aaral ay binigay ko nalang sa kanila. Nagtatrabaho na rin naman ako ngayon. Hihi! Magtatapos naman ako sa pag-aaral ko sa kursong BS in Business Administration. Pangarap ko rin talagang magkaroon ng sariling business kaso magsisimula na muna ako sa pag-iipon ng pera para sa pag-aaral ko at sa training na rin. Gusto ko rin magkaroon ng sapat na pondo at kapag mangyari iyon ay magpapatayo na ako ng isang restaurant o 'di kaya mall. Hihi! Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko, wala pa namang bumibili kaya kailangan ko munang ayusin ang sarili ko, hindi ako pala ayos na tao pero ngayon kailangan ko 'tong gawin. Kailangan kong maglagay ng kaunting foundation, light na lipstick, light blush-on. Iyon lang, ayokong magkilay, mag-aaksaya na naman ako ng oras kapag hindi magkapantay pantay kaya mas mabuting ng natural lang 'diba? Hihi. "Miss..." Hindi ako nag-abalang tumingin sa tumawag dahil baka 'yong lalaki lang 'yon na araw-araw na pumunta dito at nangungulit sa akin. Halos araw-araw akong pumunta dito sa coffee shop ni auntie mavit, nakikiwifi lang naman ako, minsan at kung may eksaktong pera ay umu-order ako ng espresso o 'di kaya isang cupcake. Syempre wala akong pera dahil wala naman akong trabaho no'n kaya patambay tambay lang muna ako dito at sa pagtatambay ko ay may nakilala akong isang lalaking makulit, nakalimutan ko ang pangalan dahil sa tuwing nagpapakilala siya ay hindi ko iyon pinapansin. Ewan ko ba kung adik ba 'yon o sadyang may sayad. "Miss.." Tawag uli niya. Hindi parin ako lumilingon. Alam kong ako ang tinatawag nito dahil ako ang nakaassign na magbantay ngayon sa coffee shop ngayong umaga. Ang sabi kasi sa akin ni auntie na mamayang tanghali pa dadating 'yong ibang nagtatrabaho dito dahil sabay sabay daw silang nagsimba. Tama! Sunday ngayon at ako naman ay mamayang ala singko pa magsisimba. May tiwala sa akin si auntie kaya ako na muna ang iniwan dito tutal unang eaw ko ngayon. Ang saya 'noh? "Miss, are you deaf?" Napatingin naman ako bigla sa tanong niya, bigla namang nagslow motion ang galawan namin ngayon. Omygas! Kung sinuswerte ka nga naman. Hinulugan ako ng isang costumer na gwapo, matangkad at maayos pumorma. "One capuccino and cookies." Ang ganda ng mga mata niya. Makapal din ang kilay at ang ganda din ng pilik mata niya. Nahanap ko na siguro ang ideal guy ko. Owemm! "Hey!" Natauhan naman ako nang magsalita siya bigla. Ngumit ako't tinanong siya. "What's your order sir?" Tanong ko. "I said, one capuccino and cookies. Lutang ka yata!" Nahiya naman ako bigla dahil nakita ko ang pagngiti niya. Masyado niya namang tinutunaw 'tong puso ko. "Ah! Okay sir." Sabi ko at ginawa na ang in-order niya. Napapasilip silip naman ako ngayon kung saan siya nakaupo. Abala na siya ngayon sa pagcecellphone niya. Naku! Sana may f*******: account siya o 'di kaya kahit twitter or i********: nalang at nang maadd or follow ko naman siya. Kaso hindi ko pa iyon magagawa dahil hindi ko alam ang pangalan niya. Kalalagay ko lang ngayon sa tray ang in-order niya at ngayon hawak hawak ko na ito habang papalapit sa kanya. Ngayon lang ako nanginig ng ganito, he's a good looking guy at hindi na ako magtataka kung may girlfriend na ito, pero sana naman wala. Hihi! "He's your order sir." Sabi ko habang inilalapag ang order niya. "Thank you!" Sagot niya at hindi man lang iniiwas ang tingin sa cellphone niya. Pasimple naman akong nagpunta sa likod niya at halos maging giraffe pa ako sa kalagayan kong ito para matignan lang kung ano ang ginagawa niya. Nasa lap niya kasi ang cellphone niya kaya nahihirapan akong silipin kung ano ang ginagawa niya. "Miss!" Hindi ko nilingon kung sino na naman ang tumawag saakin dahil abala ako dito. "Hey! Miss, Can I have my order?" Naririnig ko ang sinabi ng boses babae pero hindi parin ako lumilingon, gusto ko talagang makita kung ano ang ginagawa ng gwapong 'to. Malay niyo nagfifacebook siya at pagkakataon ko na 'to para tingnan ang pangalan niya. "Ano ba 'yan, wala naman palang kwentang coffee shop na 'to. Asan ba manager niyo?" Dahil sa gulat at takot sa sinabi ng babaeng iyon ay nilingon ko siya at bad timing nga lang dahil nasagi ko iyong lamesa. Ang sakit sa legs. Huhuhu! Magsasalita pa sana ako nang biglang umalis na iyong babae at ibang mga tao. Nasa dalawa hanggang lima yata ang nagsialisan. Ano ba 'tong gulong ginawa ko? Huhuhu! Sayang! Pera na sana iyon e naging bato pa. "Are you okay miss?" Natigil naman ako sa paghihimas sa legs ko nang magsalita siya. Unti-unti akong tumingin sa kanya. "Okay lang hihi." Nahihiya kong sabi. Nginitian ulit niya ako at itinuon ang pansin. Bumalik nalang ulit ako sa puwesto ko pero hindi ko parin naiiwasang hindi siya sulyapan. 'Yong iba ngang costumer ngayon na kararating palang ay napapatingin din sa kanya. Minsan lang namang may magpunta dito na costumer na ganito kagwapo. I mean 'yong mukhang artista. Nasa bayan kasi kami ng tacloban pero kung sa maynila 'to siguro isa 'to sa mga hahangaan do'n. Hihi! "Miss, one latte and a piece of cake." Tumango naman ako't ginawa ang order ng aking costumer. Habang tumatakbo ang oras ay parami ng parami ang nagpupunta rito kaya nawala na sa isipan ko ang sulyapan man lang 'yong good looking guy, naabala din ako sa pagserve sa mga costumers lalo na't ako lang mag-isa dito kaya nang magkaroon ako ng saglitang break time ay tumingin ako sa kipauupan nong lalaki at pansin kong wala na siya do'n. Napasinghal nalang ako at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. ~~** Katatapos ko lang magsimba ngayon at hindi na ako babalik sa coffee shop ni auntie mavit. May shifting kaya pang-umaga lang daw ako at iyong iba naman ay pang-gabi. Mabuti na iyon at nang sa gayon ay magkaroon naman ako ng free time 'diba? Kasalukuyan akong nakasakay ngayon sa jeep at hindi pa ito umaandar dahil hinihintay pang mapuno ang pasaheros. Ganyan naman talaga ang proseso. Bago makaalis ang jeep ay hinihintay munang mapuno sa loob at kahit masikip na ay sasabihin parin ng kundoktor na usog sa kanan, kaliwa. Minsan nga nakakasuffocate ang ginagawa nila. Bakit ba kasi pinagpipilitan pang makipagsiksikan kung wala ng space o 'di na kasya? Lalagyan din nila ng stool/ upuang kahoy sa gitna ng jeep para may ibang pasaherong makakaupo pa. Kaya minsan 'yong ibang pasaherong bababa na may mga bitbit ay hindi makadaan o nahihirapang dumaan dahil nga ang sikip sikip sa loob pero ganoon talaga, kailangan mong makipagsapalaran sa loob ng jeep kung gusto mong makaabot sa lugar niyo. Hahaha! Mas mabuti narin 'yon kasi otso pesos lang ang pasahe kaysa naman sa papakyawin mo ang trycicle na aabot sa 50-100 pesos ang singil. Pambili ko na 'yong ng cookies sa coffee shop ni auntie mavit. Pang-ipon ko narin sa dream restaurant or mall ko. Hihi! "Usog usog lang po tayo sa kanan. May isa pa!" Sabi ng konduktor at dahil nasa kanan ako ay napaisod din ako. May pumasok naman na isang lalaking nakabangot at dahil nasa tabi ko ang space ay dito siya umupo. "Maya?!" Kumunot bigla ang noo ko nang tawagin niya ang pangalan ko. "Sino ka?" Tanong ko. Tinanggal naman niya ang face mask niya at kitang kita ko ngayon ang ngiti niya kahit gabi na. May ilaw naman sa loob ng jeep. Pamilyar siya sa akin. Tama! Siya iyong lalaking nangungulit saakin kapag nandoon ako sa coffee shop ni auntie mavit, araw-araw yata siyang nagpupunta doon. Suki na nga 'ata! Ang malas ko naman yata? Bakit siya pa ang tumabi sa akin ngayon? "Hindi ako sinuka, niluwal ako ni nanay." Natatawa niyang sabi. Inirapan ko naman siya, ginagawa niya akong katawa tawa. Hindi naman kami close 'no. "Maya, sa tuwing nagkikita tayo palagi kong pinakikilala ang sarili ko pero hangang ngayon hindi mo parin alam kung ano ang pangalan ko?" Kamot-ulo niyang tanong. "Hindi ako interesado." Seryoso kong sagot at hindi ko na siya nilingon. "Ouch! Gano'n nalang ba ako sa'yo? Bakit mo ba ako binabalewala?" Naku! Ang drama niya. Napapatingin nalang tuloy sa amin ang ibang pasahero dahil sa kaingayan at kalokohan niya. "Pwede ba tumahimik kana. Hindi kita kilala." Sagot ko. "Ayoko! Hindi ako titigil hangga't hindi mo binabanggit ang pangalan ko." Naramdaman ko naman ang pag-iling iling niya. "Sino ka ba kasi?" Naiingayan na talaga ako sa kanya. Bwesit! "Ako si buknoy!" Awtomatiko naman akong napatingin sa kanya at hindi ko alam kung matatawa na ba ako o maiinis. "Joke lang! Ako si intoy." Napasinghal ako sa sinabi niya. Pinagtitripan yata ako ng lalaking 'to. Kabwesit! "Haha! Joke lang ulit. Ako talaga si james reid, naarawan lang ng kaunti." Nakakatawa na ba 'yon ha? Bwesit talaga 'to. "Matatawa na ba ako ha?" Pagsusungit ko na ikinatawa lang niya. "Sorry na! Ako talaga si Romeo and you're my juliet." Pagkatingin ko sa kanya ay kinindatan naman niya ako. Gusto ko sanang sapakin siya pero ayokong makagawa ng kasalanan, katatapos ko lang magsimba 'no tapos gagawa ako ng kasalanan? Ayoko! "Pinagtitripan mo ba ako?" Walang ganang tanong ko sa kanya at tumingin nalang ako sa labas ng jeep. "Ito naman hindi na mabiro. Seryoso na talaga 'to ako si Dave. Davidson at ang pangalan naman ng kapatid ko ay si davidaughter. Haha! Joke lang. Davidson ulit. Don't forget that name, iboto mo rin ako sa darating na eleksyon, joke. Haha!" Ang dami pa niyang sinabing kung ano-anong kalokohan at kacornyhan pero hindi ko na iyon pinansin. Masyado siyang maingay. Mabuti sana kung hindi malakas ang boses pero sadya yata ang ginagawa niya kaya maraming tao ang napapatingin saamin, Ay! sa kanya lang pala dahil siya lang naman 'tong salita ng salita. Davidson daw ang pangalan niya, hindi naman ako interesado pero ang kulit talaga at ang ingay ng lalaking 'to. Hays! "Para.." Sabi ko kaya huminto naman ang jeep na sinasakyan ko. Hindi ko na yata kayang magstay pa dito dahil ang ingay ng katabi ko, dinaig pa niya ang isang bungangerang babae sa kaingayan at kakulitan niya. Pagkatapos kong ibigay ang sensilyo kong pasahe ay naglakad na ako patungo sa bahay namin. "Hi maya!" Napahawak naman ako sa puso ko dahil sa gulat at hinarap ang lalaking 'to. "Hanggang dito ba naman susundan mo ako?" Pigil inis kong tanong sa kanya. Tumawa naman siya. "Crush kita pero hindi porket nandito ako ngayon e, sinusundan na kita. Hindi mo ba alam na magkabaranggay lang tayo. Kaya halika na!" Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil hinatak niya ako at nang makarating kami sa tapat ng baranggay hall ay huminto ako kaya napahinto rin siya sa paghatak sa akin. "Pwede bang pakitanggal na ng kamay mo? Close tayo ha? Close?" Sabi ko sa kanya na ikinatawa nalang niya at kasabay no'n ang pagtanggal niya ng kamay niya sa wrist ko. "P'wede naman tayong maging close 'diba? Kung ayaw mo open nalang." Pagkasabi niya no'n ay bigla siyang tumawa. Gusto ko na sanang tsinelasin siya kaso hindi pala ako nakatsinelas ngayon. "Hoy! Anong ginagawa niyo dito? Gabi na ah. Magsiuwi na kayo!" Napatingin naman kami sa lalaking kalalabas lang ng baranggay hall. "Kapitan, alas syete palang ng gabi. Wala namang curfew sa baranggay natin kayo talaga ang lakas niyong magpatawa." Sagot sa kanya ni davidson. "Naku! Ison, mabuti pa't iuwi mo na 'yang girlfriend mo kung saan man nakatira." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni kapitan. Girlfriend? Nagpapatawa ba siya. "Kapitan, hindi po kami magboyfriend/girlfriend okay? At hindi niyo na ba ako kilala? Ako 'to si mayang, anak ng dating baranggay kagawad dito na si michael." Sagot ko sa kanya. "Hayaan mo na ang sinabi ni kapitan maya, bagay naman pala tayo 'diba?" Inakbayan niya ako't kinindatan kaya madiinan ko naman siyang kinurot kaya mabilis siyang napabitiw at hinimas himas ang braso niya. "Ikaw si mayang? Naku't pasensya na mayang hindi kita nakilala kaagad. Ilang araw kalang yatang hindi nagpakita pero mas lalo ka yatang gumanda." Napatawa naman ako sa sinabi ni kapitan. "Naks kapitan, girlfriend ko 'yan." Kukurutin ko na sana siya nang bigla siyang umiwas. "Kapitan, h'wag po kayong maniwala d'yan. Hindi ko nga kilala ang lalaking 'yan. Hindi rin po kami magkaibigan." Sagot ko. "Maya naman, ako si davidson na kapatid ni daviddaughter. We can be friends naman 'diba?" Sabi niya. "Tse! Manahimik ka." Sabi ko at binaling ang tingin kay kapitan. "Mauna na po ako." Sabi ko kaya tinanguan nalang niya ako't sinabing mag-ingat. "Ihahatid na kita maya." He insisted. "Pwede ba, huwag ka ng sumunod at hindi ko kailangan ng maghahatid saakin. May sarili akong mga paa at kayo kong tahakin ang bahay namin ng mag-isa." Sagot ko. "Osige na nga. Mag-ingat ka ha? Kapag sinalubong ka ng mga tambay tawagan mo lang ang number ko sa 099876------blah blah blah." Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi niya dahil medyo malayo na ako sa kanya at may nagvivideoke pa do'n sa isang bahay. May birthday party yata. ~~** Pagkapasok ko sa bahay at nadatnan ko si papa sa balcony na nagsisigarilyo. Kaya agad akong lumapit sa kanya at inagaw sa kanya an sigarilyong hawak hawak niya. Hinulog ko ito sa sahig at inapak-apakan para mawala ang pagbabaga. "Pa, ano ba? Isang linggo palang kayong nadischarge sa hospital, kagagaling niyo palang sa sakit niyo at babalik na naman kayo sa bisyo niyo?" Sabi ko sa kanya. "Anak naman, ngayon lang 'to. Hayaan mo na si papa, nababagot na kasi ako dito sa bahay." Sagot niya. "Pa, wala namang sinabi ang doktor na hindi kayo pwedeng lumabas kaya imbes na manigarilyo kayo bakit hindi nalang kayo magpunta sa mga kaibigan mo't makipaglaro ng mahjong?" Suhestiyon ko sa kanya kaya't inilapag niya sa lamesa ang lighter na hawak hawak niya. "Ayaw ng mama mo. Sige! Magpapahinga na muna ako." Tumayo na siya't nagpunta sa loob ng bahay. Sakto namang kararating lang ni mama na may hawak na supot, pagkalapit niya sa akin ay nagmano na ako sa kanya. Sinundan ko siya sa kusina at nakita kong inilapag niya sa lababo ang supot na hawak hawak niya. "Ma, hinahayaan niyo bang manigarilyo ulit si papa?" Tanong ko. "Ha? Naninigarilyo na naman ang papa mo?" Tumango naman ako. "Pagkauwi ko po kanina, nakita ko siyang may hawak hawak na isang stick ng sigarilyo." Napasapo naman si mama sa noo niya. "Ano ba naman 'yang papa mo. Mabuti talaga kung nababantayan siya at nang hindi makapagsigarilyo." Sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa't nagtungo nalang sa k'warto para magbihis. ~~~** 8:50AM Masyado pang maaga pero marami na ang customer dito sa MCaféLand, karamihan ay mga estudyante. 'Yong iba tinitake-out nalang nila, may iba din namang dine-in. Tatlo kaming nakaassign ngayon dito, si ate jean, carissa at ako. Hindi ako nahirapan sa pakikisama sa kanila dahil nga sa kilala na nila ako, vice versa. Sino ba naman ang hindi makakakilala saakin e, kakasabi ko nga lang na halos araw-araw akong magpunta o tumambay dito sa MCaféLand. "Maya, tulungan mo kaya ako dito." Itinigil ko naman pagpupunas sa mga baso at nagpunta ako sa tabi ni carissa kung saan nando'n ang espresso machine. "Ah! Carissa, pakiserve nga ng isang capuccino at cookies." Natigil naman ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang sinabi ni ate jean. Mabilis naman akong tumingin sa mga costumers na nakaupo. At hindi nga ako nagkakamali, nandoon na naman siya. "Ah! Ate jean, ako na po." Sabi ko at nakipagpalitan ako ng puwesto kay carissa, nakita ko pa ang pagtataka niya pero hindi ko nalang iyon pinansin at mabilis na gumawa ng capuccino at kumuha ng cookies. Matapos nito ay dahan dahan akong lumapit dito sa omang na costumer. Ahihi! "Here's your order sir." Masaya kong sabi. Tumingin naman siya saakin sabay ngiti. "Thank you, maya." Natameme naman ako sa narinig ko. Totoo ba 'to? Waaahhh! Tinawag niya ako sa pangalan ko? Parang hindi na ako makahinga sa kalagayan ko ngayon, ang saya saya ko yata. "B-bakit alam mo ang pangalan ko?" Nakayuko ako pero malikot ang mga mata ko at parang sasabog na yata ako sa tuwa. Ang init ng mukha ko! I heard him chuckled. "Nakita ko lang sa plate name mo." Napatingin naman ako sa bandang puso ko at nakasulat dito sa plate name ang pangalan ko. "S-sorry hihi!" Napahiya pa tuloy ako nito. Haha! "It's okay!" Sabi niya at ininom ang capuccino niya. Hindi na niya ako pinansin at ilang minuto narin akong nakatayo sa gilid niya. Gusto ko talagang malaman ang pangalan niya, abala na naman siya sa pagcecellphone niya at ngayon kita ko na kung anong ginagawa niya. Nagpifacebook siya! Kaso hindi ko makita ang profile name niya dahil nakahome 'yong f*******: niya. Nakakadismaya, dahil dalawang beses ko na siyang nakikita dito sa coffee shop ni auntie mavit kaso wala parin akong idea kung ano nga ba ang pangalan niya. "Hoy! Maya, ano bang ginagawa mo d'yan? Tulungan mo kaya kami dito?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni carissa, halos sumigaw pa siya no'n pero binalewala ko lang dahil abala ako sa kakatingin sa cellphone niya. "Excuse me sir." Napatingin naman ako kay carissa na ngayo'y nasa harapan na pala ni good-looking guy. "Yes?" He said. "Maaari ko po bang malaman ang pangalan niyo dahil mukhang interesado 'tong kaibigan kong nasa gilid niyo at kanina pa kayo tinitignan?" Sinabi niya iyon ng hindi man lang iniiwas ang tingin sa kanya kaya pinandilatan ko siya ng mata at nakita niya naman iyon. Tumingin naman si good-looking guy saakin at nginitian ako. "I'm Rowan Fundevilla." Pagpapakilala niya at hindi manlang niya iniwas ang tingin saakin at dahil sa nahihiya ako kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin. "Thank you sir." Sabi ni carissa at nilapitan ako. "Oh! Ngayon, alam mo na ang pangalan niya, i-search mo nalang siya mamaya sa f*******:. Sa ngayon ay tulungan mo na muna kami sa pagtrabaho." Sabi niya at bago ako tumugon sa sinabi niya ay hinatak na niya ako palayo kay...rowan. ~~~~*** Search Type: Rowan Fundevilla Post | People | Photos |Videos People ____________________________________ Rowan Amadosa ____________________________________ Rowan Gwaps ____________________________________ Rowan Jon F. ____________________________________ Rowan Rowan ____________________________________ Rowan Zembale ____________________________________ Ang sakit sa mata, maraming rowan ang pangalan sa f*******: at wala naman akong nasearch na Rowan Fundevilla. Paano 'to?! "Hoy! Maya, anong balita?" Naramdaman ko ang presensya ni carissa dahil sa pagtapik niya sa akin at nakisilip narin sa cellphone ko. "Ba't walang rowan fundevilla d'yan?" Tanong niya at hinila ang isang upuan at itinabi ito sa akin saka siya umupo. Pasado ala singko na ng hapon at walang masyadong costumer, tapos na ang trabaho ko at ni carissa, iyong ibang trabaho naman ngayon ang nakaassign, hindi na muna ako umuwi dahil gusto ko na munang tumambay dito at makiconnect ng wifi. "Hindi ko nga rin alam eh, hindi kaya niloloko lang tayo no'n?" Napansin ko naman ang pag-iling niya. "Mukha namang hindi nagsisinungaling 'yong tao. Try mo tingnan isa - isa." Sabi pa niya. "Seriously? Kitang kita na nga sa profile na hindi sila 'yong Rowan Fundevilla na hinahanap ko." Sagot ko sa kanya. "Ano ka ba naman maya, tingnan mo nga, anime ang display photo ng isang rowan na 'yan, paano mo masasabing hindi siya 'yan kung hindi mo pa naman tinitignan ang photos niya? Tignan mo na kaya dali!" Napabuntong-hininga nalang ako't sinunod ang sinabi niya. In-open ko ang profile ng isang Rowan Amadosa at tinungo kaagad ang albums at photos nito. Nadismaya naman kaming dalawa nang makitang puro anime pictures lang ang nasa photos nito. "Try mo itong Rowan Gwaps, feeling ko parang siya 'yan ang ganda kasi ng likod niya. Try mong i-open." Sinunod ko ulit ang sinabi niya. Hindi kami nakakasigurado na si rowan fundevilla 'to dahil nakatalikod ito sa dp niya. Nagpunta ako sa photos at nadismaya naman ako sa nakita ko, at si carissa naman ay natatawa lang. "Ayoko na nga!" Inip na sabi ko sa kanya bago ko mailog out ang f*******: account ko ay pinigilan niya ako. "Dalawang account pa nga lang ang naistalk mo, suko kana agad? Ah! Ito, try mo 'tong nakaface mask na paside view pose 'tong Rowan Jon F, feeling ko siya na talaga 'yan. Sige na! Isa nalang." Pangungulit niya. "Fine!" Sabi ko't in-open kaagad ang profile ng isang Rowan Jon F. Data Mode ❔ ____________________________________ <----- Rowan Jon F. ____________________________________ [Display Photo] Rowan Jon F. 15 mutual friends including Kasey K. and Daisy Sarmiento __________________________________ Add friend+ | Follow |Message ___________________________________ Rowan Jon Marquiza Fundevilla Lives in Tacloban City Followed by 1,500 people ____________________________________ Nagkatinginan naman kami ni carissa nang mabasa namin ang bio niya. Halos lumundag lundag pa kami sa saya, hindi pa nga namin natitignan ang photos niya ay alam na naming siya 'to dahil sa nakalagay ang fullname niya sa bio niya. "Ano pang hinihintay mo, add mo na." Kinakabahan man at medyo nanginginig ang kamay ko pero nagawa ko paring pindutin ang add friend button. Friend Request Sent. Inilapag ko ang cellphone ko't tumayo na muna para ishake shake ang sarili ko. Bigla namang magvibrate ang cellphone ko kaya bumalik kami sa pagkakaupo ni carissa at sabay naming tiningnan ang f*******: ko at bigla nalang may nagfriend request saakin. Tinignan ko naman ito at lumabas ang pangalan na : Davidson Campo Napasinghal ako dahil sa profile picture palang, kilala ko na kung sino 'to. Siya lang naman 'yong lalaking abnormal na maingay at makulit. Idedelete request ko na sana nang biglang pindutin ni carissa ang confrim kaya ayon nga, friend na tuloy kami. "Bakit mo niconfirm?" Tanong ko sa kanya. "Kesa naman sa idelete request mo, kilala naman natin pareho 'yon." Natatawa niyang sagot. "Stalk mo nga siya." Sabi niya. "Ayoko nga! Hindi ako interesado sa kanya." Sagot ko. "Sige na! Arte nito ako na nga." Inagaw naman niya saakin ang cellphone ko at hindi ko alam kung ano ang pinindot niya basta pagkakuha ko sa cellphone ko ay nasa account na pala ako ni davidson. <---- Davidson Campo : ____________________________________ [Display Photo] Davidson Campo (Dave) Active 5m ago ____________________________________ F r i e n d s | M e s s a ge ___________________________________ Hindi kagwapuhan pero may respeto at maginoo ;) Works at Crusty Crub Studied in Manila, Philippines ___________________________________ Nakng! Ilan kaya ang sahod sa crusty crab at nang makapag-apply naman ako. Php 150 lang kasi ang araw ko dito sa coffee shop ni auntie mavit at kapag um-absent pa ako ng isang araw, syempre bawas sweldo sa isang buwan, ang bagal tumaas ng ipon ko, dalawang araw palang ako dito. Kailangan ko ng mas mataas na sahod pero mahihirapan akong maghanap kaya pagtyatiyagaan ko na muna 'tong 150 pesos kada araw. Pagkatingin ko sa account ni dave ay agad ko naman itong niback at nilog-out nalang ang account ko. "Naks, ang ganda ng bio ni dave ah. Hindi kagwapuhan pero may respeto at maginoo. Nice ha!" Sabi niya. Hindi ko naman siya pinansin at tumayo na. "Bakit ba ayaw mo sa kanya maya? Gwapo naman siya ah? Ang ganda rin ng personality niya hihi." Sabi pa niya. "Hindi nga ako interesado sa kung ano man siya." Tugon ko. "Sabagay! Interesado kalang naman kasi sa ideal guy mong si Rowan Fundevilla." Turan niya. "Che! Manahimik ka nga!" Sabi ko at tuluyan na akong tumalikod at sa minamalas nga naman ako ay nasa harapan ko ngayon si davidson. "Good noon maya." Masigla niyang bati saakin. "What's good in noon?" Tanong ko. "You. Ang ganda mo kasi sa paningin ko, makita lang talaga kita masaya at buo na ang araw ko." Susme! Kinindatan na naman niya ako. "Naks ang banatan natin ah." Eksena ni carissa. "Gano'n talaga kapag inlab." Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Tumahimik ka!" Sabi ko at sabay irap at tuluyan ng nilisan ang MCaféLand. Ayoko ng magstay do'n ngayon dahil nandoon na naman 'yong lalaking 'yon. Nakakaimbyerna ang kakulitan at kaingayan niya. Naglakad lakad naman ako para makapaghanap ng masasakyan at sa 'di inaasahan nga naman ay may narinig na naman akong boses na tumawag sa pangalan ko. "Maya, teka lang!" Huminto ako at nasa harapan ko na pala siya ngayon. "Ano na naman bang kailangan mo ha?" Naiirita kong tanong sa kanya. "Sungit nito! May itatanong lang naman ako." Nakangiti parin siya habang sinasambit ang mga salitang iyon. "Wala akong isasagot d'yan." Walang gana kong sabi sa kanya na ikinakamot ulo niya naman. "Hindi pa nga ako nakakapagtanong, iyan kaagad ang sinabi mo?" Napasinghal naman ako sa sinabi niya. "Fine! Nagmamadali ako kaya diretsuhin mo na ako." Sabi ko. Napakamot siya sa batok niya at parang nahihiya siya dahil hindi siya makatingin ng diresto sa'akin ngayon. "You're wasting my time." Lalakad na sana ako nang bigla niya akong pigilan. "Nakita mo ba ang friend request ko sa'yo? Accept mo 'ko ah! Bye labyu!" Sabi niya at mabilis na tumakbo palayo. Sinayang niya ang ilang minuto ko. Bwesit siya, iyon lang pala ang itatanong niya. Kung hindi ko nalang siya pinansin baka nga nakasakay na ako ngayon. Kainis! Napasinghal nalang ulit ako at mabuti nalang dahil may isang tricycle ang huminto sa tapat ko at tinanong kung sasakay ba ako kaya tumango nalang ako't sumakay na. ______________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD