Final Chapter

3657 Words
Mabilis lang ang araw, nung unang linggo nang buwan ng Hulyo inanunsyo sa kanila ni Nyxx na magkakaroon na ng shop ang Ukitan. Nagulat pa sila ng mapag-alamang nasimulan na iyon noong isang buwan pa at dahil kumuha ng maraming tauhan ang lalake, naging madali ang paggawa at natapos agad iyon. At heto nga at naglilipat na sila ng ilang mga gamit. Yung ilang mga furnitures lang ang ililipat nila doon sa shop, hindi naman talaga nila iiwan ang Ukitan. Doon parin sila gagawa ng trabaho. Maglalagay lang sila ng ilang tauhan para sa shop. “Umaasenso na tayo!” humalakhak ang mga ito. “Magpahinga muna kayo.” itinuro niya ang meryenda di kalayuan. Hinatid yun sa kanila ni Tarah kanina na siyang agad ding nagpaalam. Sa babae kasi ibinigay ni Nyxx ang trabaho para magcommunicate sa mga gustong mag-apply na empleyado para sa bubuksang shop. Pero kahit abala, hindi parin nito nakalimutan silang dalhan ng pagkain. Lumalaki na ang pamilya nila. Nilingon siya ng tatlo at inilingan. “Kaya pa naman namin Mam Azul. Kayo po ang dapat magpahinga kanina pa kayo abala diyan.” She pursed her lips para pigilan ang ngiti. Alagang alaga talaga siya ng mga ito. “Mamaya na. Tatapusin ko lang to.” Hindi niya iyon maiwan iwan kasi ang mga nache-check niya ay siyang iaaakyat ng mga ito sa truck. Maaantala iyon pag naging mabagal siya. Medyo nanakit na nga ang likod niya. “Hayaan mo na si Raol diyan Mam. Tutulong na lang kami diyan.” tinungo ng mga ito ang pwesto niya at ito na nga mismo ang nagcheck. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin ang mga ito. Lumapit siya sa pagkain at kumuha ng tubig. She feel thirsty. Puro tubig lang ata laman ng tiyan niya mula kanina pa kaya dumampot na rin siya ng pagkain na nandoon. Tumango tango siya ng masarapan sa pancit. Medyo mainit pa iyon dahil bagong luto ng dalhin ni Tarah kanina. May bread siyang nakita doon ginawa niyang palaman ang pancit. Paubos na ang nasa pinggan niya ng marinig niya ang tawanan nila Domeng na siyang papasok. Kasama nito ang asawang si Tarah. Kita niya ang pagsulyap ng lalaki sa pambisig na relo at kunot noong tiningnan siya. “Late na ah? Ngayon lang kayo nagmeryenda?” “Tinatapos lang namin.” Tinawag nito sina Raol at Gio at itinuro ang pagkain. “Hindi pinag-aantay ang pagkain! Kayo talaga!” Humagikgik sila ni Tarah. Nagbreak sila ng ilang minuto. Nagsilapitan na rin ang iba nilang kasamahan. Nagpapatawa si Raol kaya napuno ng tawanan ang loob ng warehouse. Pinagpawisan siya sa kakatawa sa biro nito. Napahawak siya sa tiyan ng maghilab iyon. “May problema ba?” Nilingon niya si Tarah na nakapansin ng ginawa niya. “Nabigla ata ang tiyan ko. Ang dami din kasi ng kinain ko.” “Okay ka lang ba? Ikukuha kita ng gamot sa opisina niyo.” Tumango siya at tumayo na rin. “Comfort room lang ako.” Pinaypay niya ang kamay. Bigla atang sumama ang pakiramdam niya. Sa pagtayo niya ay medyo nakaramdam siya ng pagkahilo pero ipinilig niya ang ulo. Ngunit mas lalo pa ata siyang nahilo dahil sa ginawa. Napasinghap siya at agad na naghanap ng makakapitan. “Mam Azul?” it was Gio. Nakikilala niya pa ang boses ng lalake. “G-Gio... Nahihilo ako.” Sandaling tumahimik ang paligid. Ilang sandali pa may narinig siyang singhapan at mga mabibilis na galaw mula sa di kalayuan. Napahawak siya sa ulo at mariing pumikit. Nawalan siya ng lakas. Umikot ang paningin niya. Seconds later, darkness enveloped her. “Mam!” Nagising siya ng may marinig na mumunting ingay sa paligid. She slowly opened her eyes, nagsalubong ang tingin niya ng makitang puro puti ang paligid niya. Nasa hospital siya? Gumalaw siya pero natigilan ng may maramdamang pagpisil sa palad niya. Nang tingnan niya kung sino ang nagmamay-ari ng palad na iyon ay napakurap siya. “Nyxx?” Anong nangyari dito? Bakit nakasuot din ito ng ng pang ospital na damit? Namumutla din ang mukha nito na tila may iniinda at may sugat sa labi. “A-anong nangyari sayo?” sinubukan niyang umupo at hinaplos ang mukha nito. He looked sick. “Azul, anak!” Napalingon siya sa mama niya. Ngayon lang niya napansin na nandito ang tatlo. At nandito rin ang matandang Monteagudo at ang Mama ni Nyxx na ngayon ay parehong nakangiti sa kaniya. Ano bang nangyari? “Mama?” Umupo ito sa tabi niya at niyakap siya. “Pinag-alala mo kami. Alam mo ba yun?” Naguguluhan siya. Bakit siya nandito sa hospital? Ang alam niya, nasa Ukitan siya kanina at abala sa paglilipat ng mga furnitures para ilagay sa kagagawa lang na shop sa bayan. “Ano pong nangyari?” “Isinugod ka sa hospital kanina nila Domeng at Tarah. Ang sabi nila, bigla daw sumama ang pakiramdam mo at namutla habang nasa warehouse ka. Tapos bigla kang nawalan ng malay.” Naaalala na niya. Kaninang umaga pa masama ang pakiramdam niya pero tiniis niya lang dahil marami silang trabaho sa araw na iyon. Hindi siya pwedeng lumiban. Okay na naman ang pakiramdam niya ngayon. Tumango siya at muling ibinalik ang atensyon kay Nyxx. “Napano ka?” Pero hindi ito sumagot. He's just sitting there and keep on staring at her. Na tila ba mawawala siya pag iwinaglit nito ang tingin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya ng may maalala. Tarantang kinalas niya nag kamay sa pagkakahawak nito. Kita niya ang pag-awang ng labi nito dahil sa ginawa niya. Nandito nga pala ang Mama at Lolo nito! Bakit basta na lang nito hinahawakan ang kamay niya? “Azul?” bigkas nito sa pangalan niya. Itinuon niya ang tingin sa dalawa. “Nandito po pala kayo, Tita at Don Niccolo.” yumuko siya bilang pagbati. Tumikhim ang matanda. “Dinalaw ka na namin, Iha. Ayaw din kasing umalis ng apo ko sa tabi mo.” namula siya. “Siguro kelangan na muna natin silang iwan. Hayaan na muna natin silang makapag-usap.” suhestiyon ng matanda. “Si, papa.” tugon naman ng mama ni Nyxx. Naguluhan siya. Mag-usap? Binalingan nito ang apo at tinapik sa balikat. “Tell her.” Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. “Lalabas lang kami.” paalam ng mama niya bago inakay ang Papa niya palabas. Naiwan silang dalawa ng lalaki sa loob. Ngayon lang niya napansing naka wheelchair pala ito. “Anong nangyari sayo?” nag-aalala niyang tanong. “Na-aksidente ka ba? Bakit hindi ka nagpapahinga?” “You're planning to l-leave.” “Ha?” “Aalis ka.” Her lips parted. May nabanggit ba ang mga magulang niya dito habang tulog siya? “Ano...” yumuko siya at pinaglaruan ang daliri. Sa gilid ng mata nito ay nakita niya ang pag-iling nito. “Hindi ako papayag. Not now, Azul. Especially when you're carrying our child.” Naiwang naka awang ang bibig niya sa gulat. “A-Ano?” He looked at her with so much emotion in his eyes. Hinuli nito ang mga kamay niya. “You're pregnant. At alam kong ako ang ama, Azul.” Kumabog ang dibdib niya sa narinig. Buntis siya? Wala sa sariling napahawak siya sa tiyan. May bata sa sinapupunan niya. Jusko. “Buntis ako?” nag-init ang sulok ng mga mata niya. She look at Nyxx, namumula din ang mga mata nito pero may ngiti sa maputlang labi habang tumatango. She's carrying his child! Hindi niya alam. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba. Kaya siguro ilang araw na masama ang pakiramdam niya. Dahil buntis siya. Nafreeze ang ngiti niya ng may maalala. Si Cindy at ang pagbubuntis din nito. “Si Cindy...” para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Buntis siya at buntis din ang babae. Pareho nilang pinagdadala ang anak ni Nyxx. Ang kaninang tuwang naramdaman ay napalitan ng takot. “Azul?” Kaya ba ayaw siyang paalisin ng lalaki ay dahil gusto nitong alisin ang bata? Hindi. Hindi siya papayag. She shook her head at umatras. “Hindi ko ipalalaglag ang bata, Nyxx! Hindi ako papayag!” she's started to panic. “What the f**k, Azul?! Wala akong sinabing ganiyan!” galit nitong sabi. Napansin niya ang pagngiwi nito at paghawak sa tiyan. “Pareho naming dinadala ang anak mo at ikakasal na kayo. Kaya ka ba nandito para -” “No! Kung ano man ang iniisip mo, hindi ko gagawin yun, Azul! That's my child we are talking about!” “Pero ang anak niyo Cindy? Anong gagawin mo, Nyxx?” Rumehistro ang gulat sa mukha nito. Kapagkuwa'y kumuyom ang palad. Biglang naging malungkot nag mga mata nito. “The b-baby's gone.” tila hirap na sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya at hindi nakagalaw. “A-Anong ibig mong sabihin?” paanong wala? Napahilamos ito ng mukha. Ano bang nangyari? “Wala na siya! He/she died.” Agad na tumakip ang mga kamay niya sa bibig. Oh my God! “A-Anong nangyari? Paanong nawala ang babay niyo?” “Habang papauwi kami kanina, may humarang sa aming mga armadong lalake. Theyʼre Titus Montalban men. The real father of Cindy's child.” natutop niya ang bibig sa mga narinig. “Pero diba...diba ikaw-” He shook his head. “Hindi, Azul. We never had sex.” he hold her hand. “Kung ganun...” Tumango ito. He kiss the back of his hand. “Dumating si Titus at pilit niyang kinukuha si Cinyanna. Nanlaban ako so I got hurt and was shot.” pumikit ito. “I don't know what happened. I— I f****d up. Nakita ko na lang na may umagos na dugo sa legs ni Cindy. She's asking for my h-help, pero wala akong nagawa. She... she lost the c-child, Azul.” Nanginig ang labi nito at tuloy tuloy na umagos ang luha sa mga mata. Parang may karayom na tumusok sa puso niya. “It's my fault. Hindi ako naging maingat. I failed. I failed in providing them security.” Kumirot ang dibdib niya sa nakikita. He's blaming himself. Lumapit siya dito at niyakap ito. Yumugyog ang balikat nito. “I promised. Nangako ako sa kaniya...” “Shhh.” pag-aalo niya sa lalaki kahit na siya ay umiiyak na rin. Hindi man lang nito nasilayan ang mundo. Hindi niya maisip ang sitwasyon at nararamdaman ni Cindy ngayon. “I'm so sorry.” Naalala niya ang masayang mukha ng babae ng huli silang magkausap. She said she will start new for the baby. Tapos nangyari to. She caressed his hair. Alam ni Nyxx na hindi nito anak ang pinagdadala ni Cindy pero inako parin nito ang responsibilidad. Sinilip niya si Nyxx ng makalipas ang ilang minuto. Nakasubsob ito sa kaniyang dibdib. “Nyxx?” walang sagot. Nakapikit na ito at awang ang may sugat na bibig. Pinahid niya ang basa nitong pisngi dulot ng luha. He passed out. He still need rest but he stayed beside her. Napangiti siya. Hindi rin tumagal ay bumalik ang pamilya niya at ang Mama at lolo ni Nyxx. Naroon na rin ang Papa nito. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Nyxx ng sabihin niyang nakatulog ito. May pumasok na nurse at tinulungan silang dalhin sa sariling kwarto ang huli. “Nakausap na namin siya, Azul. Bago pa man mangyari ang aksidente nila ni Cindy. Inamin niya sa buong pamilya na ikaw ang mahal niya at pakakasalan.” Nagulat siya sa sinabi ng Papa ni Nyxx. “Pero wala siyang binanggit tungkol sa usapan nila ni Cindy at ang relasyon nito kay Titus.” “Kanina niya lang din po sinabi sa akin.” Tumango ito at ngumite sa kaniya. “Don't worry. We put actions already. Nasisiguro din naming gumagawa na ng paraan si Atty Dela Quesa at ang pamilya niya dahil sa ginawa nito.” anito. “Muntik na niyang mapatay ang apo kong si Nyxx. Hindi ako papayag na makatakas siya sa ginawa nito.” Don Niccolo seriously said. “Magpagaling ka Iha. Masaya akong magkaka-apo na rin sa wakas! Sa iyo pa na botong boto ko para kay Nyxx! Aba! Kay tagal ko ring nag-antay.” Lahat ata sila natawa sa naging turan ng matanda. “Salamat po Don Niccolo.” “Pasimple din pala kung gumalaw si Nyxx. Manang mana sa ama niya!” tinapik nito ang balikat ng Papa ni Nyxx na natawa na lang din dahil sa sinabi ng ama nito. Ilang minuto din silang nagstay bago nagpaalam na pupuntahan si Nyxx. “Sige mga balae! Mauna na kami, pagkauwi niyo ay pag-usapan na natin ang kasal ng dalawa.” “Maraming salamat ho Don Niccolo.” nagtaas lang ng kamay ang matanda bago isinara ang pintuan. Mabilis na kinurot siya ng Mama niya ng tuluyang maiwan silang tatlo. “Ma naman!” nakasimangot na hinaplos niya ang kinurot nito. “Ano ha? May pa alis alis ka pang nalalaman yun pala buntis ka na. Anong balak mo itakbo ang bata palayo sa mga Monteagudo?” She glanced at her father. Pinapanood lang sila nito. “E, hindi ko naman po alam na buntis ako. Saka wala na naman po akong balak talaga. Nagtatanong lang ako.” “Nagtatanong ka diyan! Hayan at sinabi ko kay Nyxx. Tingnan natin kung makaalis ka pa! Lalo na at hindi naman talaga siya ang ama nung dinadala ni Cindy.” Muli niyang naalala si Cindy. “Ditong ospital lang din po ba naconfine si Cindy?” “Oo. Pero hindi nagsasalita nung nalamang wala na ang anak niya.” Nakaramdam siya ng lungkot para sa babae. Kahit naman kasi nagkaaway sila nakapag-usap naman sila ng maayos. “Pakitanong po kung saan ang kwarto niya. Bibisita ako.” Mariin siyang tiningnan ng mama niya bago pabuntung-hininga na tumango. “Sige. Pero sa ngayon magpahinga ka muna. Unahin mo muna ang kalusugan mo. Dalawa na rin kayo.” “Galit po ba kayo Pa?” Umiling ito at ibinaba ang magazine na binabasa. “Hindi. Inaasahan na namin to. Matanda na kami. Gusto ko na rin magka apo.” Napanguso siya. “Marupok ka kasi!” mahina siyang pinalo ng Mama niya. “Saan pa ba yan magmamana, Amelia!” sagot ng ama niya. She laughed. Pinagpahinga na siya ng dalawa na siya namang ginawa niya. Nang muli siyang magising ay papalubog na ang araw nun. Bumisita sa kaniya ang mga katrabaho niya. Napuno ng tuksuhan ang loob ng kwarto kung saan siya naconfine. Si Pula na lang ang nagbabantay sa kaniya dahil umuwi saglit ang mga magulang niya. “Buong akala talaga namin Azul, dahil sa pancit kaya sumakit ang tiyan mo.” Humagikgik siya. “Hindi a. Ang sarap kaya nun!” Alam niyang nabalitaan na ng mga ito ang nangyari kay Nyxx at Cindy at ang katotohanan. Tinukso tukso na kasi siya ng mga ito dahil hindi man lang daw nila sinabi sa mga ito na matagal na din pala silang may relasyon ni Nyxx. “Hindi ko nga alam kung kami pa nun. Dahil na rin pumutok yung balita tungkol kay Cindy.” “Pero ang galing niyo ring magtago a! Hindi namin napansin na may something na pala!” Felix. She blushed. Napanguso siya para pigilan ang ngiti sa labi. “Kung alam niyo lang gaano kahirap. Chismoso pa naman si Domeng.” Kita niya ang pagkamot ng lalake sa buhok. “Kaya pala nagla-lock na kayo ng opisina.” Humalakhak ang mga ito sa sinabi ng lalake. Kita niya ang pagkurot ni Tarah dito. “Congrats ulit! Dadalaw muna kami kay Seniorito. Uulanin namin ng tukso.” Raol. Hindi na rin nagtagal pa ang mga ito at nagpaalam. Nakangiting tinanaw niya ang mga ito hanggang maisara ang pintuan. * * * “Tingin mo ba karma to Azul?” Napasinghap siya at agad na umiling sa sinabi ni Cindy. Dinalaw niya ang babae sa kwarto nito. There are bodyguards outside her room. Naabutan niya pa ang mga magulang nito na nandoon at hindi sana siya papapasukin pero nung makita siya ni Cindy at tinawag ay wala na ang mga itong nagawa. “Hindi Cindy. Wag ka magsalita ng ganyan.” Bakas sa mukha ng babae ang pagluluksa. Ang walang tigil nitong pag-iyak at sakit na nararamdaman habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto nito. “S-Siguro ang laki laki ng kasalanan ko at heto na nga ang kabayaran. Kung kelan handa na akong magbago... k-kinuha pa ang dahilan ng lahat ng yun.” Lumandas ang luha sa pisngi nito. She bit her lips to stop herself from crying too. Ang sakit makita ang babae na nasa ganoong sitwasyon. Ang layo ng mataray na Cindy sa mukha nito ngayon. Ginagap niya ang palad nito. “Gusto ko lang namang ilayo siya sa masama niyang ama. Nagpakaselfish ako at nakiusap kay Nyxx kahit na alam kong masisira ko kayo.” “Pero sa huli... sa huli lahat ng ginawa ko parang bumalik sa akin. Mali ba ang ginawa ko? Gusto ko lang naman noon maging masaya. Hiniling ko lang na maging masaya...” pumiyok ang boses nito. “Ayokong madisappoint ang mga magulang ko kasi alam ko na nagkamali ako. Mali yung taong minahal ko. I'm sorry.” Nakarinig siya ng pag-iyak sa likuran nila. Alam niyang nakikinig ang mga magulang nito. Hindi kasi ang mga ito umalis. Niyakap niya ang babae. “Tama na. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ayaw ng baby mo na makita kang malungkot at umiiyak. Hindi naman siya nawala, kasama mo parin siya. Guardian angel mo na siya ngayon. Naging mabuti kang ina kahit sa maliit na panahon na nagkasama kayo.” Namumugto at hilam ng luha ang mga mata na tiningnan siya nito. Ngumiti siya. Kinuha niya ang isang palad nito at nilapat sa tiyan niya. “Kelangan mong maging malakas. Sasamahan mo pa kaming palakihin ng maayos ang angel na nandito rin ngayon.” Her lips parted. Gulat ang mukha ni Cindy saka binaba ang tingin sa tiyan niya. “Y-you're pregnant?” She nodded. “Ngayon ko lang din nalaman. Magiging ninang ka na.” Napasinghap ito. Dumaan ang sari-saring emosyon sa mukha nito. “Kaya ninang, magpalakas ka.” Muling bumuhos ang luha sa mga mata nito na sinabayan rin niya. Para silang mga bata sa loob na nagsisiiyakan. May umalis man, hindi nila ineexpect na may darating rin. “You're too good. I'm really sorry.” “Tapos na ang lahat ng yun, cindy. Wala na iyon sa akin.” “Thank you.” She stayed in Cindy's room for an hour. Pinag-usapan nila ang pagbubuntis nito noon at marami pang iba. Masaya siyang kahit papaano umokay na ang pakiramdam nito. May nakausap ito. Nginitian at nagpasalamat sa kaniya ang mag-asawang Dela Quesa ng magpaalam siya na babalik na ng kwarto. Medyo natagalan din siya. Masayang binati niya ang nurse na nakasalubong niya. Nasa kabilang pasilyo ang silid niya hindi iyon kalayuan. Dumaan siya kay Nyxx kanina pero tulog parin ito. “Miss Lamonel! Nandito lang pala kayo.” Isang nurse ang lumapit sa kaniya na may pag-aalala ang mukha. Naalala niyang isa ito sa naka assign sa kaniya. “May problema ba?” ang alam niya idi-discharge na siya maya-maya. “Bigla po kayong nawala. Kanina pa po kayo hinahanap ni Mr. Monteagudo. N-nagwawala po siya nung hindi ka mahanap sa kwarto kanina.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito at mabilis pero maingat na tinungo ang silid niya. Wala pa naman si Pula dahil may inutos siya kanina. Wala siguro itong nadatnan sa kwarto niya. “Nasaan siya?! Si Azul Mama! Bakit wala siya? Tangina!” “Calm down, son! Hindi naman siya umalis baka nagbanyo lang! Hahanapin natin siya okay? Antayin lang natin. Kumalma ka, bubuka yung tahi mo!” “No! B-baka iniwan niya na ako.” Iyon ang naabutan niyang senaryo sa loob ng silid niya. Magulo. Nakita niya ang Mama ni Nyxx at si Kaius na pinipigilan ang lalake sa pag-alis sa wheel chair nito. May iilang nurse na nadoon at hindi alam ang gagawin. “N-Nyxx?” tawag niya. Kita niya kung paano ito tumigil sa pagwawala at mabilis na nilingon ang kinaroroonan niya. “A-Azul...” lumiwanag ang mukha nito ng makita siya. “Sabi na hindi umalis e. Clingy kasi. Tsk.” rinig niyang sabi ni Kaius. He massage the bridge of his nose. Nagmadali siyang lumapit kay Nyxx ng makitang hirap ito sa paglalakad pero pinilit paring makaabot sa pwesto niya. “f**k! You're here.” niyakap siya nito ng mahigpit at isinubsob ang mukha sa leeg niya. “Wag mo akong iiwan.” Umiling siya at niyakap din ito pabalik. “Hindi. Ano bang pinagsasabi mo diyan. Galing ako kay Cindy.” Suminghot ito. Napaawang ang bibig niya. Is he crying? Sinubukan niyang sumilip pero mas humigpit ang yakap nito sa kaniya at ayaw pakawalan. “Iwan na muna namin kayo.” tila stress na sabi ng mama ni Nyxx sa kanila. Ngunit nakakurba ang labi sa nakikita. “Arte mo. Takot iwan.” tukso ni Kaius kay Nyxx bago sumunod kay Tita. Lumabas na rin ang mga nurse. Doon pa lang kumalas si Nyxx sa yakap. “Wag ka na ulit aalis ng hindi nagpapaalam.” pagsusungit nito. Ngumuso siya. “Nagpaalam ako kanina sa iyo pero tulog ka pa.” “Tsk.” hinuli nito ang isang kamay niya. “Hindi na kita papakawalan pa.” napakunot noo siya ng bumaba ang tingin nito sa kamay niyang hawak nito. She felt a cold thing in his fingers. Napasinghap siya at nanlaki ang mga ng makita makintab na bagay na sinusuot nito sa daliri niya ngayon. It's a ring! Oh my God. He locked his gaze to her. “Ayoko na ng habulan pa, Azul. Hayaan mo kong suklian ang pagmamahal mo. No more unrequited, let's be together. Kasama ng magiging anak natin.” Bumuhos ang luha sa mga mata niya sa kasayahang nararamdaman ngayon. “Marry me, Azul.” She nodded. “Y-Yes! Yes, papakasalan kita Nyxx.” malaki ang ngiting tugon niya. Kinulong ng lalaki ang mukha niya at buong puso siyang hinalikan na siyang tinugon naman niya agad. “Mahal kita.” he whispered. “Mahal na mahal rin kita.” Nakarinig siya ng tilian mula sa pintuan. Hindi iyon nakasara kaya kita niyang nanonood ang lahat pati ang mga nurse. Nandoon na rin ang mga magulang niya, si Pula, si Kaius mga magulang ni Nyxx at ang lolo nito. Lahat nakangiti. Before, I fear my love for him will never be requited but now here we are — ready to spend the rest of our life together. Hindi man naging madali nung una, masaya akong sa huli kami parin ang para sa isa't isa. Monteagudo series #1 _END_ This is the very last page of Unrequited Monteagudo Series #1, thank you for reading and supporting until the end. I always appreciate your comments and feedbacks. Sana nabigyan ko ng hustisya ang story ni Nyxx at Azul. Haha! UP NEXT Monteagudo Series #2: Not Promised (Kaius Monteagudo) Thank you and God bless! -Katelangsalbahe ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD