NYXX
"Cheers to this lucky man!"
Napailing siya nang marinig ang sigaw ng kaibigan sa gitna ng maingay na tugtog sa Midlight.
Pabagsak na naupo si Enrico sa tabi niya at nakangising umakbay. "You should find me a woman. I willingly gave up Azul for you. Mahirap magparaya, man!"
He saw his cousin, Orion shaking his head while looking at Enrico who's drunk beside him.
"Anong pinagsasabi mo." aniya saka hinanap sa dagat ng mga tao na sumasayaw si Azul at Cindyanna.
The two become close friends after what happened. Hindi niya alam kung paano but week after he got discharged from the hospital nalaman niyang laging magkasama at magkausap ang dalawa. Hindi naman siya pinapayagang sumama ni Azul sa mga lakad ng mga ito dahil hindi pa magaling ang mga sugat niya noon.
"Bakit nalasing agad yan?" Huge asked then straightly drank his alcohol.
Nang walang sumagot dito ay siniko nito ang katabing si Kaius na kanina pa nakapako ang tingin sa dance floor. Nang sundan niya ang tingin nito ay nakita niya ang nakamaroon na babaeng sumasayaw doon. Napangisi siya. Target locked.
"Kaius, iakyat mo na yang isa sa private room mo."
"Tsk. Just let him be. He can handle himself." iritadong sagot ng pinsan nila saka tumayo paalis, leaving them in the couch.
"Problema nun? Lately nagiging bugnutin na rin. May problema ba ang distillery?"
Umiling siya. When his eyes found Azul near the counter dancing with Cindy, napabuntung hininga siya. He's worried as f**k. Hanggat maaari ayaw niyang ialis ang tingin dito she's pregnant. God knows how many times he disagree to this celebration. Kung hindi lang sa ideya ni Enrico na ito, hindi sana siya parang gwardya ngayon.
Mas gusto niyang manatili na lang sa mansyon kasama ang babae, hindi niya alam kung anong sinabi ni Enrico kay Azul at napilit siya nitong sumama ngayon. He already said no pero buong araw na hindi siya kinausap ni Azul kaya wala siyang choice kundi ang pumayag, with conditions of course.
"Damn. Wag mo sabihing babae ulit?"
Walang makasagot kay Huge. We used to teased and joked around whenever one of us got involved with girls, not until now.
"You went partying again?"
There's no point of denying when Grandpa saw the hangover soup and a medicine in the table. I should have drank it earlier like what my mother told me.
"I met a high school friend and had a little drink last night, grandpa."
Pinanood niya kung paano ito asikasuhin ng katulong nila. "Little, huh? How's the ukitan?"
He silently groaned. He know where it is going.
Ngumiti siya. "It's doing good, grandpa." he said confidently.
"Good, thanks to Azul?"
Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng babae. Whenever this topic brought up laging sabit ang pangalan ni Azul. He knows his grandfather likes her so much.
"Grow up, apo. Matagal ka nang tapos sa pagiging estudyante, you should be responsible now. Hindi sa lahat ng oras nandyan si Azul to back you up. I'll be glad if you got your hangover from drinking with your clients."
Grandpa was right. Things got out of his hands when Azul left. Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi nga siya nahirapan. She's been working to her family ever since kaya alam niyang hindi ito basta bastang aalis sa Ukitan.
"What are you planning to do Azul?" iritableng tanong niya sa babae nang maabutan itong kausap si Hermes Montalban.
"Wala ka na dun, Nyxx."
Hindi siya makapaniwala. Did she really plan to leave?
"Dalhin mo yan kay Azul." binigay niya kay Domeng ang envelope na naglalaman ng ilang dokumento na pangblackmail niya sa babae.
"Para saan po ito seniorito?" kunot noong sinilip iyon ng lalake.
"Ticket para sa pagbabalik niya."
Weird na tiningnan siya ng lalake. He just grinned. Just like what he expected, she came back. Watching her shiver even though covered with sheet made him smile. Ang lakas ng loob nitong maglagay ng unan sa pagitan nila na akala mo naman gagapangin niya ito.
Napailing siya. Tinapon niya dito ang kumot na para sa kaniya sana, pinatong niya ang palad sa likod ng ulo at tumitig sa kisame. It's been a week. Nasasanay na rin siyang gampanan ang pagiging boss ng Ukitan. His work was keeping him entertained and it was nice. He can now work without supervision of his family.
“Yung stock natin...”
He tilted his head facing Azul when he heard her sleeptalk. Pati sa panaginip ba naman nagtatrabaho ito?
It's still raining. Nakakaramdam na rin siya ng lamig at antok. He heaved a sighed, that old man Quanco should have lend thick sheets. Tsk. Mukha tuloy kawawa ang isang to.
Umalis siya sa pwesto at humiga sa tabi ng babae. Inayos niya ang kumot sa pareho nilang katawan at pumikit. Ginagawa niya lang iyon dahil naaawa siya. Tama, ganun nga.
“Nyxx...”
It was just a joke. But when their faces were inches apart muntikan na niyang hindi makontrol ang sarili. Her lips is tempting. Alam niyang wala itong experience he would be so f*****g lucky if he'll get her first kiss. But he can't do it so he laugh and tease her instead. She was embarrassed, he knows. Lalo na at hindi siya nito kinausap matapos niyang gawin ang kalokohan.
It was fun teasing her not until she dated this Klei guy. Hindi niya alam bakit bigla itong naging intresado sa pakikipag-date. Dahil ba tinutukso niya ito sa pagiging single at walang experience kaya naghanap ito ng lalaking makakadate?
Biglang hindi niya naintindihan ang sarili. “Hindi ko kilala yung Klei na sinasabi mo kuya Nyxx.”
Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang sagot ni Red sa kabilang linya.
“Are you sure?”
“Opo. Wala naman siyang binabanggit na lalake sa amin maliban sa iyo.”
Sumandal siya sa swivel chair at bumuntung hininga.
“Wag kang mag-alala kuya. Balitaan na lang kita pag may nabanggit nga siya sa amin.”
He's close to Azul brother. Hindi niya alam kelan nagsimula pero ito ang naging tanungan niya tungkol sa babae.
Yun lang ang pinu-problema niya noon not until...
Napatitig siya sa litrato na nasa mesa. “This is...” he looked up and met his fathers eyes.
Tumango ito at sumandal sa swivel chair. “Yes. Spare some of your time with her. Malaki ang matutulong niya para mapadali ang pagkuha mo sa area.”
“Nagiging matigas parin ba si Attorney Dela Quesa? Bakit kelangang umabot sa ganito? Let's just offer more money. You know I can't do it.”
“Listen son, minsan kelangan nating maging matalino sa ganitong sitwasyon. Magaling ka sa bagay na ito. Why don't you use it now?”
He shooked his head. This plan was crazy.
“Just play along. Kilala ka naman niyan saka nalaman ko ring hahabol habol yan dati sayo. Take that chance.”
“No pa.” desidido na siyang tumanggi, but stopped when he mentioned his grandfather's name.
“He was looking forward to this. Hindi mo alam kung gaano siya natuwa nung sabihin ko ang plano mo.”
His father patted his shoulder. “You can do it. It'll be easy. I trust you.”
How he prayed it was that easy.
“Nyxx, bitawan mo ako!”
He stop gritting his teeth at pinakawalan si Cindy nang marating nila ang labas ng bahay nila. Their family lunch was ruined.
“You're too much Cindyanna.”
“What? Saang parte? Yung relasyon natin o yung kay Azul? Totoo naman lahat ng iyon ah?”
Bumuntung-hininga siya kapagkuwan ay nagtaas ng kamay.
“Okay, let me clear things. We—we don't share mutual feelings, cindy. Hindi ko alam kung bakit mo pinagsasabi yun sa loob kanina. If you took my friendliness by something, i am telling you now. I'm not into you. I'm sorry.” he tried so hard not to sound so harsh, pero mukhang nagkamali siya sa napiling salita. If this will ruined their plan wala na siyang paki pa.
He looked away when he saw her started to cry.
“I know. But can you please give us a chance? I like you so much, nyxx. We can still work things out. Hayaan mo lang ako. Please?”
Bakit kelangang hanapin natin yung taong para sa atin? Bakit pinapahirapan pa tayo? Bakit kelangang mapunta muna tayo sa maling tao bago natin matagpuan yung tamang tao na para talaga sa atin?
“Nandito yung Klei sa bahay, kuya. Manliligaw daw kay ate.”
After reading the text from red, he hurriedly left his work and went to her home.
Naguguluhan siya. All her actions and her words, was it all a lie? Yes, she was drunk when she told him she likes him pero alam niyang totoo yun. Kaya ano tong nagpapaligaw ang babae?
“Please stop sending me wrong signal.”
Because it's confusing. Hindi nakakatulong yun lalo na at ginugulo na rin ng babae ang utak niya. Hindi niya rin nagugustuhan ang galaw ng katawan niya at ang nararamdaman.
He felt jelous and mad at the same time. Kakakilala palang nito sa Klei na to. Did she already fall? How?
“Si Azul...” napaangat siya ng tingin ng magsalita ang kaharap. He looks drunk right now. Azul was nowhere to be found.
“You know she was a rainbow, but you're color blind to appreciate that.”
Napatiim baga siya. Anong pinagsasabi ng taong to? Anong alam nito sa kanila? If he's drunk he should go home. Weak.
“Tss.”
“One day, you'll realize how much she cared for you.”
He was taken a back. Napatitig siya sa lalaki.
“At sana hindi pa huli nun ang lahat kasi yun ang mahirap sa pagmamahal. You can love who you want, but so can they.” he said and bitterly smiled.
What Klei said remained in his mind for a few days. Nakaramdam siya ng kaunting pagkabahala.
"Ikaw nga yung gusto ko! Ikaw!" sigaw niya.
Napahinto siya sa paglalakad at ininda ang mahinang pagkirot ng dibdib dahil sa narinig mula kay Azul.
Tumingala siya at kinagat ang ibabang labi pero sumungaw parin ang sinusupil niyang ngiti.
Finally.
Nalingunan niya itong nakayuko. Malaki ang ngiting inilang hakbang niya ang kinaroroonan nito para sana lapitan pero biglang dumating si Cindyanna.
It was all ruined. His happiness was easily taken away.
"N-nyxx... Wala akong kasalanan. Hindi ko siya tinulak.”
I tried to calm down so I can think clearly. But hearing her cries and beg to hear her explanations took his mind away.
It was an accident. But they saw it. Malayo at nasa likod man ng mga ito ay nakita parin nila ang nangyari. It looks like she pushed Cindyanna.
Hindi niya napigilang masigawan ito. Things got out of his hand. Hindi niya alam na aabot sa ganito—na magkakasakitan ang dalawa. At ngayon hindi niya alam ang gagawin. She was wronged.
“For now, I will let Kaius supervise her. I don't wanna lose her kaya gusto ko munang ilayo siya. If things are fine, ibabalik ko siya sa Ukitan.” his grandfather said.
Bagsak ang balikat na tumango siya. He wanted to contradict but he never did. Kasi alam niyang iyon ang makakabuti.
He tried to work back but he always found himself missing her. Sa lahat ng parte ng Ukitan nakikita niya ang babae. Not seeing her face was driving him insane.
Kaya sinundan niya ito sa Distillery. He set aside his pride and tried to win her heart again. Kaius helped him. Yeah, he did. (sarcastic) pinagbabawalan siya nito na makipaglandian kuno kay Azul habang nasa trabaho. May pagkakataong pinagsasabihan nito ang bantay sa Distillery na wag siyang papasukin. Siraulo talaga.
Each days he spent with her was wonderful. Ngayon lang niya naramdaman ang kakaibang kasayahan na iyon. He's happy and blessed. He couldn't asked for more.
Pero sabi nga nila may kapalit ang kasayahan.
“You're pregnant?”
Hindi niya inaalis ang tingin kay Cindy. He wanted to know the truth. If she's lying or not. At nang tumango ito, he totally lost it.
"This is f*****g insane." ginulo niya ang buhok.
Naguumpisa pa lang siyang maging masaya bakit may ganito agad.
Why is life testing me too hard lately? I mean, I'll survive but give me a f*****g break. Wag yung ganito.
“Hindi ako maggagalaw. Promise.” hinila siya ni Cindy papuntang kotse.
“The doctor said that you should rest. Sa susunod ka na lang sumama.”
“Wala nga rin akong magawa dito. Puro tulog lang ako.” nguso nito.
Napakamot siya sa ulo. She's so stubborn. “Hindi naman kita didisturbuhin. Gusto ko lang makipag-usap kay Azul.”
Sandali siyang natigilan. Nagkatitigan sila ni Cindy, ngumiti ito ng matamis sa kaniya.
He heaved a sighed and nodded. Her face brightened and excitedly enter the car.
Kita niya ang pagmamadali ng body guard na makapasok sa kabilang sasakyan para sundan sila. When he knows about Titus and Cindyanna relationship, he asked for more guards.
Mahirap na.
He wanted her and the baby to be safe. Hindi bihirang lalaki ang tatay ng dinadala nito. He needs to be prepared.
“Pwede bang wag na natin silang isama? Okay naman ang dalawang guards.” sabi ni Cindy habang nakasilip sa likod.
Umiling siya.
“No.”
“Mukhang okay na naman. Wala akong naririnig mula kay Titus. So I think it's safe.”
“Yun na nga ang problema. Wala kang naririnig tungkol sa kaniya. Ibig sabihin nun may binabalak siya. You shouldn't let your guard down. Kung gusto mo siyang takasan, hayaan mo silang gawin ang trabaho nila.”
Cindy pursed her lips and bowed her head down. He watched how she caressed her baby bump.
“Okay po.” she baby talked.
Napailing siya at inabala ang tingin sa labas ng bintana. Nasa kalagitnaan sila ng biyehe ng biglang tumigil tumigil ang sasakyan nila.
“Anong nangyari?” he hurriedly checked Cindyanna who's sitting beside her.
“Seniorito.”
Itinuro ng driver ang nasa harap. May humarang palang sasakyan sa harap nila. Napasinghap siya nang makitang magbabaan ang sakay nun. He saw someone holding a gun. Sinenyasan nito ang kasama.
“Matias.” he called his bodyguard na siyang alerto naman.
“Lalabasan ko po seniorito.”
Tumango siya at sinilip ang nasa likuran. Kita niya ang pag-alerto ng kinuha niyang bodyguards. Agad na pinalibutan ng mga ito ang sasakyan nila at tinutukan ng baril ang mga lalaking armado.
“Sino kayo?”
Inilabas niya ang sariling baril.
“Nyxx...”
Nilingon niya si Cindyanna. “Calm down. Wag na wag kang lalabas dito.”
She looked worried and nervous at the same time. He heaved a sighed and got out of the car.
“Hindi kayo ang sadya namin kaya tumahimik na kayo. Ibigay niyo na lang sa amin si Ma'am Cindy at makakauwi kayong walang galos lahat.” the rugged looking center man said.
“Mga tauhan po sila ni Titus Montalban.” imporma sa kaniya ni Matias ng makababa.
“Protect Cindyanna at all cost. Wag niyo siyang hayaang makuha nila.”
Sabay sabay na nagtanguhan ang mga ito.
“Bakit pa kayo nakiki-usap?” Mula sa likuran ay nakita niya ang lider ng grupo—Titus.
Naglakad ito papalapit sa kotse nila. Humarang agad ang isa nilang kasama.
Titus grinned. “We don't come here to have conversations.” anito saka basta na lang pinaputukan sa katawan ang gwardya niya.
He gritted his teeth. Bumulagta sa harap nila ang lalaki.
“Get her.” Titus commanded.
Matapos sabihin ay sabay silang nagpalitan ng putok sa kabilang grupo. “Shit.”
He shoot the man who's trying to open the car's door. Matias cover him and shoot his enemy.
Dahil napapalibutan sila at mas marami ang kabila ay natumba agad ang ilan sa body guards niya.
He hissed. At pinaulanan ng magkasunod na putok ang kabila. Gumanti ang mga ito. Nakarinig siya ng pagtili mula sa loob ng sasakyan.
“Nyxx!”
“No. Wag kang bababa!”
Nakaramdam siya ng paghapdi mula sa tiyan. Sinapo niya iyon at tiningnan. He got hit. May sinuwerte. Mabilis na kumalat ang dugo sa damit niya.
Ngayon niya nasisiguro. Pinaghandaan ni Titus iyon. He brought his men twice more than his bodyguards.
“Seniorito. May tama kayo!”
“Ano ba! Bitawan niyo ako! Nyxx!”
“Tangina Matias wala to! Si Cindy!”
“Sir wala na tayong magagawa pa. Dadalawa na lang tayo! Kelangan kang madala agad sa ospital.”
Matias tried to help him but he shake him off. Kinuha niya ang baril na nasa tabi at tumayo.
Pinaputukan niya ang lalaking may hawak kay Cindy. Pero nakita agad siya ng kasama nito. He shoots him in his shoulder pero sinalo iyo ni Matias. Napaigik siya.
“Monteagudo. Tsk tsk. Wala ka nang laban. Give up at hahayaan ka naming mabuhay.”
Naglakad siya papalapit kay Cindy na umiiyak. Titus was dragging her. She's f*****g pregnant for goodness sake! Hindi siya pwedeng sumuko. Nangako siya kay Cindy.
Bang bang bang!
It was like a warning. Pinaputukan ni Titus ang semento para pigilan siya sa paglalakad.
“One more step and I will put a hole in your head Montalban.”
“Titus tama na! Tama na!” Cindy cried and hold his arms stopping him.
“Pakiusap...” napaupo ito sa sahig at sinapo ang tiyan na tila may iniinda.
Nanlaki ang mga mata niya at agad na lumapit dito binalewala ang pagpipigil sa kaniya ng ibang lalaki.
“M-my baby...” nakatingin ngayon ang babae sa kamay nitong may dugo.
“Cindy. No...” he panicked.
“Tangina. Ano pang ginagawa niyo? Ilayo niyo siya!” Titus shouted. Binuhat nito si Cindy at agad na pinasok sa sasakyan.
Mabilis na sinunod ito ng mga lalaki. They punch him when he tried to escaped. Sinipa at dinutdot ng mga ito ang tama niya.
“Boss. Alis na tayo. Tumawag ang isang to sa mga pulis.”
Tinulak ng mga ito si Matias na tulad niya ay duguan din.
He was breathless. Dala na rin siguro ng tama niya sa katawan, nawalan siya nang malay at hindi na niya alam ang sunod na nagyari.
He woke up and saw himself in the hospital bed. Her mother was there and Kaius.
“She's fine. Cindy's fine anak.”
“How fine Ma? I need more information! I saw—I saw her with blood. The baby, how's the baby?”
Napapikit siya ng biglang kumirot ang sugat niya.
“She lost it.” dumako ang tingin niya kay Kaius. He look serious when he said that.
Her mother gasped. “Kaius!”
“He needs to know tita.”
Natulala siya sa pinsan. “But aside from that news, there's one thing you need to know too.”
He can't follow Kaius saying. Hearing the news that Cindy lost her child was too much. He failed to protect them.
“Azul...”
That's when he remembered. His love.
He looked at them. His mother has this weird look in her face. Happy?
“Azul is pregnant, Nyxx.”
His lips parted. Am I hearing things now?
“C-come again?” aniya.
Her mom now smiled with a teary eyes. She caressed his shoulder.
“Azul is pregnant son. This time, you'll gonna be a real dad.”
He can't control it anymore. His emotions burst out. He cried. Mabilis na niyakap siya ng mama niya. Kaius nodded. It was true. f**k thank you.
Present...
AZUL
Binundol ng kaba ang dibdib niya ng makasalubong niya ang taong hindi niya inaasahan na naroon sa oras na iyon.
“T-titus...”
Those pair of dark, cold and deep eyes sent shivers in her body. Pasimpleng hinanap ng mga mata niya si Nyxx.
He stared at her for a minute before looking down at her belly. Wala sa sariling napahawak siya doon.
“Andito ka rin p-pala.” napangiwi siya ng marinig ang boses. Obvious na kinakabahan siya.
Pero nawala nang makita niya ang reaksyon ng mukha nito. There's sadness, at alam niya kung bakit.
He looked away and walked passed her. Napasunod siya ng tingin dito.
Coincidence lang ba na nandito din ito sa Midlight? Sinong kasama nito?
Nasagot ang tanong niya nang makita si Cindy na lumabas sa isang madilim na sulok ng bar. She looked shocked when she saw Titus. Kita na niya ang pag-atras ng babae palayo dito.
Bago pa man siya nito makita ay tumalikod na siya.
“Azul.”
“s**t!” napahawak siya sa tiyan sa gulat nang biglang may humawak sa braso niya.
Ang nag-aalalang mukha ni Nyxx ang agad na nabungaran niya. Sinapo din nito ang tiyan niya.
“You okay? May problema ba?” he asked.
She pursed her lips and smiled.
“Wala. Nagulat lang ako.”
“Tsk. Wag ka ngang gumala gala. Baka bigla kang masiko ng kung sino dito, let go back to our table mas safe doon.”
Inakay siya nito paalis pero pinigilan niya ito. Salubong ang kilay na tiningnan siya nito.
“What is it?”
“Gusto ko nang umuwi.”
He sighed and nodded. “Alright. That's a great idea. Magpapaalam lang tayo.” muli nitong pinalibot ang kamay sa bewang niya.
Tumango siya at naglakad na. Bumalik sila sa nesa at nagpaalam sa kaibigan nito at mga pinsan. Sinubukan niyang ilibot ang tingin para hanapin si Cindy pero hindi na niya ito makita. Wala na rin si Titus.
Kung dati nag-aalala siya pag nalalamang nasa paligid lang ang lalaki ngayon hindi na. Mukhang hindi parin tapos ang istorya ng dalawa. Cindyanna didn't let Titus go behind bars kahit na ito na mismo ang sumuko. Mukhang pinagsisihan nito ng sobra ang pagkawala ng anak nito at ang nangyari. But Cindy and Nyxx didn't file any case against him na nung una ikinapagtaka niya, but all of her questions were answered after being with Cindyanna for a couple of months.
They lost a child, but never their love. They were put in a situation that Titus got lost and Cindy couldn't find him. She got tired so she turned her back at him.
“Hey.”
Napakurap siya nang makaramdam ng pagpisil sa palad.
“Hmm?”
Ngayon lang niya napansin na nakalabas na pala sila. They are now inside his car. Pareho silang nasa backseat.
“Anong nasa isip mo? Biglang kang tumahimik diyan.” tanong nito.
Niyakap niya ang isang kamay sa bewang nito at sinandal ang ulo sa balikat ng lalaki. He pulled her closer and hugged her.
“My mind is full of you.”
He chuckled.
“Nice try.” pinindot nito ang ilong niya.
She giggled. She closed her eyes and sniffed his scent. “I'm just tired and sleepy.”
“Sinabi na kasi.” bulong nito habang pinaglalaruan ng kamay nito ang singsing na nasa daliri niya.
Napangiti siya. He loves doing that lately. Nyxx is sweet, hindi man nito pinapakita ng sobra. But those little things he does for her are the sweetest.
“Nyxx...”
“Hmm?”
“Mahal kita.”
She heard him smiled. He brought his hand in his lips and kissed it. He then kissed her head.
“Mas mahal kita. Mahal ko kayo.”
“Gaano ka mahal?” panunubok niya.
“Hmm. Let's wait when we come home, I'll show you how much I love you.” he huskily said with a hint of playfulness.
Mahinang sinampal niya ang bibig nito. His shoulder moved because of his laugh. Buti na lang at hindi sila naririnig ng driver.
“Sira.” hindi niya napigilang matawa.
“Kidding. I'm just kidding.” tawa nito.
Oh, she can't wait to come home! Gusto na rin niyang asarin ito.
She just wanna lay in his chest and listen to his heart beat.
But swear, being wrapped in his arms right now already felt like home.