Chapter 15

3127 Words
"Lalabas na muna ako. Titingnan ko ang mga ginagawa nila." Paalam niyq kay Nyxx nang mabagot siya sa loob ng opisina. Trenta minutos na ata silang nandoon pero ayaw siyang paalisin nito kahit na may ginagawa ang lalake. Sa wakas tumango ito. Tinungo niya ang pintuan at binuksan iyon pero nagulat siya ng makita si Domeng at Pipoy na biglang nagkagulo at tila hindi alam ang gagawin nang bigla niyang buksan ang pinto. "Anong ginagawa niyo?" isinara niya ang pinto. "Kakatok sana ako. Kaya lang baka makadisturbo ako sa pinag-uusapan niyo sa loob." pinaningkitan niya ng mga mata ang lalake. "Naglock kasi kayo. Unang beses yun." Nagulat siya pero hindi niya iyon pinahalata. "Sumasagap ka na naman ng ichi-chismiss Domeng. Dinamay mo pa si Pipoy." tinapunan niya ng tingin ang katabi nito na napapahaplos sa likod ng leeg. "Tapos na kaming mag-usap. Pwede ka nang pumasok." Tumawa ito bago pumasok. Napailing siya. Kelangan talaga niyang mag-ingat kay Domeng. "Hindi ka naman siguro naiistress sa nakalipas na linggo no, Tarah." "Naku. Stress na stress nga ako. Kung alam mo lang. Hindi ako magkandaugaga sa pagsagot ng telepono nung nakaraan." "Bakit? May naging problema ba? O madaming orders ang dumating?" Bumuga ang babae ng hangin. "Kung di mo alam, nawala din yang si Seniorito ng limang araw at ngayon lang bumalik. Nagkaproblema kami dahil may kelangang aprubahan siya pero hindi naman siya nagpupunta dito kaya postpone ang iilang delivery. Hindi din muna na kami tumanggap ng kliyente." "Nakaleave si Nyxx?" "Oo. Ang alam namin nagpapahinga siya." Anong nagpapahinga e araw araw yun doon sa Distillery. Tulong ito ng tulong doon habang yung Ukitan pala dito namomroblema. Ang lalaking yun! Namataan niya itong nasa labas na kausap si Gelo at ibang kasamahan. He's holding a piece of paper. Nang dumapo ang mata nito sa kaniya ay pinaliit niya ang sariling mga mata. He mouthed what to her pero inirapan niya lang ito. "Dahil nandito ka na, ibig sabihin nagkaayos na kayo." "Nagkausap na kami kaya okay na." "Mabuti naman." nakangiting sabi nito. "Seniorito, may tawag ho kayo." rinig nilang imporma ni Domeng na siyang kakapasok lang. "Sino daw?" "Si Seniorito Kaius ho." napatayo siya ng marinig ang pangalan ng boss niya. "Tss. Sabihin mo wala ako." "A, kasi nasabi ko na ho na nandito kayo." Siguradong hinahanap na siya ng lalake. Inilabas niya ang cellphone at tiningnan kung may tawag o text ito sa kaniya pero wala naman. "Basta sundin niyo to. Babalikan ko kayo. Tatawagan ko lang yung ungas na yun." Daling nagpaalam siya kay Tarah. "Sundan ko lang. Baka hinahanap na ako ng boss ko e." "Sige." "What?" Nakasunod ang mga mata ng lalake sa kaniya ng makapasok siya ng opisina. Nakaupo na ito ngayon sa sofa na nadoon while talking to his phone. Mukhang ibinaba nito ang telepono at tinawagan na lang ang pinsan sa sariling cellphone. He tap his side ordering her to sit beside him. Nagtungo siya doon at umupo gaya ng gusto nito. My pinindot itong kung ano sa cellphone at ilang sandali pa ay nakaloud speaker na iyon. "Move." Nagtaka siya ng palayuin siya nito pero ginawa niya rin. Napaawang ang bibig niya ng bigla itong humiga at ginamit pangununan ang kaniyang legs. Lagpas ang paa nito sa sofa dahil matangkad ito. Kahit alam niyang nailock niya ang pintuan ay napatingin parin siya doon. "Man. Wala ka atang balak isauli yung empleyado ko." rinig niyang sabi ni Kaius. "Tsk. Maaga pa." pinatong nito sa dibdib ang cellphone at hinuli ang isang kamay niya at pinaglaruan iyon. Nakapako sa kaniya ang tingin nito habang ang isang kamay ay pinaglalaruan ang buhok niyang tumatakas sa kaniyang tenga. Nagkagulo ang mga paro-paro sa tiyan niya sa ginawa nito. Wala sa sariling pinasadahan niya ng haplos ang buhok nito. Napangiti siya. Ngayon niya lang napagmasdan ng matagal ang mukha nito. Makinis, pumipilantik ang mahahabang pilikmata at makapal nitong kilay. Ang gwapo talaga. "Ano yung definition mo ng hapon na?" "Pag madilim na." "Tangina mo." mura ni Kaius. "Tanginamo ri-" tinakpan niya ang bibig ni Nyxx saka sinamaan ito ng tingin. Pero kinagat nito ang kamay niya kaya kinurot niya ang ilong nito hindi niya ito binitiwan hanggang hindi nito binibitawan ang daliri niya. "Sige ka." Gumalaw ang balikat nito dahil sa pagtawa. Hinuli nito ang kamay niya. "Ibalik mo na siya!" rinig niyang sabi ni Kaius. "Babayaran ko ang oras niya." nanlaki ang mga mata niya. "Anong sinasabi mo diyan?" hindi niya napigilang magreact. "Nandiyan siya? Nakaloud speaker ba to? Azul? Hello? Iwan mo na yang gagong yan at bumalik ka na dito." "Asshole." Dinampot nito ang cellphone at akmang papatayan ang lalake ng agawin niya dito iyon at siya ang sumagot. "Pabalik na ako Kaius. Ayaw kasing iprint ni Nyxx ang pinadala mo kanina." "He don't need that. Hindi din naman yan importante inuto niya lang talaga ako kanina para mapapunta ka diyan. Clingy ng siraulo." Pinagtaasan niya ng kilay ang lalake. "What? Ginawa ko yun kasi namiss kita." he shrugged. Napangisi siya. "Oo. Ang clingy nga." "Pucha. Ayoko nang marinig ang kalandian niya. Basta bumalik ka na Azul kasi may ipapagawa ako sayo. Yun lang, Bye." ibinaba niya ang cellphone ng ibaba na nito ang tawag. "Siraulong yun. Mas malandi siya." Pinagmasdan niya kung paano iblock ng lalake ang number ni Kaius. Napanguso siya. "Pareho lang naman kayo. Nasa dugo niyo na ata yun." "Tss. Magkaiba yung malandi sa nilalandi. I belong to the second one." masungit nitong sabi. Wow ang hangin din talaga nito. "Tingin ko hindi." Nangunot ang noo nito dahil sa sinabi niya. Pinasadahan niya ito ng daliri. "Fine. Pero sayo lang naman ako malandi." Tama. "Di natin sure." pabirong sabi niya. Bumangon ito at hinarap siya. "What? Now you're doubting me?" pinigilan niyang wag matawa dahil sa iritable na nitong mukha. "Bahala kang mag-isip. Babalik na akong Winery." tumayo siya at inayos ang damit. Tinungo niya ang bag na nasa mesa niya at nicheck ang gamit baka may naiwan siya. Nilingon niya ito at nakitang maayos na itong nakaupo sa sofa. Nakakrus ang parehong braso nito at sinusundan siya ng tingin hindi nakaligtas sa kaniya ang simangot nito. Napangiti siya. "Biro lang yun. Wag mo siniseryoso. Ang sungit na naman ng mukha mo." Naglakad na siya papuntang pinto. "May nakalimutan ka." "Huh? Nicheck ko na--" "Kiss ko." She grinned. "Asa. Anlandi mo. Bye!" "Azul! Ihahatid na kita." "Hindi na. Lumabas ka na diyan at trabahuin yung mga pending niyo." "Tss." nakangiting kumaway siya dito bago isinara ang pintuan. Sandaling nagpaalam siya sa lahat pinagpara pa siya ng tricycle ni Gelo dahil tinanggihan din niya ang alok ng mga itong ihatid siya. Ayaw na niyang makaabala pa. Kumaway siya sa lalake bilang paalam. Nang makarating sa distillery ay agad na nagpakita siya kay Kaius. May kausap ito sa telepono nginisihan lang siya nito saka tumango. Habang tinatahak ang daan papuntang opisina ay nakasalubong niya si Darryl na may bitbit na box. Mukhang mabigat iyon kaya sinalubong niya ito para tulungan. "Darryl! Tulungan na kita." mukhang nagulat ang lalake sa biglaan niyang paglitaw "Naku hindi na. Mabigat to." iling nito. "Ako na magdadala nitong nasa itaas. Lima lang naman tong nandito." wala na itong nagawa dahil inagaw na niya iyon. "O, diba gumaan?" Ngumite ng maliit ang lalake kahit na may pag-aalinlangan parin sa mukha nito. "Para saan ba to? Bakit dadalhin to sa opisina?" Sumabay siya sa paglalakad nito hanggang sa makarating sila ng opisina. "A, nakasanayan na dito sa winery na bigyan ang bawat empleyado ng wine pag naaabot natin ang quota sa buwan." "Talaga. Ang galing naman." Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Pwede niya isuggest na magkaganun sa Ukitan pag nakabalik siya. Hindi niya lang sure kung papayag si Nyxx. "Darryl, ang tagal mo at—Oh! Kaya naman pala. Kasama mo pala si Azul." "Nakabalik ka na pala." "Kakarating ko lang. Nakita ko si Darryl kaya tinulungan ko. Ayaw pa nga sana niya e." Tumayo si Cristoff at inakbayan si Darryl. "Naku. Kayang buhatin nito ang limang box pag kasama ka Azul. Diba Darryl?" Umani ng tuksuhan ang loob ng opisina. Napapakamot na lumayo si Darryl sa kaniya. Nagtatakang tiningnan niya si Wendel. "Crush ka nun. Di mo pansin? Nakatitig yun palagi sayo saka nangingiti. Parang baliw. Sayang lang may jowa ka na." Napa awang ang bibig niya sa narinig. Totoo ba? Kaya ba ilang ang lalaki sa kaniya? "Wag ka nga magbiro diyan." "Hoy, Darryl! Ayaw maniwala ni Azul na crush mo siya." "Kaarawan mo bukas, imbitahin mo si Azul." "Mga baliw. Tigilan niyo nga yung tao. Azul kuha ka na ng iyo dito." alok sa kaniya ni Via. Crush siya ng lalake? "Bye! Ingat kayo!" Kumaway sila sa mga kasama ng makalabas ng building. Ang iingay nila kanina habang pababa parehong pinag-uusapan ang tungkol sa kaarawan ni Darryl. "May sundo ka ba Azul?" "Outside." Mabilis na inalis niya ang tingin sa text na natanggap niya galing kay Nyxx saka tumango kay Via at Wendel. Tumawag kasi ito sa kaniya kanina. Ihahatid daw siya nito pauwi. "Oo." "Akala ko wala. Makikisabay kasi ako kay Via. Baka gusto mo sumabay na rin." "Nagtext na nga." itinaas niya nag cellphone. "Saka ibang direksyon yung samin. Mapapalayo lang kayo." Sabay silang tatlo na napalingon ng may marinig silang yabag papalapit. Nakita nila ang pakamot kamot sa likod ng ulo na si Darryl, tila nahihiya. Kinantyawan ito ng mga lalaking kaibigan di kalayuan sa kanila. "Darryl." nagulat siya ng dumiretso ito sa kaniya "Azul. Ano, baka makalimutan ko kasi." "Bakit? Ano yun?" "Ano, lalabas kami lahat bukas para icelebrate ang birthday ko. Baka gusto mo sumama." pag-iimbita nito. "Aba! Buti naman inimbita mo!" ani ni Wendel. "Hindi ako sigurado pero titingnan ko bukas. Baka makasama ako." ayaw naman niyang ayawan agad ang lalake. Kahit medyo madilim ay kita niya ang pagliwanag ng mukha ng lalake. "Talaga? Aasahan kita. Tayo-tayo lang din naman." Tumango siya. Tumunog ang cellphone niya pero hindi niya iyon pinansin. Parang ang bastos naman kung babasahin niya iyon sa harap ng lalake. "Yun lang naman. Sige, ingat kayo. Mauna na ako." Sinuklian niya ang ngiti ng lalake. Para silang mga high school sa labas dahil sa ingay. Napailing siya. Nagpaalam na ang dalawang babae sa kaniya. Unti unti na ring umalis ang mga sasakyan ng mga lalake. Ang ilan ay dumiretso sa labasan para mag antay ng tricycle. Bumusina ang isang sasakyan sa kaniya na tingin niya ay kay Darryl. Nakangiting kumaway siya. May gumalaw malapit sa kaniya dahilan para maialis niya ang tingin sa kotse. Nang lingunin niya kung sino iyon ay napangiti siya. Nakita niya ang papalapit na nobyo. "Nyxx!" ibinaba niya ang kamay at lumapit dito. "Hindi kita napansin." "Who's that?" malamig na tanong nito sa kaniya. "Kanina ka pa?" nakangiting lumapit siya kay Nyxx na nag-aantay sa poste malapit sa pinagparkingan nito ng sasakyan. Pero walang naging tugon ang lalake sa kaniya kaya nagtatakang tiningala niya ito. Nakasunod ang mata nito sa sasakyang papaalis. "Sino yun?" ulit nito "Sino?" Maang-maangan niya. Mariin siya nitong tiningnan. "Yung lumapit sayo kanina. Sino yun?" she can hear iritation in his voice. "Ah! Si Darryl. Kasama namin yun sa opisina. Birthday niya bukas, ininvite niya ako." Pagpapaliwanag niya. "Ikaw lang?" salubong ang kilay nitong tanong. Natawa siya. "Ano ka ba. Siyempre lahat kami na nasa opisina. Ako na lang yung nakalimutan niyang sabihan kasi wala ako kanina kaya ngayon niya lang nagawa akong imbitahin." Nag-iwas ito ng tingin at tinalikuran siya. "Tara na." pinatunog nito ang kotse di kalayuan. Humabol siya dito. "Nyxx! sandali, galit ka ba?" Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse pero hindi ito nagsasalita. Nang makaupo ay isinara na nito ang pintuan. Pinagmasdan niya itong umikot sa kabila hanggang sa makapasok na rin. Sinulyapan siya nito. "Seatbelt." Hindi siya gumalaw. "Azul." pagtawag nito. "Ikaw maglagay. Ikaw ang may gustong ihatid ako." Pinigilan niya ang sariling wag matawa sa pinangagawa. He looked at her for a while. Bumuntunghininga ang lalaki at kinalas ang sariling seatbelt. Isinablay nito ang isang braso sa likod ng upuan niya saka nito inabot ang seatbelt niya. Dahil doon, nagkalapit ang katawan nila at mukha kitang kita niya ang side profile ng lalake. Pikit matang nilapit niya ang mukha at dinampian ng mabilis na halik ang gilid ng labi nito. He stilled. Napaawang ang labi nito. Bakas sa mukha ang pagkagulat, nag-iwas siya ng tingin dahil pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin ang titig nito sa mga oras na iyon. Malandi ka Azul! Napakagat labi siya. Hindi umalis sa pwesto ang lalaki. "What was that?" Ano ba sa tingin mo? Sigaw ng isip niya. "Kiss." bulong niya. "Kiss? You call that a ki--" mabilis na tinakpan niya ang bibig nito saka tinulak ito paalis sa harap. "Tumahimik ka na. Ginawa ko yun kasi nagsusungit ka na naman. Akala ko galit ka."' He smirked. Ipinatong nito ang isang siko sa gilid ng bintana habang ang daliri ay pinaglalaruan ang labi. May sinusupil itong ngiti. "Yan ang paraan mo para mawala yung inis ko?" "So, nainis ka kanina? Sinubukan ko lang naman. Tingnan mo, nagsasalita ka na. Kanina ayaw mong sumagot. Effective naman pala." "It is." he huskily said. "But next time, do better." sinulyapan nito ang labi niya bago lumipat sa kaniyang mga mata. "Ang arte ah. Anong better naman yan?" "I want a kiss. A real kiss, Azul." Nagflashback sa kaniya ang pinagsaluhan nilang halik sa basement kung saan ang wine cellar ni Kaius. She can't help not to blushed. Ganung klaseng halik ba ang gusto nito? E halos mamaga ang labi niya nun kasi ayaw nitong tigilan kakakagat. "Ah!" tinapik niya ang pisngi. Kung ano ano ang pinag-iisip niya. He chuckled. "Bati na tayo?" "Nag-away ba tayo?" balik nitong tanong sa kaniya habang iniistart na ang kotse para umalis. "Hindi ba? Nagsusungit ka kasi bigla diyan saka hindi namamansin." "I don't like seeing you laughing with another man, Azul. Does he even know you're not available anymore?" Yung iba natu-turn off sa mga posessive na mga boyfriend ng mga ito pero bakit sa kaniya parang lalo pang lumakas ang dating nito? Sa paraan na iyon tila pakiramdam niya he cared for her. Alam ba ng mga ito? Wala naman siyang kinonfirm nung makita ng mga ito ang padala ng lalaki na bulaklak sa opisina. "Ano ka ba. Hindi ako nun type." pagsisinungaling niya para matapos na ang topic na iyon baka kasi pag nalaman ng lalake na may crush yung Darryl sa kaniya na hindi niya sure kung totoo ba talaga o hindi dahil baka mainis ito lalo. "He better not. Kundi may kalalagyan siya." it sounds like a threat to her. Napangiwi siya. "Nga pala, nabanggit ni Tarah na kahapon ka lang bumalik ng Ukitan. Alam mong malaki ang responsibilidad mo doon. Anong ginawa mo sa limang araw na iyon aber?" "Nagpaalam ako kay Grandpa. Magulo ang utak ko that time. I need time to think. That accident made me reflect and organize my feelings. It really helped me. Kaya nung okay na ako sinundan kita sa Distillery. I wanted to pursue you. I don't want you to let go." he honestly said. He hold her hand and kiss it. "I'm sorry it took me so long. I'm sorry for the long wait." Napangiti siya. "Nyxx, simula pa lang, alam ko na na walang kasiguraduhan na maibalik mo yung pag-ibig ko sayo pero sinubukan ko parin. Nagpatuloy ako kahit na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamahal na to. At heto na nga, I am happy I have you now." "I'm one lucky bastard." "Ofcourse you are! Ang ganda ko kaya." Napuno ng tawanan ang loob ng kotse dahil sa sinabi niya. Ilang minuto lang ay narating na nila ang harap ng bahay nila. She unbuckled her seatbelt ang bid her goodbye to Nyxx. "Huwag ka nang bumaba." pigil niya sa lalaki ng lalabas sana ito para pagbuksan siya. "Ingat ka sa pag-uwi." kaway niya. "Azul, anak ikaw ba iyan?" Nataranta siya ng marinig ang nanay niya. Ngayon lang niya napansin ang motor na binabaan din ng una. "Ma!" "Kauuwi mo lang din pala." Mabilis na lumapit siya dito at tinakpan ng katawan ang view para hindi nito makita ang kotse ni Nyxx. Siguradong magtatanong iyon sa kaniya. "Saan ho kayo galing at gabi na ngayon pa lang kayo nakauwi." "Galing akong bayan may nakalimutan akong bilhin. Teka, sinong naghatid sa iyo? Si Klei ba?" Inaninag nito ang nasa loob ng kotse. Buti na lamang at patay ang ilaw nun sa loob. "Klei! Pasok ka muna." malakas na sabi nito. Napangiwi siya. Hinila niya palayo ang nanay niya. "Ma. Wag na masyadong gabi na." Tinampal nito ang kamay niyang nasa siko nito. "Anong gabi na e wala pang alas siyete. Pababain mo siya at sabihin mong dito na magdinner sa atin. Matagal na din nung huling punta niya dito." Nang hindi siya tumalima sa utos nito ay ito na mismo ang lumapit sa sasakyan at kinatok ang bintana kung saan nakaupo si Nyxx. Todo ang iling niya kahit na hindi din niya kita ang lalake. Baka sa paraang iyon mapigilan niyang lumabas si Nyxx. "Klei, iho. Bumaba ka muna at magkwentuhan sa loob. Dali na." "Ma! Hindi ho si Klei ang naghatid sa akin." pag-amin niya. Doon natigil ang pagkatok ng mama niya sa bintana. Kunot noong nilingon siya nito. "Ano? Hindi si Klei? Kung ganun sino?" Pareho silang napabaling ang atensyon ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kotse. Iniluwa nun si Nyxx. Rinig niya ang mahinang pagsinghap ng mama niya ng makita ang lalake. Mukhang nagulat ito. "S-seniorito..." "Magandang gabi ho, Tita." "I-ikaw pala ang naghatid kay Azul." pautal utal na sabi ng nanay niya saka siya tinapunan ng kakaibang tingin. Siguradong bubulabugin siya ng mga katanungan nito mamaya. "Yes—" "Nadaanan. Oo, nadaanan niya lang ho ako kanina habang nag-aabang ng masasakyan pauwi. May meeting ho sila kanina ni Kaius sa Distillery kaya aksidente kaming nagkita at nag-usap na rin." mahabang paliwanag niya. Parehong nakakunot ang noo ng dalawa habang nakatingin sa kaniya. "Ganoon ba? Mabuti at nagkausap na rin kayo." Tumango siya. "Oho. Kaya nga ho wag niyo na siyang abalahin pa. May overtime yan sa Ukitan, kelangan niya na hong umalis agad. Diba Nyxx?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Makuha ka sa tingin! "Sayang naman kung ganoon." "Oo nga! Sayang Ma. Ha. Ha." Ano ba. Tumalikod ka na at umalis. Pero bumagsak ang balikat niya sa naging sagot ng lalake. "I could spare some time naman Tita. I mean we have something to tell you too." Nanlaki ang mga mata niya. Anong sinasabi niya? Wala sa plano to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD