Chapter 16

3069 Words
Nagbago ang expression ng mukha ng Mama niya sa sinabi nito. "We?" Tumango ang lalake. He's seriously looking at her mother. "Kung ganun, pumasok na tayo sa loob para mapag-usapan yang gusto niyong sabihin." saka siya pinanlisikan ng Mama niya ng mga mata. Binuksan nito ang maliit nilang gate at pinapasok sila. Siya namang labas ng Papa niya at gulat man ay sinalubong na rin si Nyxx. Hinila siya ng Mama niya sa tabi at hinayaan ang dalawang mauna. "Ano to ha, Azul? Bakit pakiramdam ko tama tong tumatakbo sa isip ko?" "Ma..." napakamot siya ng ulo. "Ikaw na bata ka! Akala ko ba lalayuan mo na? Pinakilala mo pa sa amin si Klei. Anong nangyari dun?" Bakit pinipilit nito si Klei e nananahimik yung tao. Para silang sira sa harap ng bahay nila at nagbubulungan. "Amelia? Azul? Pumasok na kayo at nag-aantay si Nyxx." silip ng Papa niya sa pinto. "N-nandyan na!" Nilingon siya nito. "Mamaya ka sakin!" inambahan siya nitong kukurutin pero tumakbo siya palayo dito at naunang pumasok sa bahay nila. * * * Hindi na niya nagawang umakyat sa sariling kwarto para magbihis dahil pinatulong na agad siya ng Mama niya sa kusina at hinayaan munang mag-usap ang Papa at si Nyxx sa sala. Palingon-lingon siya sa mga ito pinagmamasdan ang reaksyon ng papa niya kung may magbabago ba baka kasi may biglang banggitin si Nyxx. Nakarinig siya ng pagsitsit sa Mama niya na naglaalagay ng ulam sa mesa. "Bilisan mo na diyan at nakakahiya kay Seniorito!" Sumimangot siya. "Bakit kasi hindi mo man lang pinaalam ng maaga ng nakahanda tayo ng maayos!" Wala naman sa plano nila ang ganito. Kung hindi kasi makulit ang Mama niya at binanggit banggit pa si Klei ayan tuloy. "Ayan okay na. Tawagin mo na sila pati yung kapatid mo." Tumalikod siya at sinunod ang utos nito. "Pa, handa na ang mesa. Kumain na daw tayo." Magkasabay na nilingon siya ng dalaWang lalake. Tinawag niya na rin si Pula mula sa ibaba. "Mabuti naman. Tara, Seniorito ng makakain na tayo." masayang anyaya ng Papa niya at nauna na sa loob para tingnan ang pagkain. Naiwan sila ng lalake, pasimpleng kinurot niya ito sa tiyan pero napaawang lang ang labi niya ng maramdaman ang matigas at kurbadong nitong tiyan. Damn those abs! "Sabi ko diba wag muna nating sasabihin?" bulong niya. Nagtaas ito ng kilay. "And what? Hayaan ang Mama mo na isiping nililigawan ka parin nung Klei na yun? Its gonna happen Azul. This time, I'm claiming what's mine. You're mine, Azul. Not Klei's nor your workmate's, mine alone." All those words. Kakaiba ang dating nun sa kaniya. It made her heartbeat raced faster. Mas lalo siyang nahuhulog dito. "Uhh, excuse me?" "P-pula.” Napakurap siya. Hindi nila napansin na nakababa na pala si Pula at tingin niya ay nanonood kanina pa. Lumayo sila sa lalake at nag-iwas ng tingin. Tinubuan siya ng hiya. "Tigilan niyo na yan ate. Baka ibang kainan na ang mangyari dito pag hindi pa kayo tumigil diyan." Nanlalaki ang matang nilingon niya ang kapatid dahil sa sinbi nito. Saan natutunan ng kapatid niya ang bagay na iyon! Pinanood niya kung paano magngisihan ang dalawang lalake sa isa't isa at nag-apiran. Inakbayan ito ni Nyxx at kung may ano itong sinabi sa kapatid niya at nagtawanan ang mga ito. Like they're freaking close! What was that? Buong akala niya magagalit agg Papa niya kay Nyxx dahil sa nakaraang nangyari sa kaniya pero hindi. Masayang tinanggap ng mga ito ang lalake na parang walang nangyari. Pupwesto sana siya sa tabi ng kapatid niya ng hulihin ni Nyxx ang pulsuhan niya at hinila siya sa tabi nito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod lalo pa at ramdam niya ang apat na pares ng mga matang nakamasid sa kanila. Ang Papa na lamang ata niya ang walang kamalay malay. Hindi nito binitiwan ang kamay niya. Instead, he hold her hand tightly below the table. Ramdam ata nitong kinakabahan siya. Wala sa sariling napaabot siya ng baso ng tubig at lumagok. "Azul, tulungan mo si Seniorito sa pagkuha ng pagkain." Tatalima na siya ng magsalita ang katabi niya. "Bago ho ang lahat Tito, may gusto ho sana akong sabihin." Rumihestro ang pagtataka sa mukha ng Papa niya. "Kumain na muna tayo." bulong niya saka hinila ang kamay ng lalake pero mukhang wala itong narinig. "Aba. Ano ba iyan at mukhang napakaimportante naman." Tahimik ang Mama niya at nakikinig lang ang kapatid niya. "Alam ko po malaki ang naging epekto nung nangyari nung nakaraang linggo sa pamilya niyo and I am sorry for that. Humihingi po ako ng dispensa, kasalanan ko po ang lahat." nilingon niya ito. May kasalanan din siya! "Laging nandiyan si Azul para itama yung mga mali ko. I've been an asshole, irresponsible and selfish man. Kaya nung nawala si Azul sa Ukitan I... I can't continue working knowing that it was all my fault. Cindy coudn't have done that." Hindi niya mabasa ang reaksyon ng mukha ng Papa niya. "Tapos na ang lahat ng iyon, iho. Noong una oo, nasaktan kami dahil sa maling bintang na idinawit nila ang anak namin at ang makitang umiiyak si Azul pero dahil personal ka namang humingi ng tawad sa anak namin ay wala na iyon." "Salamat ho." "Walang anuman. O, ano? Yun lang ba?" Narinig niyang tumikhim ang mama niya kaya napunta ang tingin nilang lahat dito. "Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin at lumalamig na ang pagkain." "Tito, tita. Gusto ko hong personal na sabihin sa inyo na..." Ipinatong ng lalake ang palad sa itaas ng kamay niyang nasa itaas ng mesa. He gave her hand a gentle caressed. "Mahal ko po si Azul. Nagmamahalan po kaming dalawa." Sumunod ng mga mata ng Papa niya doon at bakas ang gulat sa mukha. "Sandali iho. Matagal na naming alam na mahal ka ng anak namin pero ang hindi namin sigurado ay kung totoo ba iyang nararamdaman mo. Bakit ngayon lang? Paano yung anak nung attorney? Tama na iyong nasaktan si Azul nung una pero sa pangalawa at sa susunod? Hindi na kami pwedeng tumahimik pa." Nagulat siya sa sinabi ng Papa niya. Alam ng mga ito ang nararamdaman niya para sa lalaki? Noon pa? Ganoon na ba siya katransparent? Gaya ng sinabi ni Nyxx sa kaiya ay ganoon din ang sinabi nito sa kaniyang pamilya. He explained everything hanggang sa naliwanagan na ng lahat. "Totoo ho ang nararamdaman ko sa kaniya." "Azul, hindi ba nanliligaw iyong Klei sa iyo?" Mabilis na umiling siya para matapos ang usapan. Lalo na at nagsasalubong na naman ang kilay ng katabi. "Hindi po Pa. Hindi ho ako pumayag noon." "She can't love him back. Ako ho ang mahal niya, tito." napailing ang papa niya sa sinabi ni Nyxx. "O'sige na. Sige na. Tama na iyan malamig na ang pagkain. Mag-usap na lang ulit kayo mamaya ni Seniorito." ani ng mama niya saka nag-umpisang paglagyan ng pagkain ang papa niya. "Nyxx na lang ho Tita." Napahinto ang mama niya bago tumango sa lalake. "Sige, Nyxx." Pareho silang napangiti ng katabi bago gumalaw na para mag-umpisang kumain. Naging maingay ang hapag nila. Hindi siya makasingit sa usapan ng Papa niya at ni Nyxx na kung saan na umabot. Ilang beses naman siyang inirapan ng mama niya. "Who's with you?" Napailing siya ng muling makatanggap ng text mula kay Nyxx. "Nandyan na ba ang iba mong kasama?" "Pasensya na sa paghihintay. Inaya ko si Seniorito Kaius pero may tinatapos pa daw siyang trabaho. Susubukan niya lang daw sumunod." Imporma sa kanila ni Wendel ng makababa. Dahil nakarating na ito ay kumpleto na silang lahat. Nasa sampo ata sila may ilang hindi nakasama dahil may kelangang tapusin at may ibang hindi talaga pwede dahil may obligasyon sa pamilya. "Sana makapunta siya." "Hopefully." "Anyway, tara na. Dito na lang kayong mga babae sa akin sumakay. May mga sasakyan naman tong mga gungggong na ito." nguso ni Darryl sa mga lalaking katrabaho. "Siyempre. Hindi ko dinala ang sasakyan ko kasi baka malasing ako. Safety first." si Via na siyang pasok sa passenger seat ng sasakyan ng lalake. Nagsisunodan naman ang iba papasok. Nang aakyat na sana siya ay pinagsarhan siya ng mga ito ng pinto. "Sa harap ka. Wala nang space dito." ngisi ni Wendel. Napapokerface siya. Sinasadya ng mga ito! "A, tara na?" Alanganin siyang ngumite sa lalake at tumango. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Birthday niya ngayon Azul. Wag ka muna mag-inarte. "Kayo talaga." aniya ng makapasok "Wag ka na magreklamo. Wala tayong regalo kaya ikaw na lang muna ipapahiram namin." Napairap siya dahil sabay na nagsitanguhan ang kasama. Anong pahiram? Hindi naman siya laruan. "Ready na?" Nag-oo sila kaya pinasibad na ng lalake ang sasakyan. Nakasunod naman sa kanila ang iba. Naging madali ang biyahe nila. Hindi niya naitanong kanina kung saan nito ise-celebrate ang birthday nito kaya nagulat siya ng sa isang sikat na exclusive bar ang hinintuan nila. "Dito tayo?" Wala siyang natanggap na sagot sa mga babae dahil nag-uunahan na ang mga ito sa paglabas. Nakita pa niya si Via at Wendel na pasayaw sayaw na. "Ayaw mo ba dito? Pwede naman tayong lumipat. Hanap na lang tayo ng iba." Umiling siya. "Naku, hindi. Hindi na. Nagulat lang ako, hindi ko lang ineexpect na dito tayo." ang paalam niya kay Nyxx ay kakain sila sa labas! Siguradong hindi yun matutuwa pag nalaman nitong nasa isang bar sila. "Sa VIP naman tayo wag ka mag-alala." Kinatok na ng iba yung bintana ng kotse kaya bumaba na sila. Pinapasok sila ng boxer sa loob parang mabibingi siya sa lakas ng tugtog na sumalubong sa kanila. Nakita niyang may kinausap si Darryl bago sila inassist ng lalake sa kanilang kwarto. Nasa second floor iyon tanaw nila ang ibaba kung saan nagsasayawan ang lahat. "Aba. Pinaghandaan mo talaga to Darryl a!" Napaawang ang bibig niya ng makita ang inumin na nakahilera sa itaas ng mesa. May pagkain ding nandoon pero mas marami parin ang alcohol. "Gusto ko pa naman sana sumayaw sa ibaba. Nakita ko kanina andaming gwapo." "Pwede naman. Basta lang wag niyo akong iwan dito." tawa ni Darryl. "Nandito naman si Azul. Ieentertain ka niyan." "Wendel." warning niya. "Biro lang naman." kinalma niya ang sarili. Medyo naiinis na siya sa babae. Pag nagpatuloy pa ito baka uuwi na lang siya. Mabuti na lamang at natigil iyon ng magtawag ang kasamahan nila para kumain. Ilang minuto lang pagkatapos nun nagsikuhaan na ang lahat ng inumin. May pinindot a remote control si Justine at medyo naging dim yung loob ng kwarto mas nangibabaw ang iba't ibang kulay ng ilaw na paikot ikot sa loob ng bar. "Syempre hindi kumpleto ang lahat kung walang cake!" May inilabas na box ng cake ang mga lalake saka sinindihan. Hindi niya alam paano ang mga ito nakapuslit na bumili nun kanina. "Azul, ikaw na humawak." "H-ha?" Basta na lang nilagay ng mga ito sa palad niya ang cake at mahina siyang tinulak papunta kay Darryl. Nag-umpisa silang kumanta ng birthday song kaya napakanta na rin siya. "Mga siraulo. Bakit may paganto pa kayo." tinapunan nito ng chips sina Henry na siyang tumawa lang. Dumapo ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw na rumi-reflect kaya ganoon na lang kuminang sa mga oras na iyon. She smiled. "Happy birthday! Hipan mo na." she extended her hands para mailapit dito ang cake. Bumaba ang mata nito doon, kita niya ang pag-angat ng kamay nito. Napaawang ang bibig niya ng maramdaman ang kamay nito ilalim ng kaniya na siyang nakahawak sa cake. Bale, nagmumukhang pareho silang nakahawak. Yumuko ito at hinipan ang kandila. Pumalakpak ang lahat ng mamatay iyon. "Thank you." "Happy birthday, Tol!" Inalis niya ang kamay sa cake saka nagkunwaring kumuha ng shots na hawak ni Ruffah. "Uy, yung mga regalo pala namin. Baka maya mauwi ko sa bahay. Sayang effort." "Nag-abala pa kayo." Nagsimulang mag-abot ng mga regalo ang iba sa kanila. Medyo nakaramdam siya ng hiya kasi wala siyang nabili para sa lalake. Wala na siyang oras para bumili kanina. "Alam kong may sasakyan ka na kaya keychain na lang binili ko sayo." Natawa silang lahat ng ilabas ni Henry ang regalo. Nailagay pa nito iyon sa maliit na box. "Siraulo! Binili mo talaga yun kanina?" "Oo. Maganda naman to. Effort din to uy. Ang hirap kaya maghanap ng ireregalo." "Ang sabihin mo ang kuripot mo lang talaga! Bumili ka na lang sana ng damit." Via. Umilaw ang cellphone niya. Binuksan niya iyon para sana basahin ang dumating na mensahe ng tawagin siya ni Ruffah. "Azul. Patingin ng regalo mo kay Darryl." Lumingon sa kaniya ang nasa harap. Narinig ata ng mga ito ang tanong ni Ruffah dahil medyo humina na ang tugtog dahil napalitan iyon ng sweet music. "A, wala akong regalo. Nakalimutan kong bumili. Pasensya na Darryl." "It's fine. Nandito ka naman kaya okay lang. Hindi naman kelangan may regalo." "Ibibili na lang kita bukas." agap niya. "Hindi na. Ayos lang talaga." "Tama na yan. Ganito na lang, pagbigyan mo na lang siyang isayaw ka Azul. Sayang music oh. Ano Darryl?" "Sabayan natin sila ng hindi sila mailang. Dali na." Nagpares pares na ang lahat sa paligid nila. Nang lingunin niya ang mga babae ay naki-kipagsayawan na ang mga ito sa iba. Wala na silang nagawa pa kundi ang maglapit at magsayaw. He carefully put his hands in her waist habang siya naman ay ikinawit ang kamay sa balikat nito. Nilagyan niya ng distansya ang isa't isa. "Uhh... Pasensya na talaga sa kanila." nakakailang sorry na ba ito? "Wala iyon. Heto na lang din talaga ang maibibigay ko. Baka wala din akong oras bukas makabili ng regalo." pag-amin niya. Tumawa ang lalake. "Right." Gwapo si Darryl saka ang alam niya may sariling kompanya ang pamilya nito pero mas pinili nitong magtrabaho sa mga Monteagudo. "Naku! Matutuwa ho sila." Lahat ata sila napalingon ng marinig ang malakas na boses ni Wendel. Ngayon lang din niya napansin na wala pala ito kanina nung mag-abutan ng regalo. Medyo madilim kaya hindi niya makita ang taong kasama at kausap nito pero ng tumama ang ilaw sa mga ito ay nakita nila si Kaius. "Guys, nandito sila seniorito!" masayang anunsyo ni Wendel. Nagtaka siya ng makitang may isa pang pumasok. Sa tindig pa lang na iyon ay kinutuban na siya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Nyxx na nakasunod pala kay Kaius. Madilim ang mukha nito at matalim ang tingin sa kanilang dalawa ni Darryl na nasa gitna. His gaze move down at hindi nakaligtas sa kaniya ang paggalaw ng panga nito ng makita ang kamay ng lalake sa bewang niya. Napaatras siya paalis at alanganing nginitian si Darryl ng makita nito ang ginawa niya. "Seniorito. Buti at nakasunod kayo." lumapit si Darryl sa boss nila. "Binlackmail ako e. A, nakadisturbo ba kami? Mukhang nagkakasayahan kayo." sinulyapan siya ni Kaius. "Naku. Pinapasayaw lang namin itong si Darryl at Azul. Alam niyo naman ho crush niyan si Azul." Nasundan iyon ng tuksuhan ng mga kasama. Binundol siya ng kaba dahil hindi na maipinta ang mukha ng isa. Humalakhak si Kaius na tila aliw na aliw. "Oo nga pala. I'm with my cousin. I hope it's fine." "Wala hong problema. Mas marami mas masaya!" Yun ang hindi niya sigurado. The party went wild when the clock strike at ten in the evening. Dumami na sila sa loob ng kwarto dahil may mga nabingwit na ang mga katrabaho mula sa first floor at dinala sa room nila. Habang siya heto at prenteng nakaupo lang sa couch at nakamasid. "Ha! Nakakapagod sumayaw!" Umupo sa tabi niya ang babae at pagod na isinandal ang ulo sa sandalan. Nakita niyang nakasunod dito si Via. Kinuha niya ang pagkakataong iyon para umusog para mapalapit kung nasaan si Nyxx na kanina pa tahimik sa dulo. Mula ng dumating ang mga ito kanina ay wala itong kinakausap maliban sa pinsan. Nakatuon ang buo nitong atensyon sa inumin na nasa kamay. Sinadya niyang mapalapit sa lalake hanggang sa ilang metro na lang ang layo nila. "Azul, sabi mo bababa ka?" Binalingan niya ang mga ito. "A, bumaba ako. Pero hindi ko kayo nahanap kaya bumalik na lang ako dito." pagsisinungaling niya. "Ano ba yan. Sana kasi hinintay ka na lang namin kanina." Nginitian niya lang ang babae. Nang makitang wala na sa kaniya ang atensyon ng mga ito at tumikhim siya, nagba-bakasakaling lilingon ang lalake pero diretso lang ang tingin nito. Gumalaw siya na tila inaayos ang upo at sinadyang banggain ito ng siko niya. "Sorry." she muttered. Pero tangging salubong lang ng kilay ang natanggap niya. "Huy." she whispered and slightly tugged his shirt. Napatingin ito dahil sa ginawa niya. "Galit ka na naman?" Instead of answering, he drink the glass of alcohol in his hand. Bumuntung-hininga siya. Papaano ba siya makakahanap ng paraan para makausap ito? "Nyxx!" Napatabi siya ng basta na lang dumaan ang isang babae sa harap niya. Makitid ang daan sa pwesto nila. The couch is forming L shape nasa gitna nun ang mahabang mesa. At nasa dulo sila nung dalawang couch kaya nasa gitna ang pwesto nila. "Aray ha." Magkasalubong ang kilay niya at medyo nairita rin na pinagmasdan ang babae. She's wearing a skimpy black dress na hapit na hapit sa manipis na katawan nito. Kumikinang ang malaking hikaw nito sa tenga. Ang tangkad din nitong tingnan dahil sa heels na suot. Modelo ata ito. "Atlantis." Naningkit ang mga mata niya ng makitang humalik ang babae sa pisngi nito saka mabilis na niyakap ang braso ng lalake. Nakuha pa nitong isiksik ang sarili sa pagitan nila ng lalake. "Akala ko talaga nagsisinungaling si Kaius nang sabihin niyang kasama ka niya ngayon dito." Speaking of Kaius, hindi na niya nakita ang lalake. Kani-kanina lang ay nadito siya kausap ang mga empleyado. "Where is he?" "Nasa baba. He's with a minor, I think. Mukhang pinapagalitan nga niya e." kumibit-balikat ito. "Anyway, it's been a while. Kakauwi ko lang and I heard about Cindy. That woman is obsessed with you. But it shocked me to know that she's pregnant huh." Nanigas siya sa kinauupuan dahil sa narinig. B-buntis siya? "Mabuti na lang at hindi siya nakunan. How lucky." "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi mo alam? Wow. Kakaiba to. You're the father but you didn't know?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD