Chapter 17

3112 Words
Malakas ang boses ng babae kaya hindi nakaligtas sa kaniya ang pagsinghap ng dalawang katabi niya. "What the f**k are you saying?!" Galit na singhal nito sa babae na siyang nagulat sa biglaang siklab ng kasama. "H-hey. Relax. Incase you didn't know bago ako magpunta dito narinig ko na may nakakitang lumabas si Cindy kasama ng pamilya niya sa clinic ng isang obgyne. Usap-usapan na buntis siya at ikaw ang tinuturong ama." It was like a bomb being thrown infront of them. Gulat na gulat sila. Pakiramdam niya tumigil ang mundo at nagmistulang kantang paulit-ulit na nagplay sa tenga niya ang huling sinabi ng babae. Napaangat siya ng tingin ng makitang tumayo si Nyxx. "S-Saan ka pupunta?" But he didn't turn back. He continue walking out. Tarantang nag-excuse siya at hinabol ang lalake kahit na halos bumigay na ang tuhod niya. "Nyxx!" Naabutan niya ito sa hagdan. Hinawakan niya ito sa braso at tinitigan sa mga mata. "Pupunta ka kay Cindy?" "I'll talk to you later, Azul." "Pero Nyxx--" "Azul. Uuwi ka na ba?" biglang sulpot ni Darryl at pinigilan siya sa braso. Mabilis na tinanggal niya iyon. "Pasensya na Darryl." "Ihahatid na kita." "Will you stop it?" iritableng baling ni Nyxx sa lalake. Kumunot ang noo ni Darryl. "Ang alin?" "Ang panglalandi mo sa girlfriend ko." Napasinghap siya. Nagtaas ng kamay si Darryl. "Paglalandi? Pasensya na Seniorito pero gusto ko lang ihatid si Azul." "Can't you read the line? Kaya ko siyang ihatid." "Ako ang nagdala sa kaniya dito." "Hindi mo parin ba maintindihan? Azul wasn't available anymore. She's commmitted to me. Kaya pwede ba, leave her alone." he hold her hand. Darryl's mouth formed an awe dahil sa rebelasyon. Napunta ang mata nito sa kaniya humihingi ng kumpirmasyon. Alanganing ngumite siya. He looked shocked. Ilang sandali pa ay tumikhim ito at tumango. "Okay, i'll leave you two alone. Pasensya na hindi ko naman alam." He then left. Gusto niyang habulin ang lalake pero mahigpit ang hawak sa kaniya ni Nyxx. Wala siyang nagawa kundi ang tanawin papaalis ang lalake. "Halika na. Ihahatid na kita pauwi." Tahimik sila habang lulan ng sasakyan nito. Minarka niya sa isip na itetext niya si Darryl pagkauwi mamaya. Baka kasi sumama ang loob nito dahil sa nangyari kanina. Tumunog ang cellphone ni Nyxx kaya hindi niya napigilang tingnan iyon. Tumatawag ang Papa nito. Sinagot nito iyon at niloud speaker. "Son." "Pa?" "Nasa Ukitan ka parin ba ngayon?" Sumulyap si Nyxx sa kaniya. "No, Pa. Nasa bayan ho ako pero pabalik na rin ako ihahatid ko lang si Azul." "Haven't you heard it yet?" Tumahimik si Nyxx. "Tungkol po ba to sa kaniya?" Alam niyang tinutukoy nito ay si Cindy. She bite her lips and look away. "Umuwi ka muna dito sa mansyon. Your grandpa wants to talk to you. Nandito din ang mga Dela Quesa. This is getting out of hand you—" Hindi na niya narinig ang kasunod ng sinabi ng Papa nito. Sa gilid ng mga mata niya kita niya ang pagkuha nito ng cellphone at pag-off ng loudspeaker. Dinala nito iyon sa tenga at doon pinakinggan ang sinasabi ng ama nito. "That's not true." She heard him sighed. "Alright. Uuwi na ako." "Azul." Nang hindi siya sumagot ay naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya at mahinang pinisil iyon. "Buntis siya." she muttered. "Hindi pa natin alam kung ano ang totoo." "Ikaw ba ang ama?" Natigilan ito at hindi handa sa naging tanong niya. “Azul...” "Ikaw ba Nyxx?" nanginig ang ibabang labi niya. He stop the car nakikita na niya ang bakuran nila. Kinalas nito ang seatbelt at inabot siya. "No. Hindi Azul. Stop crying." ikinulong nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. Puno ng pag-aalala ang mukha ng lalake. "Kung ganun bakit nandoon sila sa inyo ngayon?" "Hindi ko din alam Azul. I'll talk to them. Aayusin ko to." Pero matagal ding naglandian ang dalawa. God knows kung saan umabot ang paglolokohan nila. Kung iisipin at babalikan niya ang dating Nyxx na kilala niya malilinya niya parin ang lalaki kasama nila Kaius at Enrico. Isang haplos, bibigay agad. "May nangyari ba sa inyo?" Napahilamos ang lalaki sa mukha. He look frustrated and stress. "I don't know." "Paanong hindi mo alam?!" Niloloko ba siya nito? Puno ng pait na ngumite siya. Right. Mukhang sa umpisa pa lang talaga niloloko na siya ng lalaki. Wala itong alam kundi kalokohan. He didn't change at all. Kinalas niya ang seatbelt at kinuha ang mga gamit. "Azul." sinubukan nitong pigilan siya. "Siguro pagkatapos ng gabing to Nyxx. Alam mo na kung ano yung nangyari." aniya saka sinara ang pintuan ng kotse nito. Tumakbo siya papasok ng bakuran nila na hilam ang mukha ng luha. She can stll hear him calling but she refuse to look back. Natatakot siya. NYXX POV "Ma." sinalubong siya ng mama niya ng makarating siya sa mansyon. "Thank god you're here." hinalikan niya ito sa noo at magkasabay silang pumasok. "Si Papa?" "Nasa loob. He's talking to Cindy's father. Biglaan to Nyxx bakit ngayon lang? Bakit—" "Ma. I'll take care of it. Kakausapin ko lang si Cindy." Tumango ang mama niya. Narating nila ang tanggapan ng mansyon at nakita niya doon ang lima. Dumako ang tingin niya kay Cindyanna na nakayuko at tahimik sa tabi ng mama nito. She's playing with her fingers. Ang unang nakapansin sa kanila ay ang ama ng huli. He dangerously look at him. "There he is!" "N-Nyxx..." Napatiim-baga siya ng makita ang naniningkit na mga mata ni Cindy. It looks like she just cried. "Son." "Kung pwede ho sana, gusto ko ho munang makausap si Cindy, tito at tita." "For what? Are you going to scold her for telling the whole world that you got her pregnant?" "Hon!" Noon sumingit na ang Lolo niya na nasa tabi at tahimik. "Mas mabuti nga sigurong hayaan na muna natin silang mag-usap. Ang apo ko ay nagulat din hindi niyo siya masisisi. Hindi naman niya tatakasan ang responsibilidad niya. Sisiguraduhin ko iyon." Doon nakita niyang kumalma ng kaunti ang papa ni Cindy. Kinuha niya ang oras na iyon para mahila ang babae papuntang kwarto niya. She tried to escape but he didn't let her. "Nyxx, masakit." Nang maisara ang pinto ay binitiwan niya ang pulsuhan ng babae. All his frustration came out. "What the f**k is this Cindyanna?! Hindi ko akalaing aabot ka sa ganito! Buntis ka?" "Yes." "I don't remember removing your clothes and putting my d**k inside you kaya papaanong buntis ka at ako ang ama?" "This is f*****g insane." ginulo niya ang buhok. "Anong gusto mong gawin ko, magsinungaling?" He gasped. "Gusto ko lang iklaro mo sa lahat kung ano ba talaga ang totoo kasi hindi lang tayo ang apektado dito." Kuno't noong nilingon niya ito ng marinig niya itong tumawa. "Right. kasi apektado ang relasyon niyo ni Azul?" napaawang ang labi niya. How did she know? "Akala mo ba hindi ko malalaman? Habang nasa ospital ako at nagpapagaling, nandoon ka kay Azul at naghahabol. How could you? Hinayaan mo ang lolo mo na mag-ayos sa lahat matapos mo kong lokohin, matapos ang gulong ikaw ang puno't dulo ng lahat! My baby almost died because of you. Alam mo ba, ha?!" tinulak siya nito sa dibdib habang umiiyak. He heaved a sighed. Partly, yes. May kasalanan nga siya. "I'm sorry." “No, patawarin mo ako, Nyxx.” Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ang babae hanggang sa kumalma ito. It's not good for her condition. Ilang minuto din ang nakalipas ng magsalita ang katabi. "Nalaman ko lang nung nangyari yung aksidente. I don't know what to do so I asked the doctor to keep it a secret. I paid him to keep his mouth shut." Tumango siya at nakinig dito. "He said I need to be more careful now kasi muntik na akong magka-miscarriage dahil sa aksidente. Buti na lang at malakas ang kapit ng baby at nadala agad ako sa ospital." "Did you tell him?" tukoy niya sa ama ng dinadala nito. Inamin nito sa kaniya kanina kung sino ang nakabuntis dito. It was the eligitimate son of Mayor Tobias. Titus Montalban, the blackship of the family. Sikat ang pangalan nito dahil sa kaliwa't kanang gulong kinasa-sangkutan sa lugar nila. He even heard he's into illegal guns na nagpaparumi sa pangalan ng ama nito. Hindi niya alam kung paano ang mga ito nagkakilala at hindi ito parehong nag-ingat. Umiling ito. "No. My father will kill me if he finds out who impregnate me. Kaya nga sinabi kong ikaw. I have no choice ilang ulit na akong nahuli ni mama na nagsusuka kaya itinawag niya ako ng doctor. I got scared ikaw lang yung naisip ko.” She hold his hand. “Pakiusap Nyxx, kahit hanggang humupa lang tong isyung to magkunwari ka muna. Pagkatapos nun aaminin ko na ang totoo. Hihingi ako ng tawad sa lahat. Just please, help me with this one." pagmamakaawa nito. "Please." Napahilamos siya ng mukha. Fuck this life. * * * Everything is back to where it started. Sa sumunod na araw ay sa Ukitan na siya pinareport. She's been doing her usual work, talking to suppliers, customers, checking the supply and deliveries. Pero hindi tulad noon, wala na yung sigla. Tumatawa siya pero hindi naman totoo. She wanted to feel okay but its so hard lalo pa at nakikita niya ang lalake. "Pakibilang naman Gio kung ilan para malista ko na ang kulang." Sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang paglabas ni Domeng sa opisina at nilapitan si Nyxx. "Seniorito. May tawag ho galing sa mansyon." "Bakit daw?" tanong ni Nyxx na abala sa pagpuputol ng kahoy. "Baka daw po makalimutan nyo ang nakaplanong lunch niyo sa mansyon." Mga dalawang dipa lang ang layo sa kanila ng lalake kaya rinig nila ang usapan ng mga ito. At kapwa alam nila pareho na naroon ang presensya nilang dalawa sa apat na sulok ng kwartong iyon. Kung tinatanong nyo kung anong nangyari, tila nagmistulang panaginip ang mga araw na naging sila ni Nyxx. Naging mailap sa kaniya ang lalake matapos ang gabing yun. Umasa siya noon na pagkagising niya sasalubungin siya nito at sasabihing hindi nga ito ang ama ng dinadala ni Cindy. Pero walang dumating na Nyxx. Kung meron mang dumating iyon ay ang balitang papanagutan nito ang pagbubuntis ni Cindy at inaasikaso na ang kasal sa lalong madaling panahon. Ang hirap ipakita sa pamilya niya na hindi siya nasasaktan. Tila sampal sa kaniya ang katotohanan. Kaka-amin pa lang nila nung nakaraan tapos ganito na. Mabuti na lamang at walang binabanggit ang pamilya niya siguro alam ng mga itong ayaw niyang pag-usapan. Siguro nga tapos na sila ni Nyxx. Hindi na sila nagkausap matapos iyon at heto nga at nagiging civil na lamang sa isa't-isa para sa trabaho. "Anong oras na ba?" "Alas diyes ho." "I still have time. Sino bang nakausap mo?" "Si Mam Cindy po." Lumingon sa kaniya si Nyxx. Nagkunwari siyang walang narinig at pinagpatuloy ang ginagawa. "Tatawagan ko na lang siya mamaya." he dismissed. "Ang tagal ng alas kwatro!" "Oo nga." Hindi niya napigilang mapangiti sa pag-paparinig ng mga kasamahan. Ngayong gabi kasi nakaplano silang mag-celebrate ng pagbabalik niya. Nahihiya siyang tumanggi kasi kaniya-kaniya na ang mga ito ng plano kaya wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang mga ito. Hindi naman kasi talaga kailangan. Ilang linggo lang naman siyang nawala. "Nasa sasakyan na nga yung mga inumin." "Shh. Mamaya mapagalitan kayo. Tapusin na muna natin ang trabaho." aniya. "Sayang seniorito hindi ka makakapunta." napawi ang ngiti niya sa narinig. Ang alam niya nagpaalam si Domeng kay Nyxx at pinaalam ang plano nila pero tulad ng inaasahan niya, umayaw ito. Pero pumayag na dito sila mag-inuman, nagbigay din ito ng libreng inumin para mamaya. Sino ba naman siya para pagbigyan? "Susubukan ko." "Intindihin na lang natin. Ikakasal na si Seniorito." gusto niyang maging bingi sa oras na iyon. "Ang bilis ng panahon baka sa susunod may mga bata na ditong nagtatakbuhan—" Pabagsak na ibinaba ni Nyxx ang hawak na panukat. "Bilisan mo na diyan Dennis. Kanina pa yan inaantay." biglang pagbabago ng mood ng lalake. "P-pasensya na seniorito." Walang tugon ang lalake at iniwan sila doon. "Ayan. Mas mabuting tumahimik ka na lang." tukso ni Raul kay Dennis. "Pasensya naman. Pero pansin niyo ba? Mukhang ayaw pag-usapan ni Seniorito ang kasal niya. Saka mainitin na naman ang ulo." "Syempre gusto nilang maging pribado. Saka abala sa kasal." "Oo nga. Biglaang responsibilidad din yun. Ang balita ko nga—" "Ayan na naman kayo! Nahawaan na kayo ni Domeng ng katsi-tsismis." saway ni Tarah na may dalang pagkain. "Mahal naman." "Kayo talagang mga lalake ang tsismoso. Bumalik ka na nga dun, ikaw talaga ang source ng lahat ng to." Pinagtawanan nila si Domeng na nakasimangot na sumunod sa asawa. * * * "Ilang linggo ka din sa Distillery Mam Azul wala man lang ba umaaligid na lalaki?" Humagikgik siya. Parehong may tama na rin dahil kanina pa sila nag-iinuman. "Boyfriend? Hindi na ata ako magkakaroon ng ganoon." Muling nilagyan ni Gio ng alak ang baso niya. Nagkanda buhos buhos pa ang iba dahil dumodoble na rin ata ang tingin nito. "Ikaw na lang ang jojowain ko Gio. Single ka naman diba?" nagpacute siya sa harap nito. Natigilan ang lalake. Gwapo naman si Gio saka baby face. Humarap siya dito at hinawakan ito sa pisngi. Nakarinig siya ng halakhakan sa mga kasamahan. Lalong namula ito. "Mam Azul, lasing ka na. Wag mo nang bibigyan yan!" saway ng isa. "Ayaw mo ba?" Nakaramdam siya ng lungkot. Bakit parang ayaw ng mga ito sa kaniya? Hindi ba siya kamahal mahal? Dumaloy ang luha sa pisngi niya. "Hala bakit niyo pinaiyak yan?" "Hoy Gio!" may nagtapon ng mani kay Gio na siyang papikit-pikit na. "Wala akong ginagawa." Sinapo niya ang mukha at humagolgol. Nagising si Tarah na siyang nalasing na sa tabi at niyakap siya. "Azul? Bakit ka umiiyak?" "Bakit ayaw niyo sa akin? Hindi ko naman kayo iiwan." "What's happening?" isang tinig ang narinig niya pero sige parin siya sa paghila sa damit ni Gio at pilit nilalapit ang lalake. May mga brasong humawak sa parehong kamay niya. "Azul." "Ano ba. Bitawan mo nga ako." Muli niyang inabot si Gio. "Gio, tayo na lang ha?" inilapit niya ang bibig sa labi ni Gio at pinatakan ito ng halik. Nakarinig siya ng mga mura bago ang malakas na paghila sa kaniya papalayo kay Gio na bumagsak ang ulo sa mesa. Walang umawat ng hilain siya at ilayo ni Nyxx doon. Nahihilo siya sa bilis ng paglalakad nito at hindi niya maklaro kung saan siya nito dinala. Tumigil sila. At doon niya naklaro na nasa kusina sila. "Wash your face." Nakapikit na umiling siya. Sinubukan niyang bumalik pero ikinulong siya nito sa pagitan. Naramdaman niya ito na pumwesto sa likuran niya at binuksan ang gripo. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang tubig sa mukha. Ito na mismo ang naghilamos sa kaniya. Pinahid nito ang labi niya. "Kung sino-sino ang hinahalikan mo." Pinaharap siya nito at tinuyo ang mukha niya. "Ano bang pakialam mo? Single naman na ako." Mariin siya nitong tiningnan. "Single? Wala akong natatandaang nagbreak tayo." Kelangan pa ba yun? Hindi pa ba sapat na may papakasalan na ito? "So ano to? Gagawin mo akong kabit mo?" Pekeng tumawa siya pagkakuwa'y tumango. "Sige. Kung yan ang gusto mo." ikinawit niya ang braso sa leeg ng lalake at inilapit ang katawan. Dala na rin siguro ng kalasingan kaya siya nagkalakas ng loob. "Ikaw lang ang hahalikan ko." nilapit niya ang mukha sa mukha nito at ikiniskis ang ilong sa ilong nito bago binigyan ito ng malalim at mainit na halik sa labi. She softly bite his lips and moaned seductively. Pero walang naging tugon ang lalake she tried to kiss him again pero umiwas ito. Tumama ang labi niya sa pisngi nito. Nasaktan siya, unti-unting lumuwag ang kapit niya sa leeg nito. Bumalik ang kirot sa dibdib niya at naalala kung bakit niya ginagawa iyon. Para siyang tanga. Handa siyang ibaba ang sarili para lang balikan nito. Kinagat niya ang labi para mapigilan ang panginginig nun dahil gusto nyang umiyak. Nahihiya siya para sa sarili. "Azul..." kita niya ang pagpanic ng lalake. Umiling siya. "Bakit? Anong nangyari Nyxx? Ganito na ba matatapos? Hindi man lang tayo nagkausap ng maayos." hikbi niya. "Paano ako? Sana hindi na lang natin sinimulan kung mauuwi man lang din sa ganito. Okay na naman akong mahalin ka sa malayo noon pero ngayon... hindi ko na ata kaya pa. Ang sakit na dito." turo niya sa dibdib. "Azul..." "Sana pinigilan ko pa lalo, sana hindi ako naging marupok! Sana sinunod ko ang gusto ni Cindy na tigilan na kita." "Sawa na akong makipag-kompetensya sa kaniya, Nyxx. Ako naman lagi ang talo. Maybe staying unrequited with you is the best thing." Pinahid niya ang mga luha at pinilit na bigyan ng huling ngiti ang lalake. "Goodluck sa bubuohin mong pamilya." "Hindi. Teka, makinig ka Azul." Hinabol siya nito at sinapo ang kaniyang mukha. He looked at her with fear and love. Bakit ganito siya? "Tama na Nyxx. Pakiusap wag kang maging selfish." iyak niya saka ito itinulak. "Oh, f**k that secret!" mura nito bago hinila ang leeg nya at mapusok na hinalikan. Isinandal siya nito sa sink. Gulat na gulat siya at hindi inaasahan ang galaw nito. Gusto niyang itanong ang sekretong sinasabi nito pero hindi siya nito binigyan ng pagkakataon. Napakapit siya sa braso nito dahil pakiramdam niya biglang nanlambot ang mga paa niya. Ngayon lang siya nito hinalikan sa ganoong paraan. Napasinghap siya ng gumapang ang kamay nito sa dibdib niya. She let out a soft moan as he massage it with his palms. Ramdam niya ang mainit nitong palad sa dibdib niya. Unti-unting bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. She felt something bulging down there. Hindi niya napigilang mapaungol sa kakaibang hatid nun sa kaniya. "Umuwi na ba sila?" "Baka nandito sa kusina. Nakita ko dito pumasok e." Pareho silang natigilan ng makarinig ng boses at papalapit na yabag. Nahinto ang lalake sa paghalik. "Nyxx." Hindi niya makilala ang sariling boses. Dulot ba ng kaba? Nanlaki ang mga mata niya ng muli siya nitong hilain papuntang isang pintuan kung saan dadalhin sila sa labas. Nagawa nilang makalabas bago pa makapasok ang kasamahan. Nasapo niya ang ulo dahil sa hilo. Madilim na sa labas at sa tulong ng kakarampot na ilaw ay narating nila ang kwarto kung saan naroon ang mga furnitures na tapos ng gawin at for delivery na lang. "Anong ginagawa natin—" Napasinghap siya ng isandal siya nito sa pintuan at muling halikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD