HINDI ALAM NI LIZA kung paano siya magsisimula ngayong wala na si Mike at Miggy sa kanyang buhay. Pakiramdam niya ay malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nawala. Ganun pa man ay ito ang tama niyang gawin. Niloko siya ni Mike. Mabuti na lang at pinuntahan niya ito sa opisina nito at narinig niya ang lahat. Matagal nang nagkukunwari si Mike sa kanya. Sinadya nitong akuin si Miggy upang maghiganti kay Miko at maging siya ay ginamit nito. Kay sakit isipin na ang lahat ay isa lang palang malaking pagkukunwari. Muntikan pa silang umabot sa kasalan. Kung nagkataon ay hindi na siya makakalaya pa kay Mike. Habang buhay siya nitong parurusahan dahil sa panloloko ng kanyang kapatid. Tinawagan niya si Lola Katerina. Plano niyang ibalik ang perang ibinigay nito sa kanya. "Umalis ka raw?" tanong

