NABIGLA SI MIKE nang biglang sumulpot si Dyna sa kanyang opisina. Simula nang magkaayos sila ni Liza ay hindi niya na muling tinawagan ang babae. Ito lang naman ang panay ang lapit sa kanya. Alam niyang ginagamit lang nito ang pagkakataon dahil nagkakalabuan sila ni Liza. Akala yata ni Dyna ay babalik ulit siya rito. “What are you doing here?” kunot ang noo niyang tanong. “Mukhang nagkabalikan na naman kayo ni Liza at hindi mo na naman ako pinapansin,” galit na sagot sa kanya ni Dyna. “Ikakasal na kami ni Liza, Dyna,” sagot niya na ikinabigla ni Dyna. Natigilan ito sa kanyang sinabi. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at nilapitan ito. “Sa simula pa lang ay alam mo ng mahal ko si Liza at hindi magbabago ‘yon Dyna.” “At ako'y isang pampalipas oras mo lang ganun ba?” “Hindi kita pinilit

