WALANG MAPAGSIDLAN ang mga puso nila habang kumakain sila ng almusal. Masayang-masaya ang pamilya niya para sa kanila ni Liza. Alam niyang hangad ng mga ito ang kanyang kasiyahan. “Tinawagan mo ba si Jared?” tanong sa kanya ni Lolo Javier kaya natigilan siya. “Siya lang ang kulang dito.” “Mahina kasi ang signal dito kaya hindi ko binuksan ang cellphone ko,” sagot niya. Tumayo siya at kinuha niya ang kanyang cellphone na pinatong niya kanina sa sala at muling bumalik sa hapag-kainan. “Kuya na si Miggy,” narinig niyang wika ni Arya kay Liza na kanina pa nito tinutukso. “Call him at papuntahin mo rito,” wika sa kanya ni Lolo Javier. “Kahit kailan talaga ang batang ‘yan,” napapailing pa na wika ni Lolo Javier. Binuksan niya ang kanyang cellphone at sunod-sunod na pumasok ang mga notificat

