KANINA pa hinihintay ni Jared si Dyna sa kanyang bahay pero hindi pa rin ito dumarating. Naiinis na siya sa babae. Masyado itong kampante sa krimen na ginawa na dapat ay piangbabayaran nito. Mabilis siyang napatayo nang marinig niyang may nag-doorbell. Nakakunot ang noo ni Dyna nang pagbuksan niya ito ng gate. Mabilis itong pumasok sa bahay niya na aala mo ay sino. “Ano ba ang kailangan mo sa akin?” tanong sa kanya ni Dyna sa galit na boses. “Hindi mo nga sinabi sa akin na nagbakasyon si Mike kasama ang Liza na ‘yon!” singhal nito sa kanya. “Wala na akong pakialam sa inyong dalawa. Sa tingin mo ba ay nakakatuwa na pagbantaan ako ng ama mo? Hindi ako natatakot Dyna. Gusto ko lang sabihin sa’yo na sasabihin ko na kay Mike ang mga ginawa natin,” wika niya kay Dyna. “Baliw ka na ba? Baka n

