TWELVE YEARS OLD lamang si Jared nang aminin sa kanya ni Mama Katerina na ampon lamang siya. Hindi naman na siya nabigla dahil naririnig niya naman ‘yon sa mga katulong at mga tauhan ng kanyang mga magulang. Kaedaran niya nga lang ang kambal na anak ng kanyang Kuya Lucas. Kung minsan nga sinabihan siya ng kanyang mga kaklase na paano niya raw magiging ina si Katerina Salazar, samantalang matanda na ito. Niyakap siya sa ng kanyang ina. Kahit pa alam niya na ang totoo ay nasaktan pa rin siya. Iba pa rin pala kapag galing sa bibig nito ang katotohanan. Hindi niya mapigilang hindi maiyak. Hindi siya tunay na Salazar pero dinadala niya ang apelyido ng mga ito. “Alam kong palagi mong naririnig na isa ka lang ampon Jared pero mahal na mahal ka ni Mama at Papa. Kailanman ay hindi ka namin itinur

