1

865 Words
"Lady, pinapatawag kayo ni Señyor, Tumuloy daw po kayo sa opisina niya." Bungad na sabi sa akin ng isa sa mga katulong namin bago lumapit at kinuha ang mga gamit ko. Kagagaling ko lang sa school at ipinapatawag agad ako ni Papa. Ano kaya ang problema? "Okay, I'll just change my clothes and I'll go there." "Sabi nang Papa mo dumiretso ka na daw po don Lady Vixen." Biglang sulpot ng isa pang katulong. I nodded to them and continue walking straight to my Father's office. Akmang bubuksan ko ang pinto ng bumukas ito kasabay ng paglabas ng isa pang katulong. Bahagya itong yumuko bago ipinag patuloy ang pag alis. Pumasok ako sa nakabukas na pinto at isinara yon bago lumapit sa lamesa niya. "Papa. Pinapatawag niyo daw po ako." Nakaupo siya suot ang salamin at nakatingin sa isang papel at nakakunot noo habang binabasa. "Papa" Pagsasalita ko ulit habang umuupo sa harap ng mesa niya. Tiningnan niya ko nang may nanlilisik ang mata bago sinampal. "What is this Vixen. I told you to took Business than this Arts." Galit na galit na ipinakita niya sa akin ang papel na pinirmahan ko lang sa school kanina lang. Nagulat ako sa biglaang pag sampal niya sakin. At ilang minutong hindi nagsalita. Naririnig ko ang malalalim niyang paghinga at napatingin ako sa nanginginig niyang makalyong kamay na sumampal sa akin. "But Papa, I didn't know how to handle our business." Naiiyak kong usal habang hawak ang pisnging sinampal niya. "Kaya ka nga mag aaral at pag aaralan mo kung paano! Vixen huwag na matigas ang ulo! You'll study Business than other things. Understand!" Sigaw niya at mabilis na nilukot ang papel at itinapon. Dahan dahan lang akong tumango habang patuloy na lumuluha. "Go back to your room and change. I have a dinner meeting. And you will come with me. I want you to meet my business partners." he said and back to his doing. WHILE we are waiting for my Father business partners, we already order foods for us. "You should know what we are doing. So, In time you'll know how to handle our business Vixen." Basag ni Papa sa katahimikan habang patuloy kaming kumakain. "Yes Papa." I said. Kahit pa ayaw ko ang business basta kung ikakasaya niya doon ako. Ginagawa ko lahat ng gusto niya kahit hindi ko gusto. Wala naman kase akong karapatang humindi. Mula ng iniwan kami ni Mama para sa personal na luho niya nagbago ang Papa. Ibinunton niya lahat ng hinanakit sa akin. Bilang pasasalamat at kinupkop niya pako, kaylangan kong sumunod sa lahat ng utos niya. "This is my son George, Mil." Pakilala ng Business partner ni Papa. "Nice to meet you Tito George." Isang binata na maamo ang mukha at nakipag kamay kay Papa. "Nice to meet you too. This is my Daughter Vixen." Papa said. Nakipagkamay din ako at nag usap na sila tungkol sa business. Madalas akong isali ni papa sa usapan at ang tanging sagot kolang ay tango at 'opo'. Lumipas ang oras humahaba ang usapan nila tungkol sa business. madalas kong nakikita na pasulyap sulyap sa gawi ko ang anak ng business partner ni papa tila ba may gustong sabihin. Bahagya ko siyang nginitian upang hindi naman niya sabihin na masungit akong babae. "Hi, Do you often read a book?" He asked Napansin niya siguro yung dala kong libro. I nodded. Mula noon palagi niya na akong kinakausap, tinuturuan sa mga bagay at napalapit na ang loob ko sa kanya simula noon. I offer him a friendship dahil yun lang ang kaya ko. He always gift me a book, he always come and visit at my school gaya nalang ngayon. "Do you have class? Baka nakakaabala ako." Umiling ako habang pinagmamasdan siya. Mil is a nice and good looking guy kaya medyo marami ring babaeng napapagawi ang tingin sa amin or should i say looking at him. "Let's go" I said "Okay" Hinila niya ko papunta sa kotse niya. Papunta kami ngayon sa isang restaurant. Nag yaya siyang kumain bago ako ihatid sa bahay. We are friends now, gaya ng gusto ni Papa. Napailing nalang ako. Ganito palagi ang routine namin. Sinusundo niya ko, kakain sa labas at ihahatid pauwi. "Are you okay with your activities in school? Mukhang nahihirapan ka, you know i can help you with that." he said dahil napansin niya yatang tahimik ako. "Hindi naman gaano, kaya pa naman." I said and smile at him. Nag umpisa na kaming kumain at nag usap pa ng kaunti tungkol sa school and business. PAGDATING sa bahay, nag aabang si Papa. Palagi naman siyang ganyan. He always wait and smile when he see that me and Mil will comfortable with each other. At kapag kaming dalawa nalang, he keep saying. "Ikaw ang mamamahala ng mga business Vixen kaya dapat maging malapit pa kayo dahil kayo ang magtutulungan kapag sayo kona ipinaubaya ang kompanya natin." "Opo" ang palagi kong sagot. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, sige na magbihis kana at magpahinga." Tuloy tuloy na akong pumasok nang nakayuko. Itinatago ang nagbabadyang luha sa mga mata. Napasinghap ako ng tuluyan ng nalaglag ang mga luha ko. Puno ng pagtatampo, puno ng awa para sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD