KINA-Umagahan maaga akong nagising kahit pa late na natulog dahil sa kakaiyak. Naligo at inayos ang sarili bago nag muni muni ulit sa harap ng bintana.
Si Mama, gusto kong makita para malaman kung bakit niya ginawa, kung bakit niya mas pinili ang ibang bagay, mga luho niya kaysa sa amin. Hindi ba kami mas matimbang sa kanya at nakaya niya kami talikuran.
"Lady Vixen may nag hahanap sayo sa gate." Tawag ng isang katulong sa labas ng kwarto ko.
Napabuntong hininga ako at humarap sa salamin upang ayusin muli ang sarili.
"Sige, lalabas nako."
Suot ang puting dress at sandals tinitigan ko ang aking sarili. Maraming nag sasabi na kahawig na kahawig ko ang mama pero hindi ako naniniwala.
Ilang minuto pa ang tinagal ko sa harap ng salamin bago napag pasiyahan na lumabas na.
"You look good, i mean you're beautiful."
Salubong sa akin ni Mil pagbaba ko.
"Thanks." At tipid akong ngumiti.
Gumanti siya nang mas malaking ngiti at hinawakan ako sa siko.
"Let's go."
Hindi na ako nagpaalam kay Papa dahil mukhang abala siya at baka maka istorbo lang ako sa kanya. Ayaw ko namang magalit siya.
PUPUNTA kami sa mall ngayon, nasabi ko kase sa text sa kanya na may kaylangan akong tingnan na libro at nag alok siyang samahan ako.
We gave each other our number, so we can text each other.
Siya lang naman ang nagtetext sa akin at nag tatanong kung saan ako pupunta at anong gagawin ko. Kaya itong lakad na ito ay inalok niya lang ako kung pwede samahan niya daw ako.
"Anong bang titingnan mong libro? Business books? You know I have a lot of books in our home you can have it if you want." Pag bubukas niya ng topic habang nag mamaneho.
"No, I just want to find something new to read. Not about business." I said.
"Okay, yun lang ba? Wala ka nang ibang pupuntahan?" Tanong niya ulit.
Umiling lang ako sa kanya bilang sagot dahil wala naman akong balak puntahang ibang lugar.
Pa sulyap sulyap siya sa akin habang nag tatanong at tumatango sa sagot ko.
Nang nakarating kami sa parking lot ay humanap siya nang pag paparkan at nagpasiya na kaming papasok.
Bumaba ako sa kotse at ganon rin siya , ngunit hindi pa kami nakakapasok nang tumunog ang cellphone niya.
Huminto siya upang sagutin ang tawag at ganon din ako upang maghintay sa kanya.
"Oh- Yes Dad, I don't know. Im going there. Okay-"
Tumingin siya sa akin pagka baba niya sa tawag.
Mukhang may problema base sa mukha niyang di maipinta.
"Hey, I'm sorry, nagkaroon ng problema at hinahanap ako ni Daddy. Gusto kitang samahan pero kaylangan ako don. I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin.
Ngumiti ako sa kanya at sumagot.
"Okay lang, you should go now. I can handle myself. Ingat, salamat sa paghatid."
Tumango siya at nag mamadaling bumalik sa kotse niya at umalis.
Nagpatuloy ako papunta sa loob ng mall upang mag hanap na ng mga bagong libro.
I used to this, being alone. Okay lang naman sa akin ang mag isa dahil ayaw ko rin naman makisama sa iba.
Pumunta ako sa iba't ibang bookstore na nadaanan ko at bumili ng nagustuhan kong libro.
Tatlong libro ang nabili ko at nagpasiyang kumain na muna dahil napagod ako kahahanap. Mag aalas dos nadin ng tanghali at hindi pako kumakain.
Pumasok ako sa KFC at dito kumain. Hindi yata nag tagal ng isang oras don ay nakalabas na ako.
Hindi muna ako umuwi dahil gusto kong maglakad lakad upang bumaba ang kinain ko.
Naglalakad lakad ako ng may napansin na lalaking naka jacket at nakayukong naka upo sa isang bench habang kausap ng isang lalaking naka suit na itim.
Mukhang pinapagsabihan yung lalaking naka jacket dahil dinuduro duro pa siya.
Nag mamasid lang ako sa kanila.
Biglang nag walk out yung naka suit na lalaki at naiwan mag isa yung naka jacket.
Dahil sa pagiging mausisa ko, lumapit ako at umupo sa tabi nang lalaki na may konting distansiya.
"Ahmm- are you okay?" I asked.
Hindi siya nag salita. Tumungin ako sa kanya at muling tinanong. Nakatungo lang siya.
"Are you okay?"
Dahan dahan siyang nag angat ng tingin at nag tama ang tingin namin sa isa't isa.
Bahagya akong natigilan dahil sa mata niya puno ng lungkot at siya naman ay tumikhim.
Hindi aninag ang mukha niya at saglitan ko lang din napag masdan ang kanyang mga mata.
Sandali kaming natahimik bago siya nag salita.
"I'm fine."
Wala akong mahanap na itatanong dahil hindi naman kami magka kilala. At natatakot ako na may masabi akong hindi maganda.
Tahimik lang ulit kami ng mga ilang minuto.
Hindi maalis sa isip ko ang mga mata niya na sobrang lungkot.
Yumuko ako at Napansin kong nanginginig ang mga kamay niya. Natakot ba siya kanina sa lalaking naka itim?
Sa hindi pagkakataon , hindi ko namalayan hinawakan ko ang kamay niya na nanginginig.
Nagulat siya at tumingin sa akin ng nag tataka. Hindi ko maaninag nang masyado ang mukha niya ngunit ang perpektong tangos ng ilong niya ay kitang kita.
Ngumiti ako sa kanya upang hindi siya matakot.
"Natatakot kaba?" Tanong ko.
Hindi siya nag salita at tumingin lang sa akin at bumalik ang tingin niya sa kamay kong nakapatong sa kamay niya.
Pinisil ko ang kamay niya upang iparating na magiging okay lang din ang lahat kung may problema man siyang pinagdaraanan.
Nagtagal nang ganon ang pwesto ng kamay namin. At nang naramdaman kong medyo okay na siya dahil hindi na nanginginig ang kamay niya.
Akmang aalisin ko na ang kamay ko, ngunit nabitin sa ere dahil siya naman ang humawak sa kamay ko ngayon.
"Saglit lang," medyo mahina niyang sambit.
Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko dahil tingin ko, kaylangan niya ng makakasama ngayon.