NAGING madali sa akin ang mga sumunod na araw dahil hindi ako pinapakielamanan ni Papa, siguro dahil busy sa trabaho.
Nakaupo ako sa isang bench ng school, naghihintay nang sundo, hindi pa kase oras ng uwian pero maagang nagpalabas ang prof namin dahil malapit na ang intrams at tapos naman na din ang examinations para sa taong ito.
Nakamasid lang ako sa paligid habang nag iisip , napapatingin ako minsan sa mga dumaraang magkakaibigan na nagtatawanan.
Hindi mawala sa isip ko ang lalaki sa mall.
Pagkatapos niyang hawakan ang kamay ko ng kalahating oras ay bigla na lamang siyang umalis. Ni hindi man lang nagpasalamat.
"Vix, What are you doing here?" Tanong ni Reece nang makalapit sa akin. Pinsan ko.
"Nasaan sila Erza?" Pahabol na tanong niya pa.
Mukhang galing pa siya sa practice niya dahil naka suot pa ng jersey na mukhang pawisan at may sport bag sa balikat.
Busy kami ngayon sa school dahil sa mga activities, sumali ako sa art club nang palihim dahil alam kong kapag nalaman ni Papa mapapagalitan nanaman ako o kaya baka saktan nanaman niya ako.
"Maaga nag palabas e. Saka naghihintay sa sundo. Sila Erza busy rin sa practice. You know her, she love Volleyball." Paliwanag ko
"Busy kamo siya magpasikat sakin. Anyway, pwede mo namang tawagan yung driver niyo para makauwi kana." Sabi niya habang umuupo sa tabi ko
"Kapal mo. Ikaw kaya may type kay Erza." Irap ko sa kanya. Tumawa lang siya. "Tungkol sa pagpapasundo ayokong abalahin, saka okay lang maghintay, how about you Reece? Tired?" Ako habang patuloy na pinag mamasdan ang mga studyanteng nag lalakad.
"Tss. Tired yes but I love what I'm doing Vix. Kamusta yung Club na sinalihan mo?" He said and then he open his thumbler and drink.
Yabang nang ulupong na ito.
"It's fine, Don't tell Papa." I said
Si Reece ang pinaka close kong pinsan. Ewan ko ba basta malapit ako sa kanya at ganon din siya sakin. Kaya nga lang minsan nakakainis siya.
"Okay." He said and stand.
Tapos na pala siyang uminom.
"Let's go. ako na mag hahatid sayo baka kung mapano kapa kapag nag tagal ka dito. Uto uto ka pa naman." Sabay hila sakin
Kainis talaga ang lalaking ito.
Sabay kaming nag punta sa parking lot at nandon yung sasakyan niyang Aston Martin na agaw pansin.
Boys. Tss.
Hinatid niya ko sa bahay at binigyan nang halik sa pisngi nang makarating na kami.
"Pakabait ka." He said.
Pinaikutan ko lang siya ng mata kaya bahagya siyang tumawa.
SUNDAY , kaya lalabas ako upang mag simba. I want to pray and ask for forgiveness to him dahil nitong mga nakaraang araw ay nagtanim ako ng sama ng loob para sa aking ama.
Wearing white simple dress I make my way to go out of our house.
Nagpahatid ako sa driver namin at hindi na magpapasundo dahil kaylangan siya ni Papa.
Hindi naman nagtagal at nakarating ako sa simbahan at nakinig sa misa.
"Through ups and down, Remember this , He will always there for us. Kahit ano pa ang problema mo, kumapit kalang sa kanya hindi ka niya pababayaan." Father
Marami akong pamilya na nakikitang tumayo matapos ang pagpapahagayag ni father ng salita ng Diyos para sa araw na iyon.
God words are so powerful.
Nag tagal pa ako ng konti bago napagpasiyahang lumabas.
While walking outside the church. I saw the familiar guy at the mall?
Ibang iba ang ayos nito kumpara sa mall. Kung nung nasa mall ay naka jacket ito at pantalon lang. Ngayon ay naka black suit ito at kitang kita ngayon ang mukha nito.
I'm not sure though if he is the guy from the mall, Dahil mata lang naman ang nakita ko at ang perpekto niyang ilong.
Pero, Itong lalaki nato. Sa paglalakad palang parang sumisigaw na ang karangyaan sa buhay at higit sa lahat ang badboy look nito.
He's Handsome, A combination of a man who have the looks and power.
Huminto ako sa isang gilid habang pinagmamasdan siya. Halos lingunin siya ng mga tao dahil bukod sa malakas ang dating niya ay may mga kasama din siyang body guards.
Bakit parang iba yata ang aura niya ngayon kumpara sa mall. Siguro wala na siyang problema.
Nagkibit balikat ako at ambang aalis na nang biglang nag ring ang phone ko kaya dali dali kong kinuha sa suot kong shoulder bag.
Zia Calling..
Ano naman kaya kaylangan ng babaita na ito.
"What?" Pagka sagot ko
"Anong what? Vixen baka nakakalimutan mo, Today is Zero's Birthday. You need to attend 'cause you promise." Paliwanag niya
"s**t. Oo nga pala."
"Yeah, Yes."
"What time?"
"7pm start, but you need to be here by 6:30. I want to tell you something." She said and ended the call.
Ano naman kaya yon. Minsan talaga kahit kaylan may pagka misteryoso ang babaing yon.
Zia is a friend. Kaibigan na may gusto sa pinsan kong si Reece pero may boyfriend.
I check the time and its 11:30 am. Malapit na pala mag lunch.
Luminga linga ako sa paligid para sana sumakay pero wala namang mga dumadaang sasakyan.
Naghanap nalang ako ng kakainan dahil gutom na talaga ko.
Enjoying eating mami in the corner, biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko.
It's him, the guy in the mall.