XLVI. NASA AIRPORT NA sina Soshmitta at kumpleto na silang magbabarkada. Handa na silang pumunta sa isa sa pinakamagandang lugar ng Pilipinas—ang Palawan. Hindi naman niya maitago ang saya sa mukha sapagkat ito ang kauna-unahang beses na makapupunta siya roon. Isa rin ito sa mga pangarap niya sa buhay. Ang makapasyal sa iba’t ibang lugar na may mga magagandang tanawin. Limang araw sila roon kaya sisiguraduhin niya na masusulit niya ang araw roon. Papaakyat na sila ng eroplano. Nang nasa loob na sila ay hinanap na nila ang mauupuan nila. Hindi naman kasi lahat magkatabi dahil sa numbering. “Mahal? Sino ang katabi mo?” tanong ni Soshmitta kay Troy. “Wait lang!” May tiningnan si Troy. ”Ah, si Lady, mahal.” “Okay.” Sinilip pa iyon ni Soshmitta. “Hi, Sosh. Magkatabi pala tayo,” nakangiti

