XXXIX. NAPATIGIL SI MARKUS sa ginawang takdang-aralin nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Lady. Humiling ito sa kaniya na hanapin ang kaibigan nilang si Lord. Sinabi rin nito na sinubukan nitong pigilan ang kaibigan pero nagmamatigas ito. Agad nang tumayo si Markus at inayos ang mga gamit niya. Pagkatapos, nagbihis na siya ng panglakad. Habang naglalakad pababa ng bahay, tinawagan niya sina Earl at Edward. Ang sabi niya, dadaanan niya lang ang mga ito. Mabuti naman ay pumayag ang mga ito nang walang pagdadalawang-isip. Ang unang nasa isip ni Markus na posibleng pupuntahan ni Lord ay ang bar. Alam niya na wala itong masyadong alam na bar at ang tanging alam lang nito ay ang bar na palagi nilang pinupuntahan magkakaibigan. Kaya sa lugar na iyon nila ito unang hahanapin. Nauna ng p

