XL. NASA SILID-ARALAN nila Hope sina Earl at Markus. Pinag-uusapan naman nila ang nangyari kahapon. Lalo na ang paglalasing ni Lord. Kagabi, sinubukan nila itong huwag ng painumin ng alak. Pero nagbanta lang si Lord na kung pipigilan nila ito ay magwawala ito sa loob. Wala naman silang nagawa kung hindi ang hayaan ito at bantayan na lang kaysa gumawa ng iskandalo. Nang tinamaan na ito ng espirito ng alak, agad na nila itong hinatid nang ligtas sa bahay nito. Labis ang galit si Earl sa kaibigan niyang si Troy. Hindi niya rin ito pinansin kanina. Bagaman nakaramdam siya ng awa sa natamo nitong mga pasa, hindi iyon maging dahilan para patawarin niya ito. Para sa kaniya, napakabuting tao ni Lord para saktan lang ng ganoon. Habang nag-uusap silang magkakaibigan. Hindi namalayan ni Earl na ma

