XLVIII. NANG TUMAKBO SI Lord papuntang dagat ay hinabol ito ni Soshmitta. Gusto lang nitong kausapin ang binata. Gusto niyang tapusin na ang lahat. Ang buong akala niya ay wala ng problema, pero hindi! Galit pa rin pala ito sa kaniya at nakumpirma niya iyon mismo sa bibig nito. Kahit alam niyang may lugar pa rin si Lord sa puso niya, mas pipiliin niyang hindi lang iyon masyadong pansinin. Nandiyan naman si Troy sa kaniya na alam niyang katulad niya ay dalawa rin ang gusto. Hindi man nito sinabi nang personal pero nakikita niya iyon sa mga mata nito. Ilang beses na rin niyang nahuli itong nagnakaw ng tingin kay Lady. Ang kinaiinisan niya rito, masyado itong halata. “Lord!” sigaw ni Soshmitta. Nasa dagat na si Lord at hindi man lang siya nito pinansin. Ang ginawa niya, lumangoy papunta

