XLIX. PAGMULAT NG MGA mata ni Lady, ang lapad ng ngiti niya. Masaya lang siya na magaan na ang pakiramdam niya. Babangon na sana siya pero grabe ang higpit ng yakap ni Lord sa kaniya. Halos hindi na nga siya makahinga. Sa kaniya pa patungo ang hininga nito. Wala naman siyang nagawa roon kung hindi saluhin iyon. Hindi kagandahan ang amoy nito pero naiintindihan niya iyon. Kahit din naman sa kaniya ay hindi rin kaaya-aya ang amoy. Natawa na lang siya sa katotohanang walang mabango ang hininga tuwing bagong gising. Lahat ay panis. Hinalikan na niya ito sa noo. Pakatapos, ibinaba niya rin iyon patungo sa labi. Habang hinahalikan ito, hindi pa rin ito nagising. Halatang napasarap sa pagtulog ang mahal niya. Ang ginawa niya, hinayaan na lang muna ito. Wala rin naman sa batas na kailangan ay ma

