L. PAGKAGISING NI SOSHMITTA ay agad siyang napalingon sa mga kaibigan niya na nasa loob ng kuwarto. Lahat ng mga ito ay masarap pa ang tulog. Wala man lang senyales na gigising na ang mga ito. Para hindi siya mabagot sa kuwarto, bumangon na siya. Dumiretso naman siya sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Habang ginagawa iyon, naalala niya ang nangyari kagabi. Kung hindi lang siya nakita ni Lord, siguradong nasa purinarya na siya ngayon. Kaya malaki ang pasasalamat niya sa dating kasintahan. Utang niya ang buhay niya rito. Nang natapos, nag-ayos na muna siya ng mukha. Sinigurado niyang maganda siya. Gusto niya lang na presko siya tingna. Sa isipan niya, wala naman sigurong babae na gusto maging haggard. Kinuha naman niya ang cell phone sa kama. Gusto niya lang kumustahin ang kasintahan

