XXXIV. NAKATAMBAY SI LORD sa bahay ng lolo at lola niya na pamilya ng ama niyang sina Lord at Kenjie. Nasa tapat lang ito ng bahay nila kaya madalas din siyang bumisita roon para makipag-usap din sa mga lolo at lola niya na sobrang mahal niya. Nang natapos siyang makipagkuwentuhan sa mga ito ay dumiretso siya sa kuwarto ng ama niya. Iyon ang mas paborito niyang tambayan. Masaya lang siya na makita ang lahat ng mga likha ng ama niya. Katulad ng painting, sketches, at iba pa. Sa mga likhang iyon, parang nakikita na rin niya ang yumaong ama. Humiga na siya sa kama sabay titig sa puting kisame. Kasabay naman niyon ay ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Sa kuwartong iyon ang labasan niya ng lungkot. Hindi siya natatakot na baka may makakakita sa kaniya. “Daddy, I love you,” mahinang sab

