XXXV. NASA LABAS SI Earl sa bahay ng babaeng pinagka-interesan niya. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang paghanga niya rito. Pero ang sigurado siya ay isa ito sa dahilan ng mga ngiti niya sa pang araw-araw. Nabighani lang siya sa ganda nito at kahit paano ay naintindihan na niya ang ugali nito. May ugali ito na hindi maganda pero sigurado siyang kaya pa nitong magbago. Hindi rin naman ito iyong babaeng tipo na sobrang sama. Napangiti naman siya nang makita itong tumambay sa balcony nito. Nakasuot pa ito ng isang sleeveless at maiksing shorts. Hindi niya maitanggi na ang ganda nito. Mas lumawak naman ang ngiti niya nang kunan nito ang sarili ng litrato. Hindi nagtagal, napatingin ito sa sasakyan niya nang mapansin siya. Ngunit wala itong alam na siya ito sapagkat ibang sasakyan ang

