XXXVI

3081 Words

XXXVI. ABOT LANGIT ANG saya na naramdaman ni Edward habang kasama si Lady. Nasa tabi niya ito at magkahawak ang kanilang mga kamay. Roller coaster ang sinakyan nila kaya palakasan na lang silang dalawa ng sigaw. Namamaos na nga sila pero wala na silang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay masaya sila. “Ang ganda mo, Lady Lou Santibañez!” sigaw ni Edward. Napalingon si Lady kay Edward. “Bolero talaga kayong mga lalaki!” Binatawan ni Edward ang kamay niya sa pagkahawak kay Lady at inilipat niya ito sa balikat nito. Gusto niya lang lambingin ang kaibigan na hinahangaan din niya. Gusto man niyang kunan ng litrato na magkasama silang dalawa pero hindi niya magawa. Kahit lakam siya, may kinatatakutan din siya. Habang mas bumilis ang takbo ng sinasakyan nila, napaayos na siya ng upo at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD