XXVIII

2869 Words

XXVIII. KAGAGALING NG CHAPEL nina Hope at Caitlyn. Iyon ay ang kagustuhan ni Hope. Para sa kaniya, bago siya humingi ng patawad sa mga kaibigan niya ay dapat ang Panginoong Diyos ang uunahin niya. Nahihiya lang siya sa ginawa niya sa mga ito. Sa tingin niya, galit din sa kaniya ang Panginoong Diyos. Hindi makatarungan ang mga pinagsasabi at pinaggagawa niya sa mga kaibigan. Simula noong harapan nila ni Earl, doon niya napagtanto nga tama nga si Lady. Ang babaw ng dahilan niya para magalit siya rito. Hindi kasalanan ng kaibigan niya kung ito ang gusto ng lalaking gusto niya. Sa ginawa niya, nahihiya talaga siya. Pero kailangan niyang gawin ang tama at iyon ay ang humingi ng mga kapatawaran sa mga ito. Nasa tapat na ng silid-aralan nila si Hope. Nanginginig na ang mga tuhod at kamay niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD