XXIX. PAGKAGISING NI SOSHMITTA, ang lapad ng ngiti niya. Sobrang bilis din ng t***k ng puso niya. Lalo pa at third monthsary nila ng lalaking mahal niya. Bumangon na siya sa hinihigaan niya at kinuha ang cell phone niya. Agad niya naman itong tiningnan kung pinadalhan na ba siya ng mensahe ng mahal niya. Pero pagtingin niya, wala pa itong mensahe kaya nawala ang ngiti sa mukha niya. Umaasa lang siya na gumising ito ng maaga para batiin siya nang mahabang mensahe na nakasanayan niya. Bumuntonghininga naman siya sabay hampas sa noo niya, naiinis lang siya sa sarili niya. Maaaring natutulog pa iyon kaya dapat hindi siya mag-isip ng kung ano na walang katuturan. Naalala naman niya noong unang dalawang buwan nilang magkasintahan, hatinggabi pa lang ay bumati na ito. Tumayo na siya mula sa kama

