Lilo Bigla na naman siyang naglaho sa paningin ko simula nang makuha niya ang gusto sa akin. Hindi ba nakakatawa? Di ba ang tanga tanga ko talaga? Mayroon pa bang puwedeng itawag sa akin? Umaasa akong makikita siya ulit sa labas ng university na pinapasukan ko. Susunduin ako at. . . Napapikit ako at hindi na tinuloy ang nasa isip. Malalim akong bumuntong-hininga. Hindi lang ako ulirang ina kun'di ulirang babae rin pagdating sa kaniya. "Lilo, hindi mo matatapos iyang labahan mo kung panay tunganga ka lang! Kanina kapa ha!" Napaigtad ako sabay lingon. Nasa likuran ko si Yassi habang kalong sa bisig niya ang anak ko. Umiling siya at muli akong tinalikuran. Hinampas ko ang kinukusot na damit. Bakit ba ako apektado sa sinabi ni Myer? Wala naman kami di ba? Naanakan lang niya ako at h

