Simple at nakaplano ang buhay ko noong hindi pa siya nakikilala. Pagkatapos ko siyang makilala, naging pagkatapos na lang ang lahat. Hindi ko alam ang stado ng buhay ko ngayon, ako ba'y nasa umpisa pa lang, sa kalagitnaan o malapit na sa wakas. He turned my life upside down in the best and worst ways. Matagal ko itong pinag-isipan, halos tatlong araw akong hindi nakakatulog ng maayos para dito sa gagawin ko. Panagutan niya ako o hindi ay sasabihin ko ulit sa kaniyang nagdadalang tao ako. At siya ulit ang ama nitong batang nasa sinapupunan ko. Simula nang malaman kong buntis ako ulit ay tinigil ko na ang practice. Marami akong dahilan sa mga kaibigan ko at kay Manager Ong. Hindi ko alam kung naniniwala sila sa akin o pinagbibigyan lang ako. Hindi na ako puwedeng sumayaw. Maselan ang

