Lilo Hindi ko mapigilan ang maluha sa tuwa nang mapagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Pakiramdam ko ay para akong pinanganak ulit sa oras na ito. Suot ang napili kong wedding gown at ang mga alahas na pinamana sa akin ng ina ni Lyndon. I am so happy right now, I can't even explain how I felt at this moment. Nakatatlong retouch na ang make up artist ko dahil hindi ko mapigilang umiyak. Nakakahiya ako sa mga kasama ko. Mabuti na lang at wala rito sa loob ang pamilya ni Lyndon. "Relax lang po kayo Mrs, huminga po ng malalim." Nakangiti ang make up artist na tinapik ako sa balikat upang pakalmahin. Nginitian ko siya sabay tango. Nilingon ko din ang hair stylish. "Pasensya na kayo sa akin. Hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko," nahihiya kong sabi sa kanila. "Sanay

