Chapter 24

2014 Words

Lilo Akala ko ay katapusan ko na nang tumama sa mukha ko ang sinaboy ni Annie. Pero tubig pala iyon at hindi asido. Napahiya ako sa maraming tao lalo nang magwala si Annie. Kahit anong awat sa kaniya ay hindi pa rin tumigil na mag-eskandalo sa loob ng simbahan. Nahihiya ako sa mga kamag-anak ni Lyndon. Akala ko ay iiwanan kami ni Lyndon at susundan niya ang nasasaktang girlfriend. Ngunit nanatili siya sa amin, mabilis akong nilapitan at tinuyo ang tubig sa mukha ko gamit ang mga palad niya. Umiiyak si Lulu dahil natakot. Mabuti na lang at tapos na ang kasal kun'di ay baka hindi na matuloy. Umalis kami sa simbahan pero naiwan ang tatay ni Lyndon para humingi ng pasensya mula sa nangyari. At dahil naiintindihan naman ng mga bisita ang nangyari kanina ay hindi nila iyon binigyan ng pan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD