Lilo Mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa unit namin. Napailing ako nang makita siyang nakangisi. Nalusaw lang iyon nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. "Sinasadya mo talagang galitin si Myer ano? Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ka niya gusto." Inirapan ko siya. Namaywang siya at tinitigan ako. "Sa kaniya ka pumapanig ha? I'm your husband, Lilo." Napailing ako pagkatapos ay tinalikuran siya. Mabilis niya akong sinundan at pinigilan sa braso. "Huwag mo akong talikuran Lilo, magsalita ka?" Hinila ko ang braso. Pagod ako at wala ng enerhiya para makipag-usap sa kaniya. "I know, you're my husband, Lyndon. Alam ko kaya huwag mo ng ulitin sa akin. Pagod ako ngayon at gusto ko na po magpahinga," malumanay kong sabi sa kaniya. N

