Claudia's POV Nagising ako nang tumama sa aking mukha ang paa ng aking apo. Napangiti ako kahit na inaantok. Malikot siya matulog, ibang iba kay Lyndon noong baby pa. Pero natutuwa akong hindi siya iyakin at madaling alagaan lang. Hindi rin mapili sa pagkain kaya wala akong problema. Magrereklamo lang ito kapag puno na ang diaper at gustong dumede. Hinalikan ko ang paa niya pagkatapos ay bumangon. Alas singko na pala ng umaga kaya wala na sa tabi namin si Rambo. Simula nang nandito ang apo ko ay hindi na ako nakakasabay mag-jogging sa umaga. Pinagmasdan ko sandali itong natutulog na anghel. Walang pasidlan ang aking pagkatuwa simula nang dalhin sa amin ni Eliana Alohi itong anak nila. My wish is granted. I been wanting a grandchildren. Hininaan ko ang aircon bago lumabas ng kwart

