Lilo Months later... Naging maayos naman ang pagsasama namin sa loob ng pitong buwan. Walang away. Walang selos. Walang problema. Naglaho na lang bigla si Annie na nanggugulo sa aming dalawa noon. Pero, nakikita ko siya sa TV palagi at sa mga magazines. May bago rin siyang malaking billboard sa EDSA. Mas sumikat siya ngayon, pati sa labas ng kompaniya nila Lyndon ay nandoon ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung talagang nag-focus na siya sa kaniyang karera o nag-iipon lang ng kapangyarihan. Alin man sa dalawang ito ay dapat pa rin akong mag-ingat sa kaniya. Maaring nagpapalakas lang siya para atakihin ako. Maaaring nagbagong buhay rin siya at tuluyang pinaubaya si Lyndon sa akin. "Agghh! Ayaw kong ma-stress!" Sinipa ko ang nasa tapat kong mesa. Pero bigla kong nakagat ang ibabang

