Nagsindi ng sigariliyo si Annie pagkatapos ay nagdikwatro. Nasa dressing room siya ngayon at inaayusan ng kanyang make up artist. "Ma'am, bawal po kayong manigarilyo kapag mayroon kayong endorso. Baka maamoy na naman ito ni Manager Patrick ay pagalitan niya kami," mainahong salita ng kaniyang hair stylish. Tumaas ang isang kilay ni Annie sabay tingala dito. Natigilan ang hair stylish niya at nakaramdam ng kaba mula sa amo. Kilala na kasi nilang maldita si Annie at striktang amo. "Malalaman niya kung magsasalita kayo. Ano nga 'yong rules natin, Bella?" tanong ni Annie sa make up artist. Natigilan si Bella. Naiwan pa sa ere ang kamay na may hawak na foundation. Napatayo siya ng maayos, at bago sinagot ang kanilang amo ay tumikhim muna ito. "Makita ang makita. Marinig ang marinig. I

