NARAMDAMAN ni Mirathea na may matigas na mga brasong kaagad humatak sa kaniya palayo kay Jenny dahilan para mabitawan niya ang babae. Pamilyar sa kaniya ang amoy ng taong iyon, and she knew it was Lawrence. Hinihingal siya sa galit na nararamdaman. Sa sobrang galit niya sa dating kaibigan at sa iba pang emosyong gusto pa niyang isigaw ay parang gusto na lang niyang umiyak. Dinig na dinig niya ang pag-iyak ni Jenny na para bang ito ang aping-api sa kanilang dalawa. Tsk. Umaarte. Para ano? Para kaawaan? She glared the woman. Hawak na rin ito ng dalawang bodyguard ni Lawrence sa magkabilang braso nito. Puno ng luha ang mukha, sabog ang buhok kagaya niya at namumula ang pisngi. Nakaramdam din siya ng hapdi sa kaniyang anit dahil sa pagsabunot nito sa kaniya, mahapdi rin ang dalawang braso

